Chapter Thirty Four

1.8K 40 5
                                    

THOMAS' POV

Hindi pa din maalis sa isip ko yung nabasa kong text message kanina habang nasa kalagitnaan kami ng dinner-date namin ni ara. malakas ang kutob ko na si Arrah jel Trinindad ang nagpadala ng message na yun sa akin. siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng babe. bakit pa kasi bumalik pa siya dito sa pilipinas eh, hindi pa natatapos ang isa kong problema meron na namang panibagong dumating tsk! kung ano man ang pakay ni arrah jel sa akin natitiyak kong hindi ko magugustuhan iyon.

Sa dami ng gumugulo sa isipan ko unti-unti nalang bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa nakatulog na ako.....

Kinabukasan......

"Thomas okay ka lang ba?", worried na tanong sa akin ni ara na naupo pa sa may bangkong nasa harap ng table ko.

Patango-tango akong ngumiti sa kanya." Yes i'm okay. don't bother na marami lang talaga akong iniisip about dun sa i-prepresent ko mamaya sa meeting.", pag-dadahilan ko kay ara. ayoko kasing malaman niyang may gumgumlo sa isipan ko ukol sa nabasa kong text message kagabi, mainam na ako nalang muna ang makaalam nun.

"Sige sabi mo eh, lalabas muna ako sandali ah may kailangan kasi akong pa-pirmahan kay sir.larry.", tumayo na siya sa kinauupuan niya at akmang aalis na sana pero nagsalita ulit ako."bakit hindi mo nalang kay jenny ipagawa yan, para hindi ka na mapagod pa sa pag-akyat sa office ni uncle.", suhesyon ko sa kanya. nasa pinakataas pa kasi ng building na ito ang floor ng office ni uncle .

"Hindi na thom, ako nalang may elevator naman kaya hindi ako mapapagod sa pag-akyat.",pagtanggi niya sa suhesyon ko. "Okay", sagot ko nalang tapos ay tuluyan na siyang lumabas ng office ko.

Napapitlag nalang ako sa kina-uupuan ko dahil sa pagtunog ng cellphone ko. nang tignan ko ang screen ay nakita kong walang naka-register na pangalan sa tumatawag sa akin kundi number lang. gayun pa man alam kong ito rin ang number na nagtext sa akin kagabi. Dahil sa kagustuhan kong mabigyan ng sapat na sagot ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko ay sinagot ko na ang tawag.

"Hello?", bungad ko sa taong nasa kabilang linya. 

"Thomas?", anang boses ng isang babae. tsk! i knew it.......pero dapat ko parin siguraduhin kung siya nga ito.

"S-Sino 'to?", kinakabahan kong tanong dito.narinig ko naman ang marahan nitong pagtawa sa kabilang linya. "Nakakatampo ka naman hindi mo na pala nakikilala ang boses ko... well i can't blame you, it's been three years since we've last talked to each other.", malambing nitong pagkakasabi pagkatapos ay tumawa ng nakakaloko. 

"Arrah jel?, sinasabi ko na nga ba ikaw ang nagpadala ng text message sa akin kagabi!", tumaas na ang boses ko dahil sa sobrang pagkayamot dito.

"Wow ang talino mo talaga babe,kaya lalo akong na-iinlove sa'yo eh. ang sweet ba ng message ko sa'yo", nababaliw na yata ang babae na ito tawa ng tawa kung kaharap ko lang siguro 'to baka naka-tikim na sa akin ng sapak ito. i don't care kung babae pa siya.

"Ano bang kailangan mo sa akin ha?! ", galit na tanong ko dito. wala na akong paki-alam kung may makarining pa sa akin mula sa labas.

"Whoa easy lang thom masyado ka namang highblood jan. anyway hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. tatapatin na kita i want you back thom, i still love you, i want you to be mine again.and i wa--", sinadya kong hindi siya patapusin sa pagsasalita dahil bumabaliktad lang ang sikmura ko sa mga pinagsasabi niya.

Love will lead you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon