TRAPPED

7 0 0
                                    



TRAPPED

Ni AMBISYOSA

"Mare kamusta? Ito na ba ang anak mong si Ana?"

"Oo mare, malaki na"

"Pero bakit parang kakaiba siya?Special child?"

          Tinitiganko ang ale na mistulang nakikisimpatya sa aking kalagayan ngunit hindi ko lubusang matanto kung ito ba'y totoo dahil sa tono palang nito ay parang nang-uusig na. Sinalubong ko ang mga mata niyang nakatitig sa'kin na wari'ypati kaluluwa ko'y kanyang binabasa. Ganyan naman sila eh, kung hindi maaawa ay pandidirihan ako na parang nakakahawa ang aking kondisyon. Ang iba naman'y pinagtatawananako dahil sa aking pisikal na kaanyuan. Ano bang mali sa'kin? May kamay at mga paa naman ako't kompleto ang mga daliri. May labi naman ako, dalawa naman ang butas ng aking ilong, dalawa naman ang mata ko, wala namang mali sa aking mgatainga. Ano pa ba? Kung itong mga ngipin ko ang kulang, bakit may mga bungi na tinatawag? Naisip ko, pinagtatawanan kaya ako dahil sa pananalita ko? Pero wala akong magagawa dahil kahit anong pagsisikap ang gawin ko upang maipahayag ang gusto kong sabihin ay mga iilang pantig lamang ang siya kong nabibigkas kahit yata pilipitin ko pa ang aking dila't pagbuhol-buhulin ay wala paring pagbabago, bulol parin ako kung magsalita. O dahil kaya sa bagal ng proseso ngutak ko kaya ako ginagawang katatawanan ng ibang tao ngunit ano ang akingmagagawa kung ito ang ipinagkaloob ng Diyos sa'kin? Mababago ko ba ito? Hindi, maaari ko lamang itong linangin kaya naman ay nagsisikap ako't ginagawa ang lahat upang matanggap ng lipunang aking kinabibilangan. Kailangan nga bang manlimos ng pang-unawa at pag-intindi sa aking kapwa bago ako tanggapin atituring na hindi iba ng ibang tao? Nakakasuka ang ganitong lipunan. Kailangan ba maging bayani bago ka pakitunguhan ng tama? Hindi. Bawat letrang lumalabas sa kanilang mga bibig ay mistulang asido sa aking puso na siyang unti-unting pumapatay sa musmos kong isipan.

"May down syndrome mare" sambit ng aking ina.

"Hala, kawawa naman" komento ng ale.

'AWA' Awa nga ba ang nararamdaman nila? Sino ba ang mas kawawa, ako na may ganitong karamdaman o ang mga batang iniwan na lang sa kung saan saan? Para sa'kin maswerte ako dahil sapamilya na meron ako na hindi nagsasawang alagaan at mahalin ako sa kabila ng kundisyon ko. Siguro nga maraming ipinagkaiba ang katulad kong may down syndrome sa normal na tao pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na kakaibaako o may mali sa'kin.

Sinulyapan ko ang akingina na bakas na sa mukha ang katandaan na siyang matiyagang humawak sa akingkamay upang matuto akong makapagsulat at siya rin ang nagpuyat upang ipaintindi sa'kin ang mga nakalimbag na letra sa mga libro. Hindi siya nagsawa hangga't hindiako natututo kaya't heto, kahit hindi gaanong tuwid ay nakakapagsulat ako atkahit bulol-bulol ay nagagawa kong magbasa kahit simpleng abakada lamang. Siya ang kauna-unahang umiintindi sa'kin kapag hindi ko magawang isatinig ang isang bagay na gusto ko. Sa tuwing kinukutya at ginagawang katatawanan ng ibang tao'y siya ang tagapagtanggol ko. Naisip ko, ano kaya ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ang anak niyang pinagtatawan ng iba? Siguro doble 'yung sakit napasan niya sa dibdib kumpara sa'kin. Ipinagtatanggol niya ako na parang siyaang inaapi at kinukutya kaya naman hindi ko maiwasang hangaan siya sa ipinapakita niyang tatag at lakas ng loob. Bilang kapalit, kailangan ko ring palakasin ang aking loob para sakanya na kahit mahirap ay kakayanin ko gaya ngpagsisikap ni nanay na alagaan ako.

Hindi ba nila alam na hindi ko ginusto ang kalagayan kung ito na kung papapiliin ako'y gusto ko ring maging normal kagaya ng karamihan. Na kung maaari sana'y makisalamuha rin ako sa ibang tao na walang kakaibang trato na may kasamang panghuhusga o awa man lang  sa mata nila dahil kaming mga may down syndrome ay nakakaramdam rin gaya ng mga normal na tao. Ramdam namin kungtanggap ba kami ng lipunang kinabibilangan namin o napipilitan lamang sila dahil 'yun ang nararapat.

Hindi ko hangaring magpa-awa, ang kailangan ng mga katulad ko ay PANG-UNAWA, PAG-INTINDI at higit sa lahat ay PAGTANGGAP galing sa mga taong nakapaligid sa'min.

Kung pinapakanta ako'y kakanta ako!

Kung pinapasayaw ako'y sasayaw ako!

Kung pinapatula ako'y tutula ako!

Bakit? Dahil masaya at PROUD akong ipakita sa iba na kaya ko ring makipagsabayan sa mga normal na tao sa kabila ng kundisyong bumibihag sa aking pagkatao.  Maybe my body is trapped with This illness but never will I let this illness trap my mind forever.

Gaya ngayon, ilang buwan ba ang ginugol ko sa pagsulat lamang ng saloobin kung ito? Isa, dalawa? Tatlong buwan ang nakunsomo ko upang ipahayag ang saloobin ko. Ganon karaming oras ngunit nagawa ko parin dahil kaya ko, gaya ng normal na tao.

--WAKAS--

callmeunknown's one shot story collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon