Mutual Understanding?

13 0 0
                                    


In a Pseudo REAL?-ation-SHIT?

Patuloy na nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan na tila'y nakikipagrambulan ang mala abong mga ulap na parang ayaw papatalo sa mga mapuputing ulap sa kaitaasan. Maya-maya'y nagsimula na ring pumatak ang mga maliliit na butil ngulan sa aking pisngi habang patuloy parin sa pagningning si haring araw nawari'y ayaw magpatalo sa nangyayaring hidwaan sa kalangitan. Kasabay ng pagpatak ng mga maliliit na tubig-ulan sa aking mukha ay siya ring pag-agos ng kanina ko pang pinipigilang mga luha. Kahit hilam ang aking mga mata'y nahagip ng aking paningin ang liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw. Kasabay ng hindi maintindihang panahon ay ang di maipaliwanag na silakbo ng damdaming sumusiklab sa aking puso na hindi ko mawari ng lubusan. Hindi ko mahinuha kung ano ang katotohanan sa hindi. Ano ba talaga? Kung ang panahon ay naguguluhan din paano pa kaya ang isang normal na taong kagaya ko na nakakaramdam ng ligaya't kalungkutan? Sa kabila ng matinding sikat ng araw ay ang pagbuhos ng maliliit na butil ng ulan. Umaaraw ba o umuulan? Sa aking pagmumuni-muni sa gitna ng di mawaring panahon, natanong ko sa aking sarili kung ano ba talaga ako para sa'yo? Kaibigan as in "friend"? o Ka-ibigan as in "lover"?  Pakitang tao lamang ba't pagpapanggap o bukal sa iyong kalooban ang mga ipinapakita mo sa'kin. Mahirap manghula at i-predictang mga kilos ng isang tao lalo na't hindi ko maintindihan ang mga kinikilos mo. Kung ang mga ito ba'y may ibig-sabihin o nag-aasume lamang ako't mali ang pagkabasa ko sa mga kakaibang ikinikilos mo. Gaya ng panahon, maaraw ngayon mayamaya'y kukulimlim at maaaring bukas ay uulan o di naman kaya ay uulanhabang tirik ang araw. Mahirap basahin ang panahon dahil gaya ng tao pabago bago ito. Maaari ngang matiwasay ang panahon ngayon pero hindi natin namamalayan bigla na lang itong sasama sa paglipas ng oras.

            Kasabay ng hindi mawaring  panahon ay ang iyong mga ikinikilos na di ko maintindihan. Hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil wala naman akong ideya sa estado ng relasyon na meron tayo. Ano ba ako sa'yo? Isa lang ba sa mga itinuturing mong mga kaibigan o mas espesyal ako sa kanila base na rin sa kakaibang pakikitungo mo sa'kin. Hindi ko na alam kung paano kita pakikisamahan. Dapat rin ba kitang tanungin sa mga pinagkakaabalahan mo gaya ng lagi mong ginagawa sa'kin? Dapat rin bang tanungin kita oras-oras kung okay ka lang ba? Kung kumain ka na? Kung naka-uwi ka na ba?  Dapat rinba kitang pagbawalan na lumapit sa mga babae mong kabarkada gaya ng pagbabawalmo sa'kin? Sa dinami rami ng tanong ko sa'yo kung bakit mo ginagawa ang lahatng ito at kung bakit saakin ka lang ganyan pero wala akong nakukuhang sagotmula sa'yo kaya imbes na problemahin ko pa ay ipinagsawalang bahala ko na lamangng.Pero habang tumatagal mas lalo akong nasasanay sa espesyal na pakikitungo mosa'kin. Kahibangan man kung iisipin ngunit hindi makokompleto ang araw ko kapagwala akong natatanggap na greeting texts galing sa'yo. Hindi rin ako makatulogkung walang goodnight message mula sa'yo. Para ngang nakadepende na ang hiningako sa'yo dahil kada minuto ng aking buhay ay ikaw ang nagsisilbi hangin saakingkatawan. Ganito na ba kalakas ang epekto mo saakin at lahat ng gagawin ko'ydapat may permiso mula sa'yo? Na sa'yo at sa'yo na lamang umiikot ang mundo ko?Na sa araw-araw kung paghinga ay ikaw, ikaw, ikaw, at ikaw na lamang ba? Hindiko sinasadyang maramdaman itong nasa damdamin ko dahil ayoko. Nakakatakot naikaw na ang nagiging mundo ko. Hindi ito maaari dahil walang kasiguruhan mulasa'yo. Walang kompirmasyon. Ni hindi ko nga alam kung pareho tayo ngnararamdaman eh.  Wala ka namang  sinasabi na mahal mo ako. Hindi ka namannagtatanong kung mahal kita, natural hindi ako sasagot. Hindi mo naman sinabingmanliligaw ka kaya wala akong ideya kung ano ba talaga. Ngunit bakit ganito angnararamdaman ko? Hindi ko na maintindihan. Gusto kitang tanungin pero may kunganong pumipigil sa'kin. Takot siguro? Takot na baka mali ang akala ko sa mgagalaw mo. Na mali ako ng interpretasyon at assuming lang talaga ako sa mgagalaw mo na iniisip kong may gusto kang ipahiwatig. Takot akong malaman nahindi pala ako importante sa buhay mo at hindi kagaya ng binibigay kong halagasa'yo. Takot ako na malamang wala pala akong espasyo diyan sa puso mo, na isalamang akong kaibigan para sa'yo. Hindi ko na maintindihan.  Bakit nga ba naguguluhan ako sa nararamdamanko sa'yo? Hindi ba't ikaw naman ang dahilan? Diba't ikaw naman ang nagpagulo sadati kong mapayapang buhay? Ayoko na. Ayokong sumugal sa pag-ibig na ito nawala namang kasiguruhan. Hindi ko alam kung sa huli sasaya ako o magdadalamhati. Basta ang alam ko lang ay ayokong sumugal.

Sakabilang patuloy na pagbagsak ng mumunting butil ng ulan ay patuloy parin si haring araw sa pagbibigay ng liwanag sa kalawkan, kasabay non ang pag-usbong ng isang makulay na bahaghari sa parteng Norte ng kalangitan. Patunay lamang ito na sa pagtataposng matinding kalungkutan, may nakaabang parin sa'tin na makulay na buhay.  Ipinapahiwatig lamang nito na kailangan ko nang ihakbang ang aking mga paa para makaahon sa malalim na kinasadlakan. Hangga't kaya ko pang umahon at hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman kopara sakanya, pipilitin ko nang maglakad palayo para naman kahit papano mailigtas ko ang puso ko na tuluyang mahulog sa malalim na kumonoy na siyangunti-unting lumalamon at pumapatay sa puso ko. Bago pa non tuluyang lamunin angnatitira kong pagmamahal para sa sarili ko, ako na mismo ang tatakbo palayo dahil gusto kong iligtas ang natitirang meron ako.

 Siguro ito na ang huli na makaramdam ako ngganito para sa'yo  dahil sa huling patakng ulan sa aking mga palad ay siya ring huling patak ng luha na aking ilalaan para sa di maintindihang nararamdaman ko para sa'yo. Suko na ako. Alam ko nahindi pa nga ako lumalaban pero heto't umatras na kaagad ako. Ayoko kasing sumugal dahil sa tinatawag nilang "pseudo-relationship" na ito, angpinakamatinding ikinakatakot ko ay ang tuluyang pagkahulog ko sa malalim na bangin na bitag mo. Yes, my greatest fear is to fall in love especially when I am not sure you will catch me with your arms.

 

callmeunknown's one shot story collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon