Shit! Buti na lang, nakuha ko ang phone ni ma'am bago dumating ang mga pulis at naitago ko ito bago kami naidala sa isang hindi namin alam pero parang interrogation room. Nasaan ba kami? Feeling ko, kailangan na ng tungkod ng mga mata ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Patay na ba talaga si ma'am? Nakakalungkot pero mas nananaig ang saya sa puso ko. Dadalhin na ba niya sa libingan ang aming lihim? Ang aking lihim.
*****
8:45PM Kaninang gabi bago ang pagpaslang
Ako: Senyorita, anong gusto mong dinner?
Nakita ko na tumunog ang celfon ni ma'am Dulce at binasa n'ya ang mensahe ko. Tumingin siya sa may pinto kung saan naroon kami ni manong guard. Kumaway ako at nakangiting nagtipa ng mensahe si madam.
Senyorita: Yata. Parang kumain kami ng burger ni ma'am Pat kanina bago siya umalis. Busog pa naman ako ih.
Ako: Ahahahaha! Nagdadiet ka ba ngayon? Ang sexy mo kase lately. Pautang ^_^
Senyorita: Che!
Ako: I am not joking! Ahahahaha!
Senyorita: seenzone
Ako: LOL!
Hindi na nagreply si ma'am Dulce at naiiling na ipinasok sa bulsa ng kanyang pants ang gadget. Nakita ko pang tumingin sa direksyon namin si ma'am at nag-belat bago pumasok sa loob ng kitchen.
Ang cool ni ma'am. Sa lahat ng managers, siya lang ang tinatawag kong 'Senyorita' dahil palautos siya. Pero cool si ma'am. Sa tuwing mag-uutos ito na magpabili ng ice cream, para sa lahat 'yun. Kapag nagpautos siya na magpabili ng Max's Chicken Sisig na paborito n'ya, sigurado na sabay kayong kakain at namimigay siya. Kapag nagpasama si ma'am bumili ng kahit ano, bibigyan ka din n'ya. Kaya kahit may pagkabossy si ma'am, masaya kaming mapag-utusan n'ya. Mabait kase siya at galante sa aming mga crew. Sabi n'ya, iyon ay dahil dati din siyang crew pero masusungit ang managers niya; at ayaw niyang maging kagaya ng mga iyon.
Hanggang noong isang araw, nasubukan ko ang pagiging manager ni ma'am Dulce.
*****
"Tapos na ang imbestigasyon, Shine.@" Nasa manager's room sina Shine at ma'am Dulce. Nasa loob din ang kanilang admin assistant bilang witness. "Noong February 3, nagpabook sa 'yo ng isang birthday party na may down payment na ten thousand pesos ang isang Mrs. Santos. Sinunod mo naman ang buong procedure at inendorse sa akin ang ten thousand para ideposit pero hindi ko nagawang ideposit dahil pagbalik ko sa counter area after namin mag cut-off ni Kim Girl, wala na ang pera. Tinatanggap ko na naiendorse mo ito sa akin; at responsibility ko ang sampung libong 'yun. Pero wala sa akin."
"Sigurado ka, wala sayo?" maaskad na sabad ni Shine. "Kung nawawala ang pera mo, hanapin mo sa bulsa mo."
"Shine," napabugtong-hininga si ma'am Dulce, "tapos na ang imbestigasyon. Nakausap na namin ang mga kapitbahay n'yo pati ang nanay mo. Pati na rin ang boyfriend mo na tomboy. Napuntahan na rin namin ang mga establishments na pinuntahan mo these past few weeks. Sa deductions namin, wala kang means to spend money more than you earned."
Nanlisik ang mga mata ni Shine. Nalaman ba ni ma'am Dulce na kumakabit ang mommy n'ya sa isang kapitbahay para may maipambayad sila sa mga bills? Nalaman ba ni ma'am Dulce na drug dependent ang daddy n'ya? Nalaman ba ni ma'am Dulce kung ilang ang sugar daddy n'ya? Oh, my!
"Shine, I am sorry," malungkot ang tinig at mata ni ma'am Dulce na hindi ineexpect ni Shine, "kasalanan ko kung bakit ka natukso sa perang iyon. Bata ka pa at mapusok at madaming gusto. Kung nag ingat ako, hindi mo sigurado gagawin ang nagawa mo. I am sorry, Shine."
"Ma'am--"
"Shine," pauloy ni ma'am, "sa akin ay bale wala ang sampung libo. Madali ko itong kitain sa loob ng isang kinsenas at isipin na nawalan ako. O may tumakbo sa mga pinauutang ko. O naloko ako ng ibang tao. Pero, Shine, naaawa ako sa 'yo. Mawawalan ka ng mga kaibigan. Mawawalan ka ng scholarship. Mawawalan ka ng trabaho."
"Shine, please," singit ng admin assistant, "kung aaminin mo, ibabalik natin ang pera at parang walang nangyari. Iba ang sasabihin natin na nangyari."
"Sayang ka, Shine." Si ma'am Dulce uli. "Alam mo naman na ikaw ang pinakapaborito kong crew, 'di ba? Mabait ka at mapagkakatiwalaan. Nasilaw ka lang at kasalanan ko 'yun."
Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Shine. "Ma'am, please," pinunasan ni Shine ang luha, "protect me. Ayoko pong mawala ang mga friends ko at hindi nila ako pagkatiwalaan uli. Ayoko po mawalan ng work at scholarship. Ito lang po ang inaasahan kong makakatulong sa amin ng kapatid ko. Ma'am--"
Yumakap si Shine kay ma'am Dulce. Yumakap din ng mahigpit ang manager. "I am sorry, Shine. I am sorry."
Lumabas na ang admin assistant upang bigyan ng privacy ang dalawa. Sapat na ang narinig n'ya upang maging malinis ang pangalan ng manager at mapatunayan ang tunay na magnanakaw. Nanghihinayang man sa magandang performance ng huli, hindi din naman matatawaran ang pagiging mabuting manager ni Miss Dulce. Sa paglabas ng admin assistant, alam na niya kung ano ang mangyayari kay Shine.
*****
Napansin kong nakarecord on ang phone ni ma'am Dulce. Bakit kailangan n'yang i-record ang conversation? May kakaiba. Ano pa bang ebidensiya ang kailangan ni ma'am Dulce? Bakit?
*****
"Ano'ng ginawa mo sa sampung libo? Ang bilis mong naubos," malumay na tanong ni ma'am Dulce. "Kailangan mo pa ba ng pera?"
BINABASA MO ANG
Book 1: Who's The Killer
RandomSi Manong guard. Si Dulce, ang shift supervisor. Si Lee, ang fryman. Si Kim Boy, ang back up. Si Krystal, ang dining crew. Si Kim Girl, ang kahera. O si Shine, ang marketing crew. Sino ang biktima at sino ang salarin? Sa Katapusan nagsimula ang la...