Chapter 3

74 4 2
                                    

Macy ang Ericka at the right. :) Si Ecka yung nasa kanan :">

---

Chapter 3

Ilang linggo na din kaming magkatext ni chinito. Kapag nagkikita naman kami sa school batian at ngitian lang. Wala eh? Napipipe ako kapag kaharap ko sya. Sinasayang ko nga daw yung chance sabi ni Macy. May magagawa ba ko? Ang sarap nya kaya titigan. Haaay. :""">

"Hoy toots! Nawawalan ka na ng time sa'ken ah? Magtatampo na ko nyan, minsanan na nga lang tayo nagkakasama tapos ngayon puro text yang inaatupag mo." drama talaga netong bestfriend ko.

"Alam mo naman kung bakit diba? Ikaw naman. Uy, toots. Alam mo bang naffeel kong nagsisimula ng magkagusto din sa'kin si chinito?"

"Pano mo naman nasabi ha?"

"Kaso sobrang sweet nya kaya. Grabe, kinikilig ako."

"Porke't sweet, may gusto agad? Saka palagi ka naman kinikilig sa kanya eh. Kelan ba hindi?" aba? Binabara na ko neto ngayon ah?

"Oo na! Pero kasi may signs ako. At kapag yun nangyari lahat, ibig sabihin may gusto talaga sya sakin."

"Ano namang signs yan?"

Nilabas ko agad ang isang pirasong papel na sinulatan ko kanina habang nagkaklase at iniabot sakanya. Madaming napasok sa utak ko kapag bored ako.

Chinito likes me:

1st- Kapag sweet sya sakin. 

 2nd- Kapag niyaya nya kong kumain.

3rd- Kapag hintaid nya ko sa bahay.

Last- Kapag binigyan nya ko ng flowers.

"Alam mo ikaw? Napakailusyonada mo talaga kahit kelan. May pasign sign ka pa dyan, as if mangyayari yan? Lalo na yung last? Psh. Bakit ka naman nya bibigyan ng flowers?" binato nya sakin pabalik yung papel.

"Alam mo ikaw? Ang KJ mo talaga kahit kelan." sabay irap ko sakanya. "Wala ka bang tiwala sa toots mo? Para namang hindi mo ko kilala nyan eh. Nag-uumpisa na nga eh, kasi sweet sya sakin sa texts. At kaya nya ko bibigyan ng flowers ay dahil nga may gusto sya sakin, baka aamin na sya at manliligaw."

"Psh. Bahala ka na nga dyan. Masyado kang nababaliw dyan sa crush mong di ka naman napapansin." tumayo na sya sa upuan at nagsimulang maglakad.

"Woy! Pinapansin nya na ko ah!" hinabol ko sya. Para lang sabihin yon. XD

"Oo nga. Eh crush ka naman din ba nya?" medyo napatigil ako dun ah? Ang sakit kaya!

"Ouch! Nangrrealtalk ka na toots ah?" sapul na sapul ako eh. T___T

"Di ah. Para nagtatanong lang eh." kunwari di nya alam na nasaktan nya ko. Ang sama. T___T

"Hindi ko alam. Baka? siguro? ewan?" bigla naman daw akong nalungkot dun.

Bigla naman akong inakbayan nitong bruhilda na to.

"Sige na, susuportahan na kita. May magagawa pa ba ko? Pasalamat ka at mabait ako." nagchin-up pa sya. Suus, mabait daw. -.-

"Anong kapalit?" alam ko naman na meron eh.

"Huh? Wala ah. Ayaw lang kitang nakasibangot, baka ayawan ka pa ni chinito. Nakakaawa ka naman." inasar pa ko. Pero okay na din yun at least ligtas allowance ko. YES!

"Yun oh! Bait mo nga, pero pustahan ngayon lang yan. Hahahahaha."

"Ah ganon? Nagbago na pala isip ko. Kalimutan mo na yung mga sinabi ko."

"Joke lang toots. Ikaw talaga. Tara na nga!" ako naman ang umakbay sakanya at pumunta na kami sa room.

---

"Sure ka bang mangyayari yang signs na yan?" nag-aayos na kami ng gamit. Uwian na eh.

