Chapter seventeen

2.3K 46 9
                                    

THOMAS'S POV

Nakarating na din kami sa may hotel room nila ara, ibinaba ko na sya sa may bed nya para makapagpahinga na sya.....

"Sige na pahingga ka na ah", sabi ko sa kanya saka ko sya kinumutan.

"Opo, tatay lang ang peg?", tss nagawa pang mangasar.

"Oi thom baka gusto mo nang lumabas, para makatulog na kami", sarcastic na salita ni jeron sa akin kami nalang kasing tatalo ang nandito sa hotel room nila ni ara yung iba bumalik na din sa kani-kanyang room.

"O'na, pinapaalala ko lang sayo je ah akin yan, kaya pls.hands off", pabulong kong sabi kay jeron baka kasi marinig pa ni ara mag ala hulk na naman yan sa galit, mahirap na papakasal pa kaya kami.

"Tsss baliw ka din nu , bestfriend lang kami iyong iyo na si vic", Asar na sagot nya sa akin sabay batok.

"Aray! Masakit yun ah saka mabuti na yung nagkakaliwanagan, sige na aalis na ko", ani ko dito sabay labas ng room nila.

Hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ba yung responsable sa pagkakalock sa amin ni ara sa loob ng basement, kailangan alamin ko kung sino sya at ano ba yung motibo nya kaya ginawa nya yon......

------------------------------

Unknown's POV

Sh*t! kainis palpak yung plano ko, dapat kasi yung ara lang na iyon ang matratrap sa loob eh bakit kasi hindi ko nakita na kasama pala nya si thomas sa loob tuloy pati sya nadamay tsk!, i need to make a new plan para tuluyan ng mawala sa landas ko yang ara galang na yan dahil hannga't nandyan sya hindi mapapasa akin ulit si thomas.

FLASHBACK....................

@the airport....

Nakalabas na akong airport at ngayon ay nandito na ako sa may parking lot hinihintay yung sasakyan na susundo sa akin nang mahgip ng mga mata ko ang isang babaeng familiar ang mukha sa akin may kasama syang 3 tao na pawang familiar din.

hindi ako pwedeng mag kamali si ara galang nga iyong babaeng nakita ko kasama sila jeron teng, mika reyes at kiefer ravena. Bwisit akala ko pa naman hindi na sya babalik dito paano ko masosolo nyan si thomas kung bumalik na pala yang ara galang na iyan. kahit kailan talaga kontrabida yan sa aming dalawa ni thomas, hindi ako papayag na maging sila ulit ni thomas gagawa ako ng paraan para hindi sila magkita...........

The next day i saw her again in front of H&B publications, ipinark ko muna yung car ko sa may gilid ng building na iyon at hinintay kong makapasok sya sa loob nito bago ako bumaba sa kotse ko. sinundan ko sya sa  loob but pagdating ko sa may looby ay hinarang ako ng isa sa mga staff doon at tinanong kung may appointment daw ako sa kanila bawal daw kasing umakyat sa itaas ng building naiyon ng walang appointment sa mga personnel dun, kaya wala akong choice kundi ang umalis pero bago ako umalis ay napatingin ko sa may malaking Picture na nakadikit sa may bulletin board ng lobby......

Napanga-nga nalang ako ng mamukhan ko kung sino ang taong ito...... si...si thomas p-panong, sh*t! ibig sabihin malaki ang chance na magkita ulit si ara at thomas sa araw na ito? URGH! letche talaga sa buhay ko itong ara galang na yan.

-------------------

since then palagi na akong nagmamasid sa bawat kilos ni ara sinusundan ko sya kahit saan sya magpunta maging pati sa paglipat nya sa bahay ni thomas, good thing dahil mapapadalas na rin ang pagsilay ko sa thomas ko , pero at same time naiinis ako dahil mas lalo silang magiging malapit sa isa't isa ngayong magkasama na sila sa iisang bahay, kaya dapat talaga madaliin ko na yung mga plano ko para tuluyan ng maglaho yang ara galang na yan sa landas namin ni thomas..........

Napag alaman kong papunta sila ng palawan for 3 days kaya naman agad akong bumili ng ticket papuntang palawan, wala silang kaalam alam na nasa paligid lang nila ako, kaya naging madali sa akin ang sundan sila kahit san man sila magpunta, alam kong kabaliwan na itong ginagawa ko pero wala na akong pakielam pa basta ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang makasama at mapasa akin muli si thomas..........

----------------------

Narinig kong mag ghoghost hunting sila sa abandoned house na malapit lang dito sa may hotel na pinag check inan ko at nila, maingat ko silang sinundan papunta doon medjo kinakabahan ako dahil baka mahuli nila ako buti nalang mabilis akong nakakapagtago sa madilim na part ng daan na dinadanan namin kaya hindi nila ako nakikita pag may lumilingon sa likod.

nang makapasok sila loob nito naghintay muna ako ng ilang minuto bago rin pumasok sa loob nito, may naisip akong plano hihintayin kong mahiwalay si ara sa mga kasama nya saka ko sya ikukulong sa isa sa mga kwartong nandito sa loob ng bahay na ito, sisiguraduhin kong hindi sya makakalabas doon, alam kong meron syang phobia pag dating sa mga ganung bagay. wag na kayong magtaka kung bakit nalaman ko yun natural lang na alamin ko lahat ng bagay na tungkol sa kanya para alam ko kung ano ang gagawin ko sa kanya..

Naghanap ako ng kwartong pwedeng pagkulungan sa kanya dito sa bahay yung bang mahihirapang makita ng iba nyang mga kasama. hanggang sa napadpad ako sa may saradong basement nakalock ito pero nakasuot sa lock nito yung key, ini-unlock ko ito at binuksan yung basement na iyon para mamaya hindi na ako mahirapan pang ipasok sya sa loob nito. matapos kong gawin yun ay bumalik ako sa likod ng may hagdan para incase na may bumaba hindi ako makikita. saglit pa'y may naramdaman na akong pababa ng hagdan, sila mika at kiefer pala dumiretso sila sa may kitchen hindi naman nagtagal ay may bumaba uli sa pagkakataong iyon sila ara, thomas at jeron na ang bumaba. yes nararamdaman kong magtatagumpay yung plano ko...

Umikot ako mula sa likod ng hagdan, wala silang kamalay malay na nasa likod lang nila akong tatlo, marahan akong naglalakad pasunod sa kanila pero mukhang nakaramdam si jeron ng presensya ko dito kaya tumingin sya sa likod buti nalang ay mabilis akong nakapagtago.

wew akala ko mahuhuli na ako. ng umalis na si jeron ay saka naman din umalis ako sa pinagtataguan ko, hinanap ko kung saan nagpunta sila ara,hanggang sa natagpuan ko siya sa may basement na binuksan ko kanina, dali dali kong inilock yung pinto dahil may narinig akong mga yabag ng mga paa pababa ng hagdan, pagkalock ko nito ay nagtago ulit ako, hanggang sa may sumigaw mula sa loob ng basement...... 

Kasama pala ni ara sa loob ng basement si thomas, letche! bakit pa saksakan ng swerte ng babaeng to, grrrr palalampasin ko ito ngayon pero sa susunod na plano ko sisiguraduhin kong hindi ka na makakaligtas pa ARA GALANG...........................

END OF FLASHBACK..........

................................................................................................

Sino kaya itong unknown person na ito, at bakit ganoon nalang sya kaobsessed na mapasakanya si thomas?

Try ko ulit mag update mamaya...... sabaw utak ko ngayon ( palagi naman eh) ..............

Enjoy your reading :)

Vote and Comment...

Thank you!

Love will lead you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon