Prologue

4.5K 54 1
                                    

Nang makagraduate ako sa college ay napagdesisyunan kong pumunta ng london para doon nalang magtrabaho at makapag simula ng bagong buhay, para makasama ko ulit si mommy na matagal ko na ring hindi nakikita at nakakasama at para makalimutan ko na din si thomas torres ang lalaking minahal ko ng sobra at ang lalaking naging dahilan din kung bakit ako nasasaktan ngayon ng sobra sobra.

--------------------------------------

bago ako pumasok sa loob ng eroplano sinabi ko muna sa sarili ko " sa ngayon aalis akong isang mahina at duwag, pero ipinapangako ko sa sarili ko na sa pagbabalik ko dito ibang ara galang na ang makikilala nyo isang matapang at palaban. hindi na ko papayag na masaktan at maloko pa ng kahit na sino man lalong lalo na ng isang thomas torres". 

FF......

Sa loob ng 3 years kong pamamalagi sa london ay marami na din ang nagbago sa akin di lang sa ugali kundi pati na din sa physical kong itsura. kung dati ay puro's pants, t-shirts and vans ang isinusuot ko ngayon ay natuto na akong masuot ng mga dress,shorts,sleeveless at skirt, natuto na rin akong maglagay ng make-up sa mukha at magsuot ng heels.pati kilos ko ay nabago na din. Mabilis din akong nakahanap ng trabaho . nakapasok ako sa isang publishing company sa london bilang isang editorial assistant, hindi naman naging mahirap ang trabaho ko dun dahil mababait naman yung mga bosses ko at hindi nag tagal ay napromote ako bilang supervisor.

Kahit na may kanya kanya kaming pinagkakaabalahan ay hindi naman nawala ang communication namin ng mga kaibigan ko sa pinas especially ang mga bullies, lagi kaming nag  cha-chat sa skype,twitter,IG & facebook.madalas din kaming nag kakausap thru phone. madami na din nangyari sa kanila doon sa pinas. sila kim,carol at cienne ay kasal na kina kuya jeric,nico at van. habang si mika naman ay engaged na kay kiefer, madalas nga nya akong tinatawagan pinipilit nya kasi akong umuwi na at umattend ng wedding nila ni kiefer, sabi ko nalang sa kanya pag-iisipan ko muna. hindi ko pa kasi alam kung ready na ba akong bumalik sa pilipinas eh. basta bahala na maghihintay ako ng sign.

hanggang sa isang araw may tumawag sa aking isang publishing company sa pilipinas at nagooffer sa akin na maging isang editorial consultant sa magazine nila madami daw silang ibibigay na benifits package kung tatanggapin ko daw yung offer nila na magwork sa company nila. sabi ko sa kanila bigyan nila ko ng enough time to think about their proposal at nag agree naman sila dun.

Matapos kong makipag usap sa telephone ay bigla na lang pumasok sa isipan ko yung sign na hiningi ko kung dapat na ba kong bumalik ulit ng pinas. baka nga eto na yun eto na yung sign na dapat na kong bumalik sa pilipinas na dapat ko ng harapin yung mga bagay na iniwan at tinakasan ko dun, ito na rin siguro yung way para tuluyan na kong makamove on, makamove on sa ginawa sa akin ni thomas torres.

after 2 days ay tumawag ulit sa akin yung company at tinanong kung nakapag decide na daw ba ako.hindi naman na ako nag atubili pang sabihin na tinatanggap ko na yung offer nila na magwork sa company nila, natuwa naman sila sa naging desisyon ko at sinabing ipapadala nalang daw nila yung ticket ko pauwi ng pilipinas within 6 days.

A/N : haixt haba ng prologue ko sorry po hindi kasi ako marunong gumawa ng prologue eh . first timer hihihi. sorry sa typos, wrong spelling saka grammatical errors.

After one week ay nareceive ko na yung ticket , bukas na ng umaga yung flight ko kaya naman agad kong tinawagan si mika at jeron para mag pasundo. kung nagtataka kayo kung bakit pati si jeron ay tinawagan ko well he's my guy bestfriend silang dalawa ni yeye yung bestfriend ko. actually naging M.U sila dati kaso lang hindi nagwork kaya nadecide nalang slia na itigil kung ano man yung mayroon sila at maging magkaibigan nalang...........

Love will lead you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon