Chapter 15- Confession

18 0 0
                                    

Wendy's POV

Sunday ngayon, at naisip kong magsimba. Syempre, kahit ganito ugali ko, may takot padin ako sa Diyos no! AMEN! Umattend ako ng misa at nang matapos, nag gala gala muna ako.. kahit saan.

Nakarating ako sa park, dun sa park kung saan kami unang nag kita ni Youngjae. Yieeeh~ kinikilig na naman ako! Luh? HAHAHA Basta!
Naupo ako sa bench kasi pagod na yung mga paa ko. Umupo ako sa dulong side ng bench at napansin ko namang may lalake akong natatalikuran, pero di ko na sya pinansin.

Napapikit nalang ako, sobrang mapayapa sa lugar na to. Naririnig ko ang tunog ng mga dahon sa puno, ang simoy ng hangin at mga huni ng ibon. Dinadama ko yung vibe.. sana ganito nalang lagi.. laging mapayapa.

I~~ Love you~

Baby I~~ I~~ love you~

I do.

Bigla kong narinig na may kumanta. Narinig ko na nasa tabi ko lang yung boses. So, yung katabi kong lalake yung kumakanta.
Di ganun kaganda yung boses nya, pero sapat na para sa boses ng lalake.

Tiningnan ko lang sya..

loading....

loading ....

KILALA KO TO!!

"Yu.. Yugyeom?"- nabanggit ko. Pero hindi nya siguro ako narinig kasi naka earphones sya.
Nakatitig padin ako sa kanya, tulog ba to? Nakapikit kasi sya. Wow~ ngayon ko lang ulit nakita ng ganyan kalapit yung muka nya.
Yung buhok nya na, nag iba na ulit ang kulay. Kulay dark brown na sya ngayon, at naka undercut? Yeah. Yun nga yung tawag dun.
Yung matangos nyang ilong *Q* Yung lips nya.. yung..

"Bakit mo ko tinititigan? Naggwapuhan ka sakin no?"-nagulat ako nang bigla syang nagsalita habang nakapikit padin.
Umiwas nalang ako ng tingin.. NAKAKAHIYA KA WENDY! KINGINA MO! -____-7

Tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong nakamulat na sya at nakatingin sakin.. napalunok ako ng laway ko.. kasi naman! enebe!

Dahil sa paglunok ko ng laway ko, napangiti sya.. yung ngiti na labas ngipin. Yung maganda nyang ngiti. Yung ngiting alam mong masaya sya talaga. Tse~ feeling mo naman close eh no? XD

a/n: Yun po talaga ang pinaka inaadmire ko kay Yugyeom. Captivating yung smile nya. Okae! wala lang. Epal lang ako ng mga 2 seconds ^_^v

Tinanggal nya yung earphones nya at tumingin ulit sakin..

"Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nakakita ng aswang ah!"-tanong nito at mejo natatawa pa. Tss

"Bakit ka ba kasi nandito?"-tanong ko sa kanya.

"Bawal ba? Gusto ko eh"-sagot nya. GAGO PALA TO EH -_-

"Edi sige"-umayos ako ng upo at tumingin na ulit sa kawalan.

"Sinusundan kita.."-bigla syang nagsalita sa gilid kaya napatingin ako bigla sa kanya at biniyan sya ng what-are-you-talking-about-look.

"Nakita kita sa simbahan kanina, dahil nagsisimba din ako tuwing linggo. Sinundan kita dito kasi may gusto akong sabihin sayo.."-sabi nya. Nakikita ko ang muka nya na nakatingin sa kawalan.

Dahil nacurious ako kung anong sasabihin nya.. tinanong ko sya.

"Ano namang sasabihin mo?"

------------------------------

Nandito nako ngayon sa bahay namin.. sa kwarto ko. 11 pm na, pero hindi padin ako makatulog... laging pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Yugyeom kanina.

Flashback..

"Ano namang sasabihin mo?"

"Its not that important.. but... I like you Wendy"-yan ang isinagot sa akin ni Yugyeom at nanigas talaga ako sa pwesto ko.. yung literal.

"G.. Gu..Gusto mo ko?"-tinuro ko pa yung sarili ko habang nangangatal. Hindi ako makapaniwala. Maliban kasi kay Mark, kay Yugyeom ako attracted talaga.. pero bakit ganito?

Nagwawala yung puso ko.. sa kilig, sa kaba, ayyy ewan! Jusko, nag cconfess sya.. bakit naman ngayon pa? Ngayon pang hindi ko masusuklian yung feelings nya. Kasi may mahal na kong iba.

"Yes. Ah no! Mahal na kita Wendy. Since we first met. Yung nagkabanggaan tayo, love at first sight I think?"-sabi nya at ngumiti pa. Waaaahh.. anong gagawin ko.

"Sorry pero.."

"I didn't ask you a permission. Basta mamahalin kita kahit walang kapalit.. at sana wag ka maiilang sakin"-sabi nya at kumindat pa. Tumayo na sya at naglakad palayo pero huminto sya at humarap ulet sakin.

"One more thing... wag mo muna sasabihin kayna hyung na nag confess ako sayo"-huling ngiti at naglakad na ulit sya palayo.

End of Flashback

Ayun ang nangyari. Kaya hanggang ngayon, hindi ako makatulog. Iniisip ko si Yugyeom. Siguro hindi rin sya makatulog gaya ko.. kasi iniisip ko sya eh.

------------------------------

Yugyeom's POV

Sunday ngayon at ngayon ang schedule ko sa paglandi kay Wendy.
Kung iniisip nyo na yung confession ko kanina ay part ng paglandi ko sa kanya.. nagkakamali kayo.

Na-love at first sight ako sa kanya.. totoo yun. But I never expect na magiging ganto kalalim yung mararamdaman ko.

Pumayag ako sa pustahan dahil alam kong magkakaroon ako ng chance para makausap at makasama si Wendy.. wala na akong pake kung manalo o matalo. Basta ang alam ko, masaya ako.

Kaya, hindi ko muna sinasabi kayna hyung na may gusto ako sa kanya kasi sigurado akong magagalit sila sakin. Pagtutulungan nila ko.. dahil ako ang maknae ng grupo, wala akong karapatan na lumaban kasi mas matatanda sila sakin.

a/n: "maknae" means bunso or pinakabata.

Hindi ako makatulog.. ewan ko kung bakit. Madaming pumapasok sa isip ko. Yung mga pwedeng mangyari.

Papanindigan ko padin ang pagiging fuckboy ko dahil dun talaga ako magaling.. pero mamahalin ko padin si Wendy kasi dun ako masaya. Hindi na nila ako mapipigilan.

Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatingin sa kisame. Tumingin ako sa kaliwa ko, natutulog na si Bambam.. biglang may nag txt sakin.

Sender: Wendy Son

Kyum? Gising ka pa?

---

To: Wendy Son

Yep. I can't sleep.

---

From: Wendy Son

Ako din eh.

---

To: Wendy Son

Sorry. Hindi kita maalis sa isip ko.

---

From: Wendy Son

Sira! HAHA

---

To: Wendy Son

Sana mahal mo din ako para masaya sana :)

---

From: Wendy Son

Sorry Yugyeom :(

---

To: Wendy Son

It's okay Wendy :) You dont love me today.. but I'll make you fall in love with me someday :)

------------------------------

I'm Inlove with a FUCKBOY <<GOT7 FanFiction>>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon