noventa y cinco

617 25 3
                                    

an: pov's muna tayo. wala munang chat convos.

***

"Thunder dude, magpahinga ka muna. Kami na munang magbabantay kay Shan." ani Cero na prenteng nakaupo sa sofa at nanonood ng TV katabi si Celoah. Nandito silang lahat ngayon sa ospital para bisitahin si Shan. Wala kasing pasok. Kanina pa nga sinasaway ni Camille sina Night at Light na parang mga tangang naglalaro ng snake and ladders. Ewan ko ba't saan nila nakuha yan.

Halos isang buwan na rin at di pa sya nagigising. Inaamin kong pinanghihinaan na ako ng loob pero ayaw ko pa rin mawalan ng pag-asa. Alam kong gigising din sya.

Si Liezel, nakakulong na. Kinasuhan sya ng mama ni Shan at nakakulong na. Todo pakiusap nga ang papa nya na wag ng ipakulong ito pero salamat at hindi nagpauto si tita. Di ko nga maiwasang kwestyunin ang kanyang ama. Anong klase sya na hahayaan nalang ang siraulong babaeng yon na di magbayad sa ginawa nito kay Shanta.

Alam ko na rin ang lahat. Naikwento na sa'kin ni Nica. At sobrang nagagalit ako dahil noon pa pala ginagawan ng kasamaan ni Liezel si Shan. Binubully pala sya nito sa eskwelahan. Kaya pala minsan noon ay nakikita ko syang madumi ang suot at basang-basa. Tapos iniinis ko pa sya sa itsura nya, yon pala sinasaktan na sya, dumadag pa ako sa pananakit sa kanya sa mga sinasabi ko. Sobrang pinagsisihan ko ngayon ang lahat ng yon. Kung alam ko lang ay ako na ang promotekta sa kanya.

"Oo nga, Thunder. You should take a rest. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Ano nalang ang sasabihin ni Shan pag nalaman nya? Hindi sya matutuwa panigurado." pagsegunda ni Celoah kay Cero.

Napabuntong-hininga ako.

"Mamaya na siguro. Okay lang naman ako. Tsaka, gusto ko kasing nasa tabi nya ako paggising nya. Gusto kong ako ang una nyang makita."

"Thunder, kahit wala ka sa tabi nya. Alam kong hahanapin ka nya paggising nya. Kaya sige na, tama si Cero at Oah. Magpahinga ka muna." pahayag ni Nica na kanina ay nanonod ng TV.

"Dude, pag naggising sya at pangit mong mukha ang makita nya, baka gustuhin nyang matulog nalang ulit. Tsaka dude, may bahay ka wag mong gawing tirahan mo itong hospital." sinundan ni Light mg tawa amg kanyang sinabi. Sinamaan ko sya ng tingin. Binatukan naman sya ni Cero.

"Tangina mo." aniya dito.

"Light, kahit kelan ka talaga." ani Cloud na kanina ay abala sa phone nya.

"Talo ka na oy, panalo na ko." sabi naman ni Night sa kanya.

"Nandaya ka kasi." napailing ako ng magsimula na naman silang magbangayan. Sinaway naman agad sila ni Nica.

"Sige na Thunder, umuwi ka muna. Pahinga ka kahit saglit lang."

Kahit labag sa loob ko ay wala na akong nagawa. Pumayag nalang akong umuwi. Babalik din naman ako agad.

"Babe, I'll be back. Sana pagbalik ko, magising ka na." sambit ko saka ko sya marahang hinalikan sa noo.

Sana talaga pagbalik ko maayos na sya.

frienemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon