warning: typos and grammar errors ahead.
***
shanta's pov
"Shan, ayos ka lang?" yumuko ako at mabilis kung pinahid ang luhang namuo sa gilid ng mata ko. Di ko kasi mapigilang di mapaluha sa mga sinabi ni Liezel.
Masakit isiping matindi ang galit nya sa'kin. Masakit ang malamang di nya ako kayang tanggapin bilang kapatid. Pero mas masakit ang mga sinabi nya tungkol sa mama ko. Kahit alam kong di naman yon totoo. Di ko maiwasang wag masaktan. Di ko rin maiwasang mangamba sa mga banta niya. Kilala ko sya at alam kung gagawin nya ang kung ano man ang gusto nya.
Isa pa sa ipinapangamba ko, paano nga kung malaman ni Thunder na isa akong anak sa labas. Matanggap nya kaya. Di kaya magbago ang pagtingin nya sa'kin. Paano kung maagaw sya ni Liezel sa'kin? Di ko yata yon kaya.
"Oy! Shan."
I cleared my throat bago ko binigyan ng isang pilit na ngiti si Nica.
"Ano nga yon?"
Agad nangunot ang noo nya.
"Kanina pa ako nagsasalita, di ka naman nakikinig. Spill it, Shan." aniya na ikinataka ko.
"Huh?"
"Tss! Anong problema?" magsasalita sana ako ng pinigilan nya 'ko. "Wag mong sabihin sa'kin na wala dahil kilalang-kilala kita Venice." napalunok ako ng ang pangalawang pangalan ko na ang binanggit nya. Ganyan sya pag seryosong-seryoso na sya at ayaw nyang may inililihim ako sa kanya.
Muli akong napalunok saka yumuko. "Si Liezel." ani ko. Bahagya pang gumaralgal ang aking boses ng banggitin ko ang pangalan ng kapatid ko.
"Ano na---hmp." dali-dali kong tinakpan ang bibig nya para mapigil ang pagtaas ng kanyang boses. Pagdating kasi kay Liezel ay highblood agad tong si Nica. Alam kong ayaw nya dito at kung di ko lang sya pinipigilan sa tuwing may di magandang ginagawa ang kapatid ko sa'kin ay malamang ilang beses na sigurong sinugod nya ito. Ayaw ko 'yon dahil ayaw ko ng away. Baka mas lalo pang tumindi ang galit sa'kin ni Liezel. Kasi, kahit na di nya ako tanggap, kahit na masama ang trato nya sa'kin, kapatid ko pa rin sya. Kaya't hangga't sa makakaya ko ay iintindihin ko sya. Para na rin sa papa namin. Ayaw kung bigyan ng alalahanin si papa. Kahit na di kami ang legal na pamilya ay di naman yon ang pinaramdam nya sa'min. Sobra-sobra ang suporta at pagmamahal na nakuha namin pareho ni mama mula sa kanya. Kaya ayaw kung magkaproblema sya lalo na sa aming dalawa ni Liezel.
Tinanggal nya ang kamay kong nakatakip sa bibig nya.
"Alam mo, di talaga kita maintindihan kung bakit hinahayaan mo lang yang kapatid mong yan. Kung ako nasa sitwasyon mo, di lang sabunot ang matatanggap nya sa'kin. Di ka dapat nagpapa-api don sa bruhang yon. Ang pangit nya, ang ganda mo, magpapatalo ka sa kanya. Bakit ba? Ano na naman bang ginawa nya?"
Bigla naman akong napatawa. Ang dami nya ng sinabi tapos di pa nya alam kung ano ang nangyari. Baliw din eh.
Ikikwento ko na sana sa kanya ang nangyari ng bigla namang dumating si Thunder. Sinenyasan ko nalang si Nica na mamaya na lang.
"Hi! babe."
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla nya akong hinalikan sa labi pero saglit lang naman. Marahan ko syang pinalo sa braso. Nakakahiya kaya kay Nica.
"Why?" aniyang may pagtataka sa mukha. Nagtanong pa tong lokong 'to.
"Jusko! Masyado ka pong PDA, kulog. Ayaw ko pang maging batang ninang."
Mas nanlaki ang mata ko sa tinuran ni Nica. Pinandilatan ko sya at tinaasan lang nya ako ng kilay. "Aalis na nga lang ako. Mao-OP lang ako sa inyo." aniya't isinukbit ang kanyang shoulder bag sa kanyang balikat.
"Saan ka pupunta, Nics?" tanong ko sa kanya. Ba't bigla nalang syang aalis?
"Sa lugar kong saan di ako aabutin ng mga langgam. Bye." aniya't umalis na. Naiwan kaming dalawa ni Thunder.
"Ba't ka nandito?" baling ko sa kanya. Ngumuso naman sya. Hala! Nagpacute pa ang lokong 'to. Di nya ba alam na epektib yong pagpapacute nya?
"Bawal bang puntahan ang girlfriend ko?" nakanguso nya pa ring sabi. Bigla namang parang may nagsirkus sa dibdib ko. Iba talaga ang epekto nya sa'kin. Madali nyang napapabilis ang tibok ng puso ko. Simpleng ngiti nya lang, simpleng pagpapacute at ang simpleng presensya nya. Ganon kakalala ang epekto nya sa'kin.
"Di ba may klase ka pa?" alalang tanong ko. Ang alam ko kasi ay may klase sya ngayon. Vacant time ko naman.
"I'd love to be with you and stare at your pretty face than to be with my professor and blockmates." napawang ang bibig ko sa sinabi nya. Jusko! Grabe sya. Nagditch sya ng klase para lang makita ako. Kaloka. Puso, maghunos-dili ka. Kalma.
"Sira." tanging nasabi ko.
"Date tayo." aniya na nagpaangat ng dalawang kilay ko. Date na naman?
"Eh, may klase pa ako." ani ko. Alangan lumiban ako para lang makipagdate. Marami pa namang ibang araw.
"Ngayon lang naman eh. I want to spend more time with you. Please, babe." pagsusumamo nya sabay puppy eyes pa.
Walangya! Si Thunder ba talaga 'to? Ba't ang cute nya? Di ko alam na may side pala syang ganito.
"Sige na babe, I love you."
Nganga.
Makakatanggi pa ba ako sa napakacute at napakasweet na lalaking 'to?
Marahan akong tumango agad naman nagliwanag ang mukha nya. Kinuha nya ang ilang gamit ko at sya na ang nagdala dito saka kami naglakad papuntang parking area ng campus ng magkahawak ang kamay.
Ang sarap sa pakiramdam na ganito kami. Kasama ko sya lagi at kahawak kamay. Kung sana lang ay di na matapos ang sandaling ito.
Pero agad nabawasan ang saya ko ng makita ko si Liezel ng papasakay na ako sa kotse ni Thunder. Masamang-masama ang tingin nya sa'kin. Biglang bumalik ang pangamba ko.
Ano ang gagawin ko? Nalilito ako.
BINABASA MO ANG
frienemies
Short Storychat story #3 - [Suho×Tiffany] *** In which a boy and a girl who were considered as friends, loves to annoy each other. Highest Rank: #3 in Short Story