"Oo, tiwala lang. Diba nga nagsisimula na?" sinakbit ko na yung backpack ko.

"Kasi naman, sa text lang naman sya sweet. Eh sa personal? Hanggang 'hi-hello' lang kayo."

"Sweet pa din naman. Basta kasi toots. Wag ka ng magulo dyan, ako naman naggawa nyan eh."

"Haaaay. Sige na, bahala ka na dyan. Balitaan mo nalang ako sa mga mangyayari."

"Osure. Ikaw lang naman masasabihan ko eh?" sya lang naman kasi bestfriend ko eh.

"Alam ko. Sige na, mauna na ko. Nasa labas na daw si jowa. May date kami ngayon eh."

"Sige, ingat kayo. Enjoy!" nagwave na ko sakanya.

Habang naglalakad ako sa hallway, nagtetext ako. Alam nyo na. Hehehe. Kaso...

*BOOOGSH

"Aray!" napahawak ako sa ilong ko. Ang sakit kaya!

"Sa susunod po mag-iingat-"

O.O

"Ikaw kasi eh. Patext text ka sa may daanan." kinurot nya yung ilong ko. Masakit na nga eh! T___T tinamo! Tinawanan pa ko.

"Hahahahaha. Namumula yung ilong mo ang cute."

Eh?

Di ko alam kung mahihiya ako dahil namumula yung ilong ko o dahil sinabi sa nyang cute.

"Ah... Hehehe... S-sige... M-mauna na ko..." anobayaaan! Nauutal na tuloy ako >.<

"Ah, okay ka lang ba? Ba't ka namula bigla? Sumama ba pakiramdam mo? Nahilo ka ba? Tara samahan kita sa clinic." hinawakan nya yung kamay ko. Napatingin tuloy ako.

WAAAAAAA! PWEDE NA KONG MAMATAY! HINAWAKAN NYA YUNG KAMAY KO! OO, SI CHINITO HINAWAKAN YUNG KAMAY KO! HINDI NA KO MAGHUHUGAS! (>o<)

"Uhm... Ecka! Okay ka lang ba?" hinawakan nya naman yung noo ko. MYGASSSHHH! Lalagnatin nga ata ako sa sobrang kilig.

"Ecka..."

"Huh? Ah... Oo, o-okay lang ako. Medyo mainit kasi eh. Hooo!" sabay paypay ng kamay ko sa mukha.

"Naiinitan ka? Teka..." bigla nyang binuksan yung bag nya. "Eto oh, inumin mo na. Di ko naman nainom eh." inabutan nya ko ng isang bottled water. He is so sweet! :""">

"Ah... Salamat ha?" binuksan ko yon saka ininom. Nakalahati ko agad yung tubig, sobrang kinakabahan kaya ako!

"Hatid nalang kita Ecka." nasamid ako! Nasamid talaga ko!

"Tingnan mo, mukhang di ka okay eh. Hahatid na kita." hinagod nya yung likod ko. Sana po di na matapos to! Heaveeeen! :""""">

Hindi na ko nakasagot kasi inakay nya na ko pauwi. Take note! Nakaakbay sya sakin kasi nga inaakay nya ko! WATDAHELL diba? Ikaw kaya!

Nakarating kami sa bahay ng medyo wala ako sa sarili ko. Nandito na agad kami? Ang bilis naman (-.-" )

"Magpahinga ka na ha? Dapat hindi ka pumapasok ng masama pakiramdam mo eh. Kapag hindi mo pa kaya pumasok bukas, ako na bahala magsabi sa mga teachers natin. Pano alis na ko? Bye." nagwave at smile sya sakin. Ang kanyang mga mata lalong lumiliit. :""">

Teka?

Pano nya ko naihatid dito?

Alam nya bahay namin?!

ALAM NYA?! IBIG SABIHIN...

WAAAAAA! TO THE HIGHEST LEVEL! (>O<)

---

A/N: OA masyado kapag may crush. XD Ang corny nung signs ni Ecka 'no? HAHAHA.

VOTE. COMMENT. BE A FAN.

Salamat ^_^

Mr. Sweet Chinito (Short Story)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon