SG Rodolfo G. De Castro, edad 32, nakatira sa 112 Brgy. San Juan, Calamba, Laguna. Kasalukuyang nasa isang long table ang security guard sa loob ng presinto upang imbestigahan ang pagkamatay ng isang assistant restaurant manager sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuan.
2:35 AM na. Isa-isang tinignan ni SG De Castro ang kanyang mga kasama sa loob. Si Lee, ang kanilang closing shift na fryman, ay tila galit na nakakuyom ang mga kamao sa pinakadulong upuan. Si Kim Boy, ang kanilang back up person, ay pinakakalma ang kasintahan na si Kim Girl, ang kanilang kahera. Wala ng ginawa si Kim Girl kung hindi umiyak simula nang matagpuan ang bangkay ni Ma'am Dulce. Tila natutulog naman ang dining crew na si Krystal. Tulala naman si Shine, ang marketing crew na huling nakita na kasama ng buhay na manager.
"Uulitin ko," kasama ng mga taga-McDo si Chief Inspector Sison, "bandang alas dose ng umaga, nasa'an ka, SG De Castro?"
"Chip--"
"Chief!"
"Cheap--"
"Chief!!!" Hinampas ni Sison ang mesa.
"Chief," napabugtung hininga si De Castro, "ser, nagsarado na po kami ng aming tindahan eksaktong alas-dose ng umaga. Ang last customer namin ay lumabas ng 12:09 na nakasulat din sa aking logbook."
"Mula alas-dose ng umaga hanggang mga bandang ala-una, naglilinis ang mga crew habang si Ma'am Dulce ay gumagawa ng closing reports. Noong lumapit sa akin si Ma'am Dulce sa front door ng tindahan, saka po ako nagsimulang mag-roving. Ganoon po lagi ang ginagawa namin ni Ma'am Dulce kapag siya po ang closing manager.
"Wala naman po akong napansing kakaiba noong lumabas ako ng tindahan para magbaybay. Medyo umaambon po noon kaya halos wala ding tao sa paligid ng vicinity.
Pabalik na po ako sa loob ng establishment ng marinig ko po ang sigaw ni Shine. Nagmadali po akong tumakbo papasok. At doon, sa counter area para sa mga customers, nakita ko po na nakabulagta na po si ma'am. Bumubula na po iyong bibig ni ma'am kaya initusan ko po agad si Shine na kumuha ng asukal.
Sa tabi po ni Ma'am, mayroong baso na sa tingin ko po ay APS ang laman. Agad po akong tumawag sa Store Manager. Pabalik na po si Shine noong dumating sina Kim couple. Kaso bago po namin mapakain ng asukal si ma'am, wala na po siyang pulso. Patay na po siya bago po kayo nakarating."
Muling tinitigan isa isa ni Sison ang mga nasa harap. Tatlong babae at tatlong lalaki. Bawat isa sa kanila ay may kuwento tungkol sa biktima. Bawat isa sa kanila ay may alibi. Ano ang ibig sabihin ng voice over? Nasaan ang CD ng voice over na narinig? Ano ang motibo ng pagpaslang?
Who's the killer?
***** ***** ***
THE STALKER'S POV
Matagal na akong may gusto kay ma'am kaso hindi ko masabi sa kanya ng derecho. Nahihiya kase ako. Naliligo naman ako dalawang beses isang araw pero iba kapag dumadaan si ma'am Dulce sa harap ko; sobrang tamis ng Vanilla ang pabango n'ya na tila ba isa akong bata na gustong dumila ng ice cream na tunaw sa ibabaw ng kanyang bilugang katawan na nakahiga sa magandang kama habang nagliliparan ang mga balahibo ng mga puting kalapati. Ay naku! Mahalay naman. Malinis ang intensyon ko kay ma'am!
BINABASA MO ANG
Book 1: Who's The Killer
De TodoSi Manong guard. Si Dulce, ang shift supervisor. Si Lee, ang fryman. Si Kim Boy, ang back up. Si Krystal, ang dining crew. Si Kim Girl, ang kahera. O si Shine, ang marketing crew. Sino ang biktima at sino ang salarin? Sa Katapusan nagsimula ang la...