One Sweet Day

557 8 1
                                    

August 31, 2016 Thursday 2:31 PM


"Guys, ano kaya kung imbes na tubig, APS pala ang mainom ni ma'am. Ililigtas n'yo ba siya?" Kasalukuyang naghihintay ng kanya-kanyang shift ang mga staff na nasa crew room. Sina Krystal, Shine, Kimo, Kimberly at Lee ay kanya-kanyang pwesto. "Halimbawa lang," patuloy ni Krystal, "mamaya, kukuha ng mga chemicals si Lee tapos idedistribute niya iyon sa mga stations. Tapos gagawin mong juice, Kimo. Ikaw naman, Kimberly, ikaw ang magdadala kay madam. Tapos kapag bumulakta na si madam, ikaw ang sisigaw, Shine. Make sure na mahawakan mo ang baso para bumakat ang finger prints mo. Kung lahat tayo ay may finger prints, mahihirapan ang mga pulis. At tayo, syempre, walang aamin dahil lahat tayo ay sabit."



"Ang morbid!" Napa-sign of the cross si Shine.


Nanlamig naman si Kimberly.



Pero bawat isa sa kanila ay may lihim. Bawat isa sa kanila ay hindi makatutol.



Ikinangiti naman ng nakikinig sa may pinto ang narinig.





Book 1: Who's The KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon