chapter 1

10 1 0
                                    


Pj's Pov

Mahirap mangulila sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung maibabalik pa.

Alas singko palang ng umaga ay gising na ako, sa araw araw na ginawa ng diyos ay ganito na ang takbo ng buhay ko,simula ng umalis sya, sya na naging inspirasyon upang tahakin ang mga pangarap ko na biglang naglaho ay ganito nalang ang ginagawa ko.
.

Kasalukuyan akong nag kakarga sa trak ng mga inani namin kahapong mga papaya at saging. Katulong ang aking ama. Ang hacienda escudero ay pag aari ni Don Ed Escudero na aking lolo.
.
Sa halos dalawang taon kong pamamalagi dito ay sanay na akong magbuhat, mag tanim ,mag alaga ng mga hayop at magbukid.

.

"Pagkatapos mo jan ay umuwi ka muna at mag almusal bago mo pakainin ang mga baka at kalabaw" -papa
.

"opo"
.

Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangang magtrabaho sa hacienda ng lolo ko pero ako na mismo ang may gusto. Kahit ang papa at lola ko ay hindi sang ayon sa pag tatrabaho ko dito,tanging si lolo lang ang may gusto dahil alam nya ang dahilan kung bakit ko ginagawa to.
.

"Anak di mo ba namimiss teacher mo?"-papa
.

Kasalukuyan na kaming naglalakad pauwi.
.

"Hindi po Pa, bakit ikaw miss mo na? Lagot ka kay mama mumultuhin ka non."
.

"Loko ka, baka lang kasi namimiss mo na mag exam,o humingi ng baon o-"
.

" Pa ang kulit mo, ayoko nga po pumasok"

.

"Anak bakasyon na,dapat ay gagaraduate ka na sa kolehiyo ngayong taon ah"-papa

.
"Wala naman pong age limit ang pag aaral"

.

"Bakit nga kasi ayaw mo,samantalang dati daig mo pa ang gwardya ng school nyo sa aga mo pumasok ah''-papa
.

"Dati po yun"
.

" Eh bakit nga kasi, ?"
.

"Basta papa. Kapag handa na ulit akong mag aral sasabihin ko sayo ok?"

"Bakit muna?"-papa

"Pa nakakainis kana"

"Aba anak. Dapat ako ang mainis sayo baka akala mo.! Dapat sumunusunod ka sakin dahil ama mo ako! Kung hindi ka lang mabait na bata itinakwil na kita!"-papa
.

"Pa naman eh"
.

" Siguro may secret kang malupet ano. Share naman jan"-papa

.

Sinundot sundot pa nya ako sa tagiliran.

.

" Pa ang kulit mo alam mo yun?"

.

" Ahm hindi?"patanong nyang sabi. Pag talaga tinamaan ng lintik si papa kumukulit,kagaya ngayon.

.

"Ugh jan ka na nga papa" ako sabay walk out

.

" Oi san ka pupunta?"

.

" Kay lolo"

.

" Tulog pa yon " sigaw ni papa

.

" Gigisingin ko, itatanong ko kung san ka pinaglihi" pahabol kong sabi

BTS#1= (Jimin) LIEWhere stories live. Discover now