Chapter 9

40 4 1
                                    

Chapter 9

Isang linggo na din ang nakalipas, medyo nakakalimot na ko kahit papano. Konti nalang talaga, nararamdaman ko.

Nandito kami sa garden ni Macy, vacant time eh. Focus na focus ako sa panonood ng mga naglalaro ng soccer sa may field, tanaw dito eh. Ang galing ng mga bata maglaro, grabe. Si Macy hindi ko alam kung anong ginagawa.

"Toots..." kinalabit nya ko. Hindi ako tumingin, maganda na yung laban eh. Nakagoal yung Red Team kanina.

"Huy toots..." kinalabit na naman nya ko.

"Hmmm?"

"May naghahanap sayo."

"Busy ako toots, sabihin mo tatawagan ko nalang din sya mamaya."

"Ah... Hindi sa phone. Nandito sya oh." napalingon naman ako. At nakita ko... SIYA. Tumayo ako bigla at inaya si Macy.

"Tara na toots. Alis na tayo dito."

"Pero..."

"Tara na!" hinila ko yung kamay nya kaso may humila din dun sa kabilang kamay nya.

"Bitiwan mo nga sya!" hinila ko palapit sakin si Macy.

"Hindi. Mag-usap muna tayo." hinila nya naman palapit sakanya.

"Papasok na kami ng room." hinila ko ulit palapit sakin.

"Wala pa yung mga teacher. Kay mag-usap muna tayo." hinila nya.

"Ayoko. Kaya pwede bang bitiwan mo na yung bestfriend ko?" hinila ko.

"Ayoko." hinila nya.

"Bitiwan mo!" hinila ko.

"Ayoko." hinila nya.

"SANDALI! ANO?! TUG OF WAR AKO YUNG TALI?! Magtigil nga kayong dalawa! Kung mag-aaway kayo, wag nyo kong idamay. Aish! Dyan na nga kayo." at ayun, iniwan kami ni Macy. Kasi naman eh!

"Ayan! Nagalit tuloy si Macy. Kasalanan mo."

"Ako pa? Ikaw nga yung ayaw dyan."

"Eh ayaw nga kitang kausapin diba?"

"Bakit ba kasi?"

"Eh sa ayoko." tumalikod na ko at nagsimulang maglakad.

"At san ka pupunta? Mag-uusap pa tayo!" tumigil ako at humarap sakanya.

"Sa lugar kung saan wala ka. At ano bang hindi mo maintindihan sa salitang ayoko, ha?" inirapan ko sya at umalis na.

Nakakainis yung mga taong ganyan. Alam na nagmmove on eh saka susulpot bigla-bigla. Ano bang gusto nyang mangyari? Hindi nya ba alam na nasasaktan pa din ako? Well, manhid nga pala. Tss.

---

Araw-araw nalang akong ginugulo ni Vince. Hindi talaga sya tumitigil, nakakairita na. Nakaka... Ugh! Diba nililigawan nya si Yessica? Bat hindi yun ang guluhin nya? Papansinin pa sya nun. Natatanggap ko na nga paunti-unti eh, saka sinabi ko na din sakanya na makikipag-usap naman ako pero hindi pa ngayon. Ayaw nya pa din tumigil. Haaaaist...

"Ano bang gagawin ko toots? Nasstress na ko sakanya." buti nalang sabado ngayon at walang pasok hindi nya ko magugulo. Nandito kami sa kwarto ko.

"Kausapin mo na kasi. Yun nalang yung paraan para tumigil na sya. Tanggap mo naman na konto diba? Okay na yun."

"Hindi pa eh. Gusto ko yung totally wala na."

"Bahala ka. Ikaw din magugulo dyan, araw-araw."

Kelan ko na ba talaga sya kausapin? Kayanin ko na kaya? Haaay...

"Ano? Kakausapin mo na ba sya?"

Siguro nga dapat ko na syang kausapin, masyado na siguro akong OA sa ginagawa ko. Eh hindi naman naging kami.

"Text mo sya. Sabihin mo magkita kami sa may park bukas, 6pm."

"Yuuun! Sige sige, teka lang."

Para maayos na lahat, para mapantag na loob naming lahat.

---

A/N: Ayan na! Ano kayang mangyayari sa pag-uusap ng dalawa? :)

Vote and Comment

Salamat ^_^

Mr. Sweet Chinito (Short Story)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon