Chapter 8
"Toots! Alam ko na yung nangyari. Kamusta ka na? Sorry di ako nakapunta kahapon ha? Late ko na din nalaman eh." bungad sakin ni Macy ng makapasok ako ng classroom.
"Okay na ko." sumalampak ako sa upuan ko. Okay naman na talaga ko eh? Di na ko naiiyak, konti nalang. Pero keri na to.
"Tigilan mo nga ko sa okay na yan. Ako pa niloko mo? Huh! Ano ba talaga ang eksaktong nangyari ha? Di naman kasi nakwento sakin ni bebe eh."
"Teka nga, eh pano ba nalaman ni Renz yung nangyari?"
"Kinuwento daw sakanya ni Vince. Naglasing daw eh, ayaw nya daw talaga na ganito kayo kasi bestfriend ka nya." siguro kung hindi lang ako broken hearted, baka kinilig na ko. Naglasing si Vince dahil sakin? Wow ha.
Kinuwento ko nalang kay Macy yung nangyari.
"Kaloka! Para kayong nasa korean novela ha? Dat pala nandun ako para navideohan ko."
*PAAAAK
"Aray ha! Masakit kaya." pinektusan ko eh. Seryoso kasi ako eh, diba?
"Dami mo kasing alam eh. Bakit bawal bang mangyari yun sa totoong buhay?"
"Ikaw! Nabasted ka lang, sungit-sungit mo na." pepektusan ko na sana ulit sya pero pinigilan nya na ko.
"Heeep! Seryoso na. Hindi na ko magloloko. Eh anong gusto mong mangyari ngayon?"
"Anong mangyari? Wala, ayoko na syang makausap."
"Grabe ka naman toots. Bakit ka ba ganyan kagalit sakanya? Eh hindi lang naman sya ang may kasalanan ah? Actually, pareho lang naman kayo. Dapat maging fair ka naman." napaisip naman daw ako sa sinabi ni toots. Tama nga naman sya.
"Oo, alam ko. Eh sa ayoko pa syang makausap, masakit pa kaya."
"Sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan? Maglalasing ba sya kung di sya nasaktan sa mga nalaman nya?" tama na naman sya. Grabe pala si Macy kapag seryoso.
"Okay fine. Kakausapin ko sya, pero hindi ngayon. Pwede ba yun?" may tamang oras naman para dun diba?
"Osige. Pero sana lang wag mong patagalin, baka mamaya nyan ready ka na pero sya ayaw na. Ikaw din."
"Oo na. Magpapalipas lang ako ng sama ng loob."
"Yan naman ang toots ko eh."
Biglang dumating yung teacher namin kaya tumigil na kami sa pag-uusap ni Macy.
---
"Toots, nagtataka lang ako." nandito na kami ngayon sa cafeteria kasi lunch na namin. Wala pa namang bahid ng Vince kaya okay pa yung araw ko. Ayoko na syang tawaging chinito dahil naalala ko lang yung lahat. Bitter na, eh ano naman?
"Bakit ka naman nagtataka? At san?"
"Kasi diba hinatid nya ko sa bahay namin dati? Eh hindi ko naman sinabi kung saan pero alam nya."
"Hindi mo alam kung bakit?" tungeks talaga neto ni toots.
"Magtataka ba ko kung alam ko kung bakit?" napakamot sya sa ulo nya.
"Hehehe. Sorry naman. Alam ko kung bakit."
"Bakit? Sabi agad."
"Kasi sa same subdivision lang kayo nakatira at same way lang din dinadaanan nyo. Nakikita ka daw ni Vince minsan kapag nalabas ka or papasok ka. Eh hindi ka pa naman nya kilala nung time na yun kaya di ka nya pinapansin."
"Kanino mo naman nalaman yan?"
"Kanino pa ba? Edi sa bebe ko." onga pal, tropa sila. Nagtanong pa ko. Psh.
"Pano nya naman nalaman?"
"Kinwento ni Vince!" kinukwento nya talaga ko kay Renz eh 'no? Kaso di na ko kinikilig eh, wala ng epekto sakin.
"Ah, daming alam ng jowa mo ah."
"Di ka man lang kinilig?" kunot-noong tanong ni nya sakin.
"Bat naman ako kikiligin? Eh diba kinakalimutan ko na sya, ayoko na sakanya."
"Ampalaya Alert!" binato ko sya ng chips na kinakain ko.
"Toots naman eh, yung uniform ko. I'm so madungis na tuloy. Pero seriously, akala ko alam mo na naturingang ikaw yung may gusto sa tao. Tsk, tsk."
"OA lang? Para isang piraso eh. Eh sa hindi ko alam, wag ka nga! At least alam ko na ngayon."
"Eh nalaman mo lang naman nung sinabi ko sayo. Pano kung di ko din alam, edi nganga ka? Hahahaha." binato ko ulit sya ng chips.
"Pangalawa na yan toots ah! Di na OA yan." natawa naman ako bigla. Hahahaha. Loka talaga to.
Ayun nagharutan lang kami ni Macy. Para naman malibang ako diba?
---
Uwian na. Naglalakad ako ngayon sa may hallway. Si Macy nauna na, magkikita pa daw sila ng jowa nya eh, lagi naman. Tss. Loner tuloy ako pag-uwian. :(
Lakad lang ako ng lakad, bat parang ang layo ng gate? Kainis ha.
"Ecka..." hindi ko alam kung san sya nanggaling pero bigla nalang syang sumulpot sa harapan ko. Ayoko syang tingnan.
"Excuse me, dadaan ako nakaharang ka." pero hindi man lang sya gumalaw. Tinignan ko na sya pero masamang tingin.
"Ecka, please?" wala kang narinig Ecka.
"Kelangan ko ng umuwi. Nagtext na si mama saken." dumaan ako sa may kanan, pero humarang sya.
"Please?" inopen wide nya yung kamay nya para lalo akong maharangan.
"Mag-aaral pa ko. Padaanin mo na ko. Ano ba." nagtitimpi ako, promise. Ayoko syang sigawan at ayoko maggawa ng eksena dito.
"Ecka, mag-uusap lang tayo. Please?" pumikit ako at huminga ng malalim.
"Vince please..." biglang nalungkot yung mata nya at binaba nya yung mga kamay nya, alam ko nasaktan sya.
"Ecka, hindi na ba natin-"
"Aalis na ko." bigla nalang akong naglakad ng mabilis. Ayoko syang marinig, ayoko ngayon.
"Ecka!" tumakbo na ko at dali-daling sumakay ng jeep. Nakita ko sya sa may gate, kitang-kita ko yung hinanakit sa mga mata nya.
I'm sorry Vince...
---
A/N: Awww. :( Kawawa naman si Bebe'Vince ko. </3 pasalvage na ba si Ecka? Charooot :D Bad yun diba? Kaya wag ha? :)))
Vote and Comment
Salamat ^_^
BINABASA MO ANG
Mr. Sweet Chinito (Short Story)✔️
أدب المراهقين(Revising) Love is not always like a fairytale.