The Glutton's POV: Ang Ikatlong Lihim Ni Dulce

591 7 0
                                    

"Krystal!"


Napalingon ang tinawag sa may pinto; naroon nakatayo ang kanilang night shift supervisor. Nasa utility room o tapunan ng basura si Krystal at hawak hawak ang manok na akma niyang kakainin.




"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong ni ma'am Dulce kahit obvious naman kung ano ang ginagawa ni Krystal.




"M-ma'am," nauutal na sagot ni Krystal, "m-ma'am, gutom na po ako."




"Oh, Krystal!" Lumapit si ma'am Dulce kay Krystal at kinuha ang manok mula sa kamay ng huli. "Krys, kumain ka naman, di ba? Wala pang two hours 'yun."




"M-ma'am---"



"Bunso," niyakap ni ma'am Dulce si Krystal, "ilang beses pa ba kitang mahuhuli na kumakain ng tira-tira? Ang payat-payat mo naman. Maawa ka naman sa sarili mo."




Napaiyak si Krystal. May sakit si Krystal. Gluttony at anorexia, iyong takaw na takaw siya sa kahit anong pagkain pero sa huli, hindi niya ito madigest at isinusuka rin lang n'ya sa banyo. Alam ito ni ma'am Dulce at ito pa nga ang nagrekomenda sa kanya na magtrabaho sa nasabing establishment sa pag-asa na mananawa siya sa amoy ng pagkain at matututunan n'yang kumain sa tamang oras dahil sa schedule at sa bigat ng trabaho. Pero bilang dining crew, nahuhuli siya nitong kumakain sa UR o utility room kung saan naroon ang mga basura na tira-tirang pagkain.



"Kapag ibang manager ang nakakita sa 'yo, hindi ko alam kung ano'ng magiging reactions nila."




Lumabas na sila sa UR at pinag-fifteen minutes break ni ma'am Dulce si Krystal. Binigyan n'ya ang dalagita ng burger at fries at tubig. Pero gaya ng inaasahan, iniluwa lang ito ni Krystal after few minutes. Awang-awa si Dulce.



"Magpapatingin tayo sa doktor," may pinalidad na sabi ni Dulce. "Kailangan mo na ng espesyalista."




*****


Nababaliw na ba ako para kumunsulta sa psychiatrist? Alam ko, psychiatrist ang tinutukoy ni ma'am pero hindi ako nababaliw. Kaya kong baguhin ang sarili ko. Sabi n'ya dati, determination lang ang kailangan ko. Sabi n'ya, maitatama ko ang eating habits ko. Hindi ako nababaliw. Kaya ko ito. At dapat walang ibang makaalam nito.




Papatayin ko siya!

Book 1: Who's The KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon