Her name is Anna Dulce Maria, a childhood sweetheart to me despite the age gap. I literally grew up in her lap; she was my nanny. She was my first.
*****
"Love is termination, guys!" narinig ko na sinabi n'ya, nasa manager's room kami. I guess she heard about us, me and the other Kim. She summoned us here, reminding us to straighten up our priorities: Trabaho o pag-ibig. Well, para sa akin, pag-ibig. Kaya nga ako narito, iyon ay para sa kanya. Pero I messed up everything.
"Pag-ibig po, ma'am." Hindi ko napigilang sumagot. Napabuntong hininga ang kasama ko. Sabi n'ya, mahal na mahal n'ya ako. Pero gusto kong sabihin sa mga oras na ito habang pinapipili ako ni Dulce na siya ang mahal ko.
"Magreresign na rin po ako at maghahanap ng ibang trabaho, ma'am," sabi ng isa pang Kim.
Naumid ang dila ko. Hindi namin napag-usapan ang ganitong bagay. Breadwinner siya samantalang naglalaro lang ako dito sa shop ni Dulce. Kailangang-kailangan n'ya ng pera para sa pamilya n'ya habang kailangang-kailangan ko naman ang atensyon ni Dulce.
"Ako na lang ang magreresign," pinal na sabi ko.
Tinitigan ako ni Kim. Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. Praktisado ako sa titigang walang kurapan pero nagulat ako sa sinabi n'ya, "Kailan mo sasabihin sa akin na buntis ka, Kimberly?"
Nagulat ako. Nagulat din si Dulce. Kailan pa n'ya alam?
*****
Kim Boy's POV
Akala n'ya siguro tanga ako.
Lately, mas nagiging mainitin ang ulo n'ya. Akala ko dahil galit pa siya sa nangyari sa birthday ng isa naming tropa. I mean, akala ko galit pa siya dahil may nangyari samin noong pumunta kami sa isang birthday party ng kakilala ko. Nadonselya ko siya. Ako ang nakauna sa kanya. Given na iyon dahil masyado siyang boyish noong nakilala ko siya.
Akala ko nga, talagang tomboy siya. Malagkit ang tingin n'ya sa bagong assistant restaurant manager na si Ma'am Dulce noong unang araw n'ya dito sa shop. Lagi din niya itong bukambibig at halatang hangang-hanga siya sa nakatatandang babae.
Pero niligawan ko siya. Kahit langit ako at lupa siya. Kahit alangan na alangan talaga mula kulay ng balat naming dalawa hanggang sa mga hobbies namin. At sa maraming 'kahit pa.' Di naman nagkalaunan ay sinagot n'ya ako. Halos three months na kami.
Noong una ay ilang na ilang siya sa akin, taliwas noong una niyang mga araw dito sa McDo na parang one of the boys siya. Biruan nga sa crew room na kung kailan naman naging opisyal na kami ay lalo namang parang napalayo ang loob sa akin ni Kimberly. Ngunit hindi ito naging hadlang upang lalo kong patunayan sa mga taong nasa paligid namin at lalo na sa kanya na tapat ang intensyon ko sa kanya at pagsusumikapan ko ang lahat ng sa amin. Araw-araw ko pa rin siyang nililigawan.
Sa totoo lang, malaki ang respeto ko kay Kimberly. Halatang halata sa mga kilos niya na wala siyang karanasan sa pakikipagrelasyon sa lalaki. Hindi ko maiwasang maikompara siya sa ibang babae na halos sila ang magbigay ng motibo sa akin. Oo, hindi naman ako guwapo pero hindi rin naman nalalayo ang pormahan at galawan ko sa mga K-Pop stars. Hindi naman lugi si Kimberly kung ako ang kanyang mapapangasawa kung sa hitsura lang din naman ang usapan.
Pero gaya ng isang kanta, 'Kapag may alak, may balak.' Hindi ako. Kundi ang barkada. At nangyari iyon.
Iniwasan niya ako. Matagal para sa akin ang tatlong araw na parang cool off. Kung ibang babae si Kimberly, iniwan ko na siya. Pero naglakas loob akong bumisita sa bahay nila. Imbes na ako ang mangsurpresa, ako ang nagulat. Nakita ko si ma'am Dulce sa bahay nina Kimberly. May kung anong bumulong sa akin upang magtago sa halamanan at magsubaybay. Iba ito. May iba sa kilos ni Kimberly. May iba sa mga ngiti niya. May ibang kislap at buhay ang kanyang mga mata. Alam ko. Dahil ang mga iyon, ang mga ganoong kilos ng isang nagmamahal, ang pilit kong hinahanap sa tuwing magkasama kami ni Kimberly. Unti unting nabuksan sa akin ang katotohanan.
Iba't ibang eksena ang bumalik sa aking ala-ala.
"Mahal mo ba ako?" Isang beses na itinanong ko sa kanya habang magkasabay kaming nakabreak. Tumingin siya sa akin. Tumingin din siya kay ma'am na kasabay din namin. Ngumiti siya sa nakatatandang babae saka nagsabi, "Oo, mahal kaya kita." Ang saya ko sa unang pagkakataon na sinabi niya ang mga salitang iyon. Ngunit ngayon, alam ko na na hindi para sa akin ang kanyang 'Mahal kita!'
"Ano'ng gusto mo sa isang lalaki?" tanong ni Shine noong minsan. Ngumiti lang si Kimberly saka napatingin sa akin bago sumagot, "Responsable, magalang, mabait sa lahat, may direksyon, magandang ngumiti, maganda ang tindig, basta." Akala ko, ako iyon. Ngunit ngayon, napapaisip ako kung bakit puro 'maganda' ang mga adjectives n'ya.
May mga nakapagsabi sa akin na tibo si Kimberly pero isang challenge iyon sa akin. Ngunit sa mga araw na kasama ko siya at sa nakikita ko sa kinikilos niya kapag kasama niya si ma'am Dulce, hindi ko kailangang maging matalino: In love siya sa manager namin.
Walang problema.
BINABASA MO ANG
Book 1: Who's The Killer
RandomSi Manong guard. Si Dulce, ang shift supervisor. Si Lee, ang fryman. Si Kim Boy, ang back up. Si Krystal, ang dining crew. Si Kim Girl, ang kahera. O si Shine, ang marketing crew. Sino ang biktima at sino ang salarin? Sa Katapusan nagsimula ang la...