Last chapter na po ito then Epilogue na. :) Thankyou sa pagbasa :***
Yessica sa right side. Gondo no? <3
---
Chapter 10
"Ayan toots, sige makakaalis ka na. Maganda ka na eh." anong oras na ba? 6:30 na pala. Baka kanina naghihintay si Vince dun.
"Bakit ba kasi kelangan nakaayos pa? Mag-uusap lang kami." eto kasing si Macy eh. Todo makeover pa, akala mo naman rarampa ako.
"Ano ka ba, ipakita mo kay Vince na blooming ka. Para magsisi sya sa ginawa mo."
"Ano ba talagang gusto mo? Pinagmumukha mo kong bitter nyan eh. Kaya nga maguusap para maayos diba?"
"Oo na po. Highblood ka na naman dyan eh, umalis ka na nga!"
"Wow ha? Hiya ako sayo. Bahay mo?"
"Wala ka talagang utang na loob kahit kelan toots. Hmp! Makaalis na nga, balitaan nyo nalang ako sa 'paguusap' nyo ha?"
"Ano namang ibig sabihin mo nyan?" sabay na kami lumabas ng gate.
"Wala . Sige na, baboo na! Kanina pa yun naghihintay sayo." nagwave na sya sakin at naglakad palayo.
"Ge. Ingat sila sayo!"
"Che!" napatawa nalang ako at nagtungo na ko sa park.
---
Pagdating ko sa park, nakita ko sya nakaupo sa may swing. Hindi nya pa ko nakikita kasi sa may gilid ako dumaan.
Okay Ecka, relax ka lang.
Hingang malalim.
Mag-uusap lang kayo.
Inhale... Exhale...
Game!
Naglakad na ko palapit sakanya, napalingon na din sya. Narinig na nya ata yng footsteps ko eh.
"Ecka..." tawag nya saken, naupo naman ako sa katabi ng swing na inuupuan nya.
"I'm sorry..." panimula nya. Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang syang magsalita.
"Hindi ko naman talaga alam na ganun ka saken and hindi ko itensyong maging ganon kasweet sayo, na hindi ko alam nahulog ka na pala. Alam kong may mali din ako kasi hindi ko man lang inisip yung pwedeng mangyari bago ko gawin yung mga bagay na ganun sayo. Alam mo Ecka, mahalaga ka saken sobra..."
Hindi ako iiyak, sayang yung ayos ni Macy saken. Usap lang.
"Nung nakilala kita, iba eh. Napapakita ko na kung ano ako tapos lagi mo kong nabibigyan ng lakas ng loob. Kaya nga gusto ko na tulungan mo ko kay Yessica."
"And I'm sorry din kung hindi ko agad nasabi sayo yung about sakanya. Gusto ko kasi pareho kayong masurprise, iniisip ko kasi na matutuwa ka kapag nalaman mo na may nililigawan ako."
"Ecka, importante kayo saken ni Yessica. Kaya ayoko na may sama ng loob ang isa sa inyo sakin, hindi ko kaya. Part ka na ng life ko eh. Ikaw yung kapatid at bestfriend ko."
"I'm so sorry kung yun lang ang maibibigay ko sayo Ecka, pero hindi naman porke't may girlfriend ako eh pababayaan at kakalimutan na kita. Mahal kita and I will protect you no matte what. I care for you a lot Ecka."
"Kaya please, sana magkaayos na tayo..." narinig kong sumsinghot si Vince. Umiiyak ba sya?
Umiiyak sya dahil sakin? Ang sama ko na ba para hindi sya patawarin? Selfish na ba ko pagganon?
BINABASA MO ANG
Mr. Sweet Chinito (Short Story)✔️
Novela Juvenil(Revising) Love is not always like a fairytale.