warning: typos and grammar errors ahead.
***
shanta's pov
Mahihinang-katok ang narinig ko mula sa labas ng pinto ng kwarto. Binalewala ko iyon. Sunod na narinig ko ay ang boses ng mama ko kaya kahit na walang gana ay tumayo ako at pinagbuksan sya.
"Anak." pag-aalala sa mukha at sa boses nya ang nakikita ko. Pumasok sya at hinawakan ang kamay ko. Lunapit kami sa aking higaan at naupo sa gilid. "Anak, anong nangyayari sa'yo? Ilang araw ka ng ganyan. Ilang araw ka ng di pumapasok. Ilang araw ka ng nagkukulong dito sa kwarto mo. Ano ba talagang problema mo? Pasensya na kung di kita naasikaso. Busy kasi ang mama mo sa trabaho, nak. Shanta, sabihin mo kay mama ang problema?"
Napakagat-labi ako at niyakap sya.
"Wala mama, di lang talaga maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw."
Agad dumaloy ang luha sa aking pisngi. Masyadong masakit para sa'kin ang lahat. Pakiramdam ko ay di ko kakayanin.
"Nak, alam kong may mabigat kang dinadala. Anak kita. Ako ang pinakanakakakilala sayo. Bawat paghinga mo alam ko. Kaya anak, wag kang magdalawang-isip na sabihin sa'kin kung ano man. Tayo lang dalawa ang magkakampi. Nandito ako lagi para sayo." mas humigpit ang yakap ko sa kanya. Di ko na mapigilang mapahikbi.
"Kung di ka pa handang sabihin sa'kin ngayon, maghihintay ako. Hanggang sa kaya mo ng sabihin sa'kin."
"Mahal na mahal kita, mama. Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, anak."
"Mag-iingat ka lagi ma."
Kumalas sya ng yakap sa'kin at tiningnan ako sa mata.
"Shanta, oo naman nag-iingat ako. Pero bakit ganyan ang sinasabi mo?"
"Wala mama, ayaw ko lang na mapahamak ka."
"Anak, bakit ako mapapahamak. Hindi ako mapapahamak."
"Basta mama, kahit ano man ang mangyari. Lagi mong isipin na mahal na mahal kita." hinayaan ko na lang ang mga luhang lumalabas sa mata ko. Muli ko syang niyakap ng mahigpit.
"Shanta, mahal na mahal din kita. Pero natatakot ako sa mga sinasabi mo."
Di na ako nagsalita pa. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa mamalayan kong bumibigat na ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
frienemies
Storie brevichat story #3 - [Suho×Tiffany] *** In which a boy and a girl who were considered as friends, loves to annoy each other. Highest Rank: #3 in Short Story