Pj's PovIbinaba ko ang librong binabasa ko ng may maramdaman akong kaluskos malapit sa bintana ng kwarto ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang walang balak tumigil si papa sa pangungulit sa akin.
.Eksaktong isang linggo na ang nagdaan ng ibinalita sa akin ni lolo ang pagtawag sa kanya ng nakatatandang kapatid ni ..ang pagtawag sa kanya ni Marco at ang pagbalita sa akin ng isang balitang hinding hindi ko inakala na maririnig.
.Binuksan ko ang sliding window ng kwarto ko at sumilip. Naabutan ko doon ang aking ama na nakatalungko at may hawak na baso.
."What are you doing papa"- walang buhay kong tanong sa kanya.
."Wala anak nanghuhuli lang ako ng batibot hehe"
." Ok "- sagot ko at akmang isasara na ulit ang bintana pero pinigilan nya.
."Anak pwede ba akong pumasok?kwentuhan tayo,usapang lalaki, parang heart to heart talk you know.. Hehe" tumawa pa sya ng alanganin sa akin pagkasabi nya noon.
.Sabi ko na nga ba. Manghahagilap nanaman ng chismis ang magaling kong ama.
."Sige po" sabi ko at akmang tatalikod na pero napatigil ako ng ihahakbang ni papa ang paa nya sa bintana.Mabilis kong hinubad ang sapatos nya at itinapon iyon sa likuran nya dahilan para maputikan ng sobra ang sapatos.
."You know son, magsasaka ako pero may taste parin ako sa mga gamit. Gusto ko lang sabihing mahal ang sapatos na iyon kaya dapat hindi mo tinapon basta nalang."-papa
."Mahal din po ang bedsheet ko,lalabhan nyo ba kapag nadumihan nyo?"-tanong ko kay papa na ikinangiwi nya lamang.
.Maingat na itinungtong nya sa kama ko ang paa nyang walang sapatos at hinubad nya ang natitira pang sapatos na suot nya pagkatapos ay itinapon din iyon sa labas ng bintanang pinagtapunan ko kanina.. Baliw talaga.
."So, isang linggo ka ng nagkukulong sa kwarto mo anak. Hindi mo ba namimiss ang mga alaga mo? Medyo kasi nagtatampo na sila sayo--hehe joke lang"
.Kasalukuyan ko syang tinitingnan ng nagbabagang tingin kaya umakto syang zinizeeper ang bibig nya.
."Mag aaral na po ulit ako papa"
."Talaga?Aba tama yan anak. Ng makabalik na ako sa pag aasikaso sa mga iba pang negosyo natin. Alam mo namang gusto lang kitang suportahan kaya ako nagbukid din muna,kahit na hindi ko alam kung bakit mo ginawa yon"yumuko sya at naglungkut-lungkutan. Pero alam ko namang hindi nagtatampo sa akin si papa,kasama lang yan sa madami nyang trip sa buhay.
."Malalaman nyo din papa. Ako mismo ang magsasabi sa inyo,kapag,,kapag kaya ko na"
."Halata sa mga mata mong may problema ka anak. Pero kaya mo yan,alam kong hindi mo sasabihin sa akin pero kaya mo yan. Gayahin mo ako. Happy happy lang. Kahit namimiss ko ang mama mo, tinatawa ko nalang."
."Tama po kayo Papa, wala naman pong problema ang hindi nasusulusyonan"
.
.Pero sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang gagawin ko, o ang nararamdaman ko. Gulung-gulo ang isip ko ,hindi parin kasi ako makapaniwala na mangyayari sa kanya yon, isang babaeng walang inisip kundi ang mag aral,mag alaga ng mga isda at halaman ay ngayon ay buntis na? Anong nangyari sa kanya sa loob ng dalawang taon?
.Napatingin ako kay Papa na ngayon ay binabasa na ang librong binabasa ko kanina,hawak parin nya yung basong dala dala nya.
."Pa' para san yang basong dala mo?"
.Napatingin sya akin at napangiti ng alanganin, kalokohan nanaman yan for sure.
."Papakinggan ko sana baka kinakausap mo na ang sarili mo dito dahil hindi kana lumalabas ng kwarto"-papa
." Lumalabas naman po ako,hindi nyo lang ako nakikita"
."Weh?"-papa
.Baliw.
."Anak may bisita ka nga pala"-papa
.Huh
."Sino po?"
."Basta halika na,sigurado ako kanina ka pa nila inaantay sa labas, nakalimutan ko kasing sabihin hehe"-papa
.Nagkakamot sa ulo na lumabas kami ng kwarto ni papa,ang lakas talaga ng tama nito. Pati yon kinalimutan. At sino naman kaya ang magiging bisita ko? Wala naman akong ibang kaibigan dito bukod kay?!hindi kaya... hindi kaya nandito na sya? Teka bakit ang bilis? Ang alam ko isang linggo pa bago sila umuwi ng kuya nya ah.
.Nasa taas palang kami ng hagdan pero rinig ko na ang ingay na nanggagaling sa baba.Binilisan ko ang pagbaba dahil kinakabahan na ako at naeexcite na ding makita si----.
.
.
.
."Oh eto na pala ang gwapo nating pinsan eh.. bat ang tagal mo kanina pa kami dito ah! Aakