warning: typos and grammar errors ahead.
***
thunder's pov
"Hit and run po ang nangyari sa anak nyo. Ayon sa dalawang nakakita ay parang sinadya ang pagsagasa sa kanya. Wag po kayong mag-alala misis, nakuha naman ang plate number ng sasakyan. Kasalukuyan na po naming tinitrace kung sino ang may ari ng kotse."
Naikuyom ko ang aking kamao ng marinig ang sinabi ng mga pulis sa mama ni Shan. Malaman ko lang kung sino ang demonyong gumawa nito sa kanya, magsisi syang nabuhay pa sya. Hindi ko sya titigilan hangga't di sya magbabayad ng malaki.
"Thank po, officers. Tawagan nyo na lang ako pag may balita na." ani tita sa mga ito.
Nang makaalis umupo sya't humagulhol ng iyak. Nahahabag ko syang nilapitan ay niyakap. Maski ako ay gusto ng maiyak sa sandaling ito. Pilit ko lang tinatatagan ang loob ko kahit na mairap. Kahit na masakit.
"Hindi... ko... alam... kung paano ako magiging matatag... sa nangyari sa anak ko. Hindi ko kakayanin... pag... nawala sya sa'kin."
Tumingila ako para di tumulo ang luhang namumuo na sa gilid ng mata ko. Maski ako ay di ko alam ang mangyayari sa'kin. Mawawalan ng silbi ang buhay ko pag nawala sya sa'kin.
Nasa ICU sya. And she's in a state of coma. Ang sabi ng doctor ay maliit pa ang tyansang magising sya sa ngayon. Masyadong malakas ang pagkakabunggo sa kanya. Tumama pa ang kanyang ulo sa gutter ng sidewalk.
Ipinilig ko ang aking ulo para di na maisip ang nangyari. Di ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Wala ako don para sa kanya. Wala ako para protektahan sya. Wala akong silbi.
"Matapang po si Shan, tita. Malalampasan nya ito. Magigising din sya."
"Sana nga hijo. Sana."
Ilang sandali pa ay medyo kumalma na sya. Magkasama kami pumasok sa ICU. Pinasuot kami ng hospital gowns at mask. Parang gusto kong tumalikod ng makita ang kalagayan nya. Ang daming mga nakakabit sa kanya. Sobrang sakit na nakikita syang parang wala ng buhay. Kung pwede lang na ako nalang ang nasa kalagayan nya. Sana ako nalang ang nahihirapan.
"Hijo! di ka pa umuuwi mula ng dumating ka dito. Magpahinga ka muna anak. Bumalik ka nalang."
Umiling ako. "Ayos lang po ako, tita. Dito lang po ako. Kayo nalang po ang magpahinga dahil mukhang pagod na pagod kayo. Wag po kayong mag-alala. Babantayan ko po sya. Di ako aalis sa tabi nya."
Ngumiti sya ng pilit. "Salamat hijo. Salamat dahil nandito ka para sa anak ko." marahan nyang tinapik ang aking balikat.
"Wala hong anuman. Mahal na mahal ko po ang anak nyo at di ko sya iiwan." isang totoong ngiti ang sumilay sa labi nya.
"Gustong-gusto kita para anak ko. Sana maging maayos na sya agad. Uuwi muna ako saglit. Babalik din ako agad. Kukuha lang ako ng mga kakailanganin dito sa ospital."
"Sige po."
Lumapit sya kay Shanta at nagpaalam dito kahit alam naman naming di sya nito naririnig. Pagkatapos ay hinalikan nya ang ulo nitong mapapalibutan ng benda. Muli syang nagpaalam sa'kin bago tuluyang umalis.
Nang makaalis sya ay ako naman ang lumapit kay Shan. Dahan-dahan kong kinuha ang kamay nyang merong mga galos.
"Babe, please fight... for your mom... and for me. Mahal na mahal pa rin kita kahit hindi mo ako mahal. Wag mo 'kong iiwan... parang awa mo na."
BINABASA MO ANG
frienemies
Short Storychat story #3 - [Suho×Tiffany] *** In which a boy and a girl who were considered as friends, loves to annoy each other. Highest Rank: #3 in Short Story