Chapter Thirty One

1.9K 45 3
                                    

Continuation......

THOMAS' POV

Nakatitig lang kami sa isa't isa hanggang sa matapos na ako sa pagkanta. halos hindi ko na nga marinig ang sarili ko mismong boses dahil puros mabilis at malakas na pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Kahit nahihiya man ako naglakas loob parin akong magtanong sa kanya...

"N-Nagustuhan mo ba yung pagkanta ko?", Halos nakayuko kong tanong sa kanya kung kailan naman kasi nakatapos na akong kumanta saka naman ako nakadama ng hiya.

"Gustong-gusto, hindi mo manlang sinabi sa akin na may talent ka pala sa pagkanta at pag-guiguitara.", Lalo namang nagwala ang puso ko ng sinabi nyang nagustuhan nya yung ginawa kong panghaharana sa kanya.. 

"Talaga nagustuhan mo?", paninigurado ko pa sa kanya hindi pa rin kasi ako makapaniwala eh.

Tumango-tango naman sya sa akin saka nagsalita."Ang cute cute mo pa nga eh habang kumakanta at nag-guiguitara. di ko tuloy maiwasan ang hindi kiligin", Napatuptop naman si ara sa bibig nya matapos marealize ang huling salitang binitawan. ako naman eto parang gusto ko ng mag-tumbling dahil sa sobrang saya ko.wooooh ikaw na thomas you're the man tsk!.

"Ooppss di mo na pwedeng bawiin yung huli mong sinabi", Nanunuksong ngumiti ako sa kanya lalo namang nagkulay apple yung mukha nya sa sobrang pamumula nito. Bahagya nya akong hinampas may kanang braso ko.

"Kainis ka, ona di ko babawiin. aminado naman ako eh. Kahit naman sino kikiligin diba kung may lalaking maglalakas loob ng humarana sa kanya kahit sa dis-oras ng gabi.", Pinisil ko naman ang tungki ng ilong nya nakakagigil kasi para syang bata kung magsalita eh ang cute lang."Hey sinong may sabing pisilin mo ang ilong ko?", hinawakan pa nya ang ilong nyang pinisil ko.natawa naman ako sa naging reaction nyang iyon.

"Cute mo kasi eh kaya pinisil ko yung ilong mo", pangangatwiran ko naman ."Kaso lang ang oily pala ng ilong mo", dagdag kong biro sa kanya tumaas naman ang kaliwang kilay nya.

"Excuse me FYI lang hindi kaya oily ang ilong ko" , Mataray na sagot nya sa akin.

"Haha i know i know.. binibiro lang naman kita", 

"Kdot.", nakirap nyang tugon sa akin. Napasulyap naman ako sa kalangitan hmm nun ko lang din napansin na marami palang mga stars ngayon sa langit .

"Hmm ara inaantok ka na ba?", Ako.

"Hindi pa nga  eh, bakit ikaw inaantok ka na ba? okay lang naman kung gusto mo ng matulog babalik nalang ako sa room ko.", Ara.

"Huh? hindi pa din eh, kung gusto mo dun nalang muna tayo sa may gitna ng garden maupo habang hindi pa tayo parehong dinadalaw ng antok.", tumango lang sya sa akin at naglakad na kami. naupo naman kami kaagad sa may damo ng makarating na kami sa gitna ng garden. Tumingala ako at pinagmasdan ang mga stars sa langit nakakatuwa lang silang pagmasdan ang kikislap kasi nila tapos parang lalo pang nakakagaan ng mood. "Ang ganda nila noh?", napalingon ako kay ara, nakatingala rin pala sya habang masayang pinagmamasdan ang mga stars sa kalangitan.

"Oo nga eh", tugon ko saka ibinalik ulit ang atensyon sa mga stars. may shooting star naman na biglang bumagsak mula sa kalangitan. "Look thom may shooting star na nahulog. dali mag-wish ka hanggat hindi pa tuluyang nakakababa", Amazed na amazed na sabi ni ara habang hinahatak hatak pa yung braso ko.

Love will lead you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon