veinticinco

855 47 12
                                    

thunder's pov

Naglalakad ako sa hallway ng business ad building ng makita ko si Shanta at Nica. Tinawag ko sya kaya parehas silang mapatingin sa'kin. Gulat ang nakita ko na reaksyon nya ng makita ako.

Lalapitan ko na sana sila pero nagmadali sya umalis. Naiwan si Nica'ng nagtataka. Kahit na ako din. Tinawag nga sya nito pero di sya lumingon. Iniiwasan nga nya ako.

"Galit ba sya sa'kin?" tanong ko kay Nica ng makalapit ako sa kanya.

"I don't know. Ano ba kasing ginawa mo?"  nagkibit balikat ako bilang tugon sa kanya.

"Hay! Kayong dalawa pagiging aso't pusa nyo? yan ang napapala nyo. Mag-usap nga kayo. Ayaw ko mastress sa inyo. Bye." aniya at nagmadali na ding umalis.

I slightly shook my head. How can we talk when she's avoiding me? How can I say sorry if she's ignoring me. She don't even answer me when I chat her which bothered me so much. It's almost two weeks. Hindi ako sanay na ganon ang pakikitungo nya. Mas gusto ko pang inaaway at nakikipag-asaran sya sa'kin. Hindi yong ganitong parang di nya ako kilala.

"Ey! dude." napalingon ako sa nagsalita. It was Night and Light. Ba't napadpad tong dalawang to dito sa building namin eh sa kabila yong engineering building.

"Ba't nakatanga ka?" usisa sa'kin ni Light.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Gwapo kasi ako. Tsk!" ani ko at linayasan sila. Di ko na pinansin ang pagtawag nila sa'kin.

Kailangan kong makausap sya. I need to find a way para makausap sya. Di kasi ako mapalagay. At hindi ako mapapalagay hanggang hindi kami nagkakabati.

frienemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon