cuarenta y ocho

700 47 29
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

shanta's pov

Napatingin ako sa langit ng magsimulang umambon. Base sa nangingitim na ulap at manaka-nakang pagkulog ay mukhang ilang sandali lang ay bubuhos na ang malakas na ulan.

Uuwi na sana ako pero nagdadalawang-isip ako. Paano kung di nga sya umalis doon? Paano kung maulanan sya? At magkasakit? Magiging kargo de konsensya ko 'yon. Kinakabahan ako. Ano bang gagawin ko? Di pa ako nakakapag-isip ng maayos.

Nasa waiting shed na ako para mag-abang ng masasakyan ng tuluyang bumuhos ng malakas ang ulan. Jusme!

Parang may sariling isip ang mga paa ko na dali-daling bumalik papasok sa university habang hawak sa isang kamay ko ang aking payong. Halos patakbo na akong pumunta sa likod ng Business Ad building kung saan naroroon ang lumang fountain na sinasabi nya.

Sinalakay ako ng matinding konsensya ng pagdating ko ay makita ko sya doong basang-basa na sa ulan habang nakatayo paharap sa fountain.

Ano bang pumasok sa isip nya't nagpaulan sya?

Siguro ay naramdaman nya ang presensya ko dahil pumihit sya paharap sa'kin. Isang ngiti ang agad na sumilay sa labi nya. Mas lalo tuloy akong nakonsensya.

"Shan, you came." mahinang sabi nya sakto lang para marinig ko.

Humakbang ako palapit sa kanya at pinayungan sya kahit alam ko wala din namang silbi dahil basang-basa na sya.

"Bakit ka nagpa-ulan? Ano bang pumasok sa isip mo? Ano bang sasabihin mo't di ka umalis dito? Paano nalang kung nakauwi na pala ako? Alam mo bang sa ginagawa mo ay pwede kang magkasakit?" alalang sabi ko.

"You care." pinangunutan ko sya ng noo. Imbes na sagutin ang mga tanong ko ay yon ang pinansin nya.

"Sino bang di mag-aalala sa ginagawa mo?" isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi nya. Yong ngiting gustong-gusto kong laging nakikita. Pero gago sya. Nakuha pa nyang ngumiti, nag-aalala na nga ako. "Bakit ka ba kasi nagpaulan?"

"I told you I won't leave until you came. May isang salita ako, Shan. Paano kung umalis ako at dumating ka? Baka sabihin mong pinagloloko lang kita. Baka mas lalong di mo ko kausapin. But your here now. Thank you." kahit deretso ang pagsasalita nya ay ramdam ko ang panginginig ng boses nya. Halatang nilalamig na sya.

"Ano bang pag-uusapan natin?" lakas loob kong tanong. "Pero bago mo sagutin ang iyon, pwede bang sumilong tayo." ngumiti sya at tumango.

Aish! Ngiti sya ng ngiti, kaya lalo akong nahuhulog sa kanya. Ito yong iniiwasan ko eh.

Dumeresto kami sa garden kung saan may kiosk. Napapiksi ako ng hawakan nya ang kamay ko pagkadating namin doon. Parang may kuryenteng dumaloy sa'kin mula sa kanya. Kinakabahang hinarap ko sya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gustong kumawala. Mas lalo pang bumilis ang tibok nito ng kuhanin nya pa ang isa kung kamay. Deretso syang nakatingin sa aking mata. Ang kanyang magagandang mata ng pinaka-unang nakakuha ng atensyon ko. Ang matang gusto ko laging titigan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Shan. Ayaw  ko ng magsayang pa ng pagkakataon." bahagya kong nakagat ang pang-ibabang labi ko sa tinuran nya. Ano bang ibig nyang sabihin?

"Shan... I love you."

frienemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon