Liham

25 0 0
                                    

Isang liham para sa'yo, Kupido


Pareng Kupido,
Magandang araw sa'yo God of love. Marami na akong nababasa tungkol sa'yo, totoo ba na may kakayahan ka raw magpatibok ng puso ng isang tao sa tuwing pinapana mo ang dalawang indibidwal sa puso? Sabi nila lahat daw ng tao sa mundo'y may isang taong nakalaan para sakanila. Pagkapanganak pa lamang ay nakamarka na sa iyong palad kung sino ang taong makakasama mong tumanda't nakasulat na sa inyong tadhana na kayo ang para sa isa't-isa at magtatagpo sa itinakdang lugar, oras at panahon. At ikaw daw Kupido ang gumagawa ng paraan upang ang dalawang indibidwal na ito'y magmahalan sa itinakdang lugar, oras at panahon? Pareng Kupido tanong ko lang, totoo bang may book of soulmates? Kung ganoon may nakatadhana rin ba para sa'kin? Alam mo ba na sa dinami-rami ng tao sa mundo, may mga pinagpala nang mahanap ang taong paglalaanan nila ng kanilang buong pagmamahal? Ako nahanap ko na siya pareng Kupido nga lang, imposible yatang siya'y mapasakin gaya ng malabong makalimutan ko siya. Kupido, posible bang mahalin rin ako ng taong mahal ko kahit na may nagmamay-ari na sa kanyang puso?

Sabi nila kapag daw wala kang lakas ng loob na sabihin sa isang tao ang gusto mong sabihin ay idaan mo sa sulat kaya heto ako lumikha ng isang liham nagbabakasakaling iyong matugunan. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, limang porsyento daw sa papulasyon ang kapiling na ng minamahal nila at walompu't limang bahagdan naman ang naghahanap pa lamang sa taong gusto nilang paglaanan ng kanilang buong pagmamahal at sa nalalabing sampung porsyento ay ang mga taong may mahal na ngunit sadyang hindi makatarungan ang pag-uusig ni tadhana dahil ang taong gusto nilang paglaanan ng pag-ibig nila'y may napupusuan ng iba. At sa kasamaang palad, kabilang ako sa sampung porsyento na iyon na patuloy na nagmamahal sakanya. Pareng Kupido, hindi ba't ikaw ang siyang gumagawa ng paraan upang tumibok ang puso ng isang babae para sa isang lalaki gamit ang pana mo? Eh paano pareng Kupido kong dati ako ang nilalaman ng kanyang puso pero ngayon iba na? Wala na bang bisa ang pana mo o sadyang siya na mismo ang nagtanggal nito sa pagkakabaon sa kanyang dibdib upang tuluyan nang makawala sa mahikang taglay ng iyong mahiwagang pana? Siguro pareng Kupido mas malalim ang pagkakabaon ng pana mo sa dibdib ko dahil ganito na lamang kung tumibok ang aking puso para sakanya. O di naman kaya ay kusa na lamang tumibok ang lintik kong puso dahil nabighani ito ng kanyang mahinhin ngunit nakaka-akit niyang ngiti? Sabihin mo pareng Kupido dahil kasabay ng paglundag ng puso ko sa kanyang presensya ay siya ring hapdi nito sa tuwing nakikita ko silang nakangiti ng malapad kapag magkasama. Kupido, hindi ko mawari ng lubusan kong bakit ko ito nararamdaman kahit alam ko namang may isang lalaking pinapahalagaan siya't nakikita kong mahal na mahal siya talaga. Sa paraan palamang ng pagtitig niya sakanya'y masasabi mo na talaga na nirerespeto niya ito. Pero pareng Kupido, parang binudburan ng asin ang warak ko nang puso sa tuwing masisilayan ko kung paano siya alagaan ng taong mahal niya. Oo pareng Kupido, may mahal nang iba ang dilag na bumihag sa aking puso na kahit anong gawin ko'y hindi niya parin ako magawang mahalin pabalik siguro dahil na rin sa may mahal na siyang iba. Well, ganoon naman talaga ang love diba pareng Kupido? Iaalay mo ang pag-ibig mo nang buong-buo na walang hinihinging kapalit. Pero naisip ko Kupido, hindi ganoon eh, maghahangad at maghahangad ka parin na sana, kahit papano maramdaman mo rin pabalik ang pagmamahal na alay mo. Hinding hindi ka makokontento na ikaw ang laging nagbibigay kasi simula't sapul naman ang romantic relationship ay binubuo ng dalawang indibidwal na nagmamahalan, hindi isa lang ang bigay ng bigay. Sabi nga nila, give and take daw. Kaya siguro walang kami dahil ako lang naman ang nagmamahal. Nakakatawang isipin pareng Kupido na dati ako ang may hawak ng kanyang kamay pero hindi ko man lang namalayan na unti-unti na pala siyang kumakawala kahit gaano pa kahigpit ang pagkakakakapit ko sakanya. Ganoon siguro ang love pareng Kupido, hindi mo alam kong kailan siya kakawala kahit ibinigay mo naman ang lahat na meron ka. Ang love? Walang garantiya 'yan na magiging masaya ka sa huli kahit alam mo sa sarili mo na ginawa mo naman ang lahat na ultimo katiting na pagmamahal na meron ka sa sarili'y piniga mo pa para sakanya. Pero wala eh, hindi parin sapat. Sabi ko nga sa sarili ko ayos lang na masaktan kong siya naman ang dahilan. Mahal ko eh, oo pareng Kupido ganon ako magmahal, bigay kong bigay. Mahal na mahal ko 'yung babaeng 'yun na kahit sinaktan niya ako'y hindi ko magawang magalit o magtanim man lang ng sama ng loob sakanya. Paano ba ako magagalit sa babaeng ginawa kong mundo at pinag-alayan ng buo kong puso? Minsan naisip ko na magpatuloy na lang sa daang tinatahak ko kahit hindi ko na siya kasabay sa aking paglalakbay. Na kahit siya ang kasama ko sa pagbuo ng lahat ng pangarap ko, dederetso nalang ako kahit wala na ang nag-iisang inspirasyon ko. Pero alam kong mahihirapan ako dahil nasanay na akong palagi siyang nandiyan sa tabi ko. Ganoon siguro kapag nasanay ka na sa presensya ng isang taong mahalaga sa iyo, hahanap hanapin mo parin siya kahit alam mong napakaimposible nang sasamahan ka niya gaya ng dati niyang ginagawa.

callmeunknown's one shot story collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon