Assignment

7 0 0
                                    

ASSIGNMENT

Tahimik na gumagawa ng kanilang takdanag-aralin angdalawang batang babae sa isang maliit na lamesa sa isang sulok ng silid na tangingilaw lang ng lampara't sinag na galing sa bilugang buwan ang nagbibigay liwanagdito. Walang kaimik imik ang dalawa gawa na rin ng konsentrasyon sakani-kanilang gawain. Maya-maya pa'y hindi na nakatiis ang mas maliit na batangbabae at siya'y nagtanong.

"Ate, bakit wala nanaman si Mama? Saan ba siyanagpunta? Dati siya ang tumutulong satin sa mga assignments pero bakit walaparin siya? Sabi ni titser kay mama daw magpaturo dahil alam daw ng mga mamaang tungkol sa reproductive system" hikbi ng batang babae na siyam na taonggulang habang pilit paring iniintindi ang nakalimbag na mga letra sa kanyang Sciencebook.

Hindi nakapagsalita ang kanyang ate na mas matandsakanya ng isang taon at dahan-dahang hinila ang aklat ng kapatid at ito'y binasa.Kahit ilang ulit pa niya itong basahin at pilit na intindihin ay may mga tanongparing hindi niya masagutan. Dahil sa pinaghalong inis sa sarili't awa sa umiiyakparing kapatid ay napayuko na lamang siya't sa isang iglap ay bakas na sa  kanyang damit ang luhang kanina  pa niya pinipigilan sa pagtulo habang pilitna inaaninag ang itim na pin na nakasabit sa kanayang kaliwang dibdib.

callmeunknown's one shot story collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon