RESPETO

22 1 0
                                    

RESPETO 

ni callmeunknown




"tsk! Ano na? Bigla ka yatang dinaga? Saan napunta ang tapang mo? Ano? Hindi ka na lumalaban ah. Bakit? Wala ka na bang lakas?!!" Umaalingaw ngaw sa bawat sulok ng kabahayan ang boses ko dahil sa pag sigaw sa babaeng kaharap ko ngayon habang mahigpit parin ang pagkakahawak sa mahaba niyang buhok at pilit hinihila palabas sa malaking pintuan ng bahay. 

"lumayas ka na kasi dito! Naiintindihan mo, huh? Punyeta ka! Isa kang malaking kahihiyan sa amin! Diba sinabihan na kita dati na ayokong makita ang pagmumukha mo dito sa pamamahay namin? Ang kapal din naman ng mukha mo! Wala ka talagang hiya!" Bulyaw ko ulit habang mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa kanyang buhok na kulang na lang ay mahiwalay na sa kanyang anit dahil buhok niya rin ang hila hila ko para mailabas siya sa bahay namin. "anong nangyayari dito?" ma-awtoridad na tanong ng dumadagundong na boses na iyon. Nakakapanindig balahibong tono na halata mong galit na galit. Natigilan ako sa pagsabunot sa babaeng ito na ngayon ay di na maipaliwanag ang kalagayan dahil sa sabog na buhok at sa mga luhang dumadaloy sa mukha niya. Isama pa na nakasalampak siya sa sahig na sa unang tingin ay talaga namang kakaawaan mo. Pshh. Kadramahan. Bagay lang sakanya 'yan. Hinarap ko ang papa ko at sinuklian siya ng napakatamis na ngiti sakabila ng mga matatalim niyang titig na sinasabing magpaliwanag ako sakanya. "hi dad. Welcome to the Philippines!" Masiglang bati ko at akmang yayakapin ko na siya pero isang malutong na sampal sa kanang pisngi ang aking natanggap.

 "pinalaki ba kitang ganyan Venice? Umuwi ako para sorpresahin ka pero ano ang nadatnan ko? Ako ang nasorpresa anak!" sigaw sa'kin ni dad atsaka inalalalayan patayo ang babaeng iyon pagkatapos ay inayos ang gulo gulong buhok. 

"you don't know a thing dad" may halong pait ang tono ng boses ko habang sinasambit ang mga katagang iyon. Gusto ko siyang sumbatan pero umurong bigla yung dila ko noong naramdaman kong may namumuong mainit na likido sa gilid ng aking mata.

 "at sumasagot ka na ngayon? Hindi pa ba sapat ang nasaksihan ko Venice? Kulang na lang isubsub mo sa sahig ang tita Chie mo!" makakapa mo sa boses ni daddy ang tampo sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang yun habang patuloy paring hinahaplos sa likod ang babaeng nagpapaawa sa kakaiyak. Pssh. Magaling talagang magdrama ang walang hiyang babaeng yan huh? Pwes magdramahan tayo ngayon. 

"buti nga yun lang ang inabot niya sakin eh. Alam mo dad kakaladkarin ko talaga yang babaeng yan palabas ng bahay na to pero dumating ka kasi eh" confident kung sabi habang nakapinta sa aking mukha ang labis na kasiyahan. Hindi ako magpapatalo kung patapangan din lang naman ang pag uusapan. Hindi ngayon.

 "Talaga ngang nagbago ka na. The last time I checked hindi ka naman ganyan. Bakit sumasagot ka na ngayon? At bakit ganyan ka na makitungo sa tita mo?" takhang tanong sa'kin ni dad na para bang gulat na gulat sa inaasal ko sa harapan niya. Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla? Venice. Ang pangalang pagkarinig mo palang mga positibong pag uugali na ang papasok sa iyong isipan. Magalang lalo na sa mga nakatatanda sakanya. Mabait sa lahat na animo'y hindi marunong gumawa ng masasamang bagay. Palakaibigan at masayahin. Mapagbigay sa kanyang kapawa. Mapagmahal lalo na sa kanyang mga magulang. Isang kabataan na talaga namang hahangaan dahil sa ganda ng pag uugali at busilak na puso. Anghel kung ituring. Yan ang Venice, pero dati yun dahil ang Venice na yun ay naglaho na. Napalitan na ng isang demonyong Venice. Yung walang galang sa mga nakatatanda sakanya. Sumasagot sagot ng pabalang at pasigaw. Nagmumura at palaaway na ngayon. At iba pang katangian na talaga namang nakakadismaya.

"bakit hindi dad?! Anong dahilan para hindi ko siya pakitunguhan ng hindi maganda? Sige nga dad. Sabihin mo nga kung bakit?" 

 Paghamon ko sakanya pero isa nanamang samapal ang natanggap ko na talaga namang napakalakas dahil pakiramdam ko humiwalay ang pisngi ko sa aking mukha. "hindi pa ba sapat na dahilan ang asawa ko na siya Venice? She's your mom now! Kaunting respeto naman!" bulyaw ni dad sa mukha ko na kulang na lang isaksak niya sa utak ko ang mga sinabi niya.

callmeunknown's one shot story collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon