Chapter 5
Ayun, araw-araw at gabi-gabi na nga ang pagkaKV ko. Inspired na inspired ako eh, ang tataas tuloy ng mga grades ko. :D minsan din kasabay namin sya kumain at hinahatid nya din ako minsan. Oha? Parang nanliligaw na talaga diba? :"""">
Hinihintay ko nalang yung last sa listahan. Kelan nya kaya ako bibigyan ng flowers? Ano kayang klase? Sana tulips kasi gusto ko yun. :"""">
Si Macy medyo hindi pa din naniniwala na may gusto sakin si chinito, eh halatang-halata na nga eh? Kesyo daw, baka ganun lang talaga si chinito or baka daw gusto lang talaga maging close friend ako. Close friend, ganun kasweet? Walang ganun, nakakafall kaya. Hahahaha. Well, masaya na ko araw-araw kaya minsan nasasabihan akong blooming. Iba talaga epekto ng umiibig eh. <3
"Toots, ang tagal gawin ni chinito yung last sign no? Ilang weeks na din akong naghihintay ah? Naeexcite na ko eh."
"Realtalk na toots, wag ka naman masyadong umasa. Alam mo, ikaw lang din ang kawaw sa huli."
"Realtalk din toots, matagal ko naman ng sinasabi sayo na feel ko na eh. Nakikita mo naman diba?"
"Oo nga, pero kasi-"
"Hep! Ayoko na marinig sermon mo. Basta kasi pagtiwalaan mo nalang ako ha? Please?"
"Sinasabihan lang naman kita kasi ayaw kitang masaktan."
Haluh? Nagddramahan na kami nitong babae na 'to. Ano bang problema nito?
"Hindi ko naman hahayaang mangyari yun eh."
"Kasi toots... Ano kasi eh... Si ano..."
"Toots naman eh. Tama na ha?"
"Eh kasi naman toots, ayaw nya naman sayo talaga eh, may iba syang gusto! Alam ko yun!" medyo tinaasan nya ko ng boses. Ano ba naman tong babae na to?
"Toots, kalma! Saka please, wag mo naman sya siraan para lang hindi ko na sya magustuhan. Hindi na magbabago kung ano yung naiisip at nararamdam ko." naiintindihan ko naman sya na ayaw nya kay Vince pero hindi naman nya kelangan manira.
"Okay, fine. Bahala ka na, basta tawagan mo lang ako kapag may nagkaproblema ka ha?"
"Hahahaha. Ikaw talaga toots, tatawagan kita kapag naging kami na ni chiko."
"Chiko?"
"Chinito ko. Hahahahaha."
"Psh. Kapag talaga inlove, kumocorny eh 'no?" natawa nalang kami pareho, totoo naman eh. XD
---
"Toots, may lakad ka ba?" para kasing nagmamadali sya eh.
"Oo eh, monthsary namin ngayon diba? Pano toots, bye na!" tapos bigla nalang syang tumakbo palabas.
Iwan na naman si ako.
Wawa na naman si ako.
Alone na naman si ako.
Waaaaa! T_____T
"Oh? Ecka, bat nakasibangot ka ha?" Yey! Ang aking night in shining armor! Laging to the rescue. Hahahaha. Sino pa ba? <3
"Nakakagulat ka naman vince, para ka talagang kabute." na mahal na mahal ko. Ayieeeee! :""">
"Hahahaha. Sorry naman. Eh bakit ba para kang badtrip dyan ha?" tumawa na naman sya. OWWW! <3
"Eh kasi naman si Macy iniwan na naman ako eh. Monthsary kasi nila ng jowa nya ngayon, kaya ayun nagmamadaling umalis." Huhuhuhu T___T tinatamad pa naman akong umuwo ng maaga.
BINABASA MO ANG
Mr. Sweet Chinito (Short Story)✔️
Novela Juvenil(Revising) Love is not always like a fairytale.