Chatbox

23 1 0
                                    

CHATBOX

"hellodummy world! Maraming nagsasabi na wala daw snob dito. Totoo ba 'yun? Thanks pala sa mga nag-accept ng FR ko. ;)

#Newbie"

*POST

Natutuwa na lang ako sa mga pinopost ko dito sa bago kong facebook account. Dummy account daw pala ang tawag sa account na tago ang pagkatao ng operator nito. Naisipan kong gumawa ng bagong account dahil bagot na bagot na ako sa kakatitig sa aking real account. Kailangan ko ng libanganlalo na ngayon na summer. Paano ba naman kasi wala man lang akong pwedeng pagbakasyonan at kasama dito sa bahay kaya imbis na tumunganga't magmukmok dito sa kwarto,laptop na lang ang hinarap ko at panigurado maaaliw pa ako. Isa pa hindi panagpaparamdam si Ice. Kamusta naman kaya yun? Wala din nama matinong mapanood sa TV kaya masayang masaya na ako kapag malakas ang internet connection.

"WC.^_^ enjoy here at dummy!!!"

"welcome"

"hello"

"hi^_<"

Yanlang naman ang ilan sa mga comment nila. Totoo nga! Hindi sila snob dito. Friendly nga sila!

"hi"message sa'kin ng isa na "YELOw WP"  ang username.

"hello"reply ko naman.

"newbie ka sa dummy?" tanong niya

"obviousnaman siguro diba? Nagcomment ka pa nga sa post ko eh"  pagtataray ko. Gusto kong subukang maging mataray kahit ngayon lang. ;)

"ui...Mataray! Alam mo bang attracted ako sa mga matataray?"  

"hindi"sagot ko.

"songayon alam mo na ;) I'mYELOw WP"

"nababasa ko"  pamimilosopo ko.

"suplada ka siguro ano?"       

"pakialam mo?"

"alammo ganyang ganyan ang mga gusto kong kausap eh. Mga pabalang kung sumagot.Bakit pala Eixel WP ang usename mo?"

*seen

"uii...'wag kang mang si-seen. Wala kang makakaclose dito kung ganyan ka. Baguhan ka pa naman. Walang reresbak sa'yo kapag may nang-away sa'yo" natakot naman daw ako sa sinabi niya!

"hehe..joke lang naman eh! Uii... joki joki ko lang yun :D. akala ko ba mababait ang mga tao dito?" bawi ko sa inasal ko. Back to my old self .

"mababait naman pero yung iba hindi. Pero 'wag kang matakot! Resbak mo ako!"

"talaga? Hahaha.. wala naman akong balak mang away eh."

"Sa charming ba naman ng DP mo alam ko di mo magagawa yun"

"eh hindi naman ako yan!"

"alam ko. Ganda masyado ng picture para sa mukha mo"

"hoy!Maganda din naman ako ah!"

"weh?Send ka nga ng picture mo"

"dummyito diba? Bakit ka nanghihingi ng picture ko?

"wala naintriga lang ako. Bakit pala Eixel WP ang UN mo?"

"wala ka na don!"

Si YELOw WP ang una kung naging kaibigan dito sadummy. Friendly siya at hindi boring kausap kaya naman naaaliw talaga ako kapagsiya ang kausap ko. Famous siya sa dummy. Halos mga babae ang likers at nagcocomment sa mga posts niya. Nagulat nga ako noong malaman kung lalaki pala siya! Kaya pala  ang dami-dami niyang mga fangirls! At dahil dummy account nga wala din akong ideya kong ano ang itsura niya. Pero napansin ko may pagkamayabang at conceited siya. Pero all in all mabait at friendly naman. Lumipas ang ilang linggong paggamit ng account na 'to.Minsan ko na nga lang ino-open ang real account ko dahil wala namang paramdam si Ice. Hindi ko nga alam kung nasa Canada na siya o inaasikaso palang niya angmga papers niya para makapagbakasyon doon. Tingin ko may tampo pa sa'kin yun dahil hindi ko siya kinausap bago mag summer. Nainis kasi ako bakit kailangan pa niyang magbakasyon sa Canada? Ang layo eh! Ayan tuloy miss ko na siya. Hindi naman ako pwedeng mag emot sa real account ko kaya sa dummy ko binubuhos lahat. Dito ko nilalabas lahat ng mga hinanakit at inis ko. Napopost ko lahat ang mga saloobin ko ng walang limitasyon. Dito sa account na 'to pakiramdam ko malaya ako at feeling ko lahat pwede kong gawin. Hindi ko kailangang magpanggap at walang mag momonitor sa'kin. Istrikto ang parents ko at ayaw din nila akongpayagan na magka boyfriend pero dahil pasaway ako eh itinatago ko. Si Ice nga iyon. Pero ang Ice na yun  di man lang nagpaparamdam!

callmeunknown's one shot story collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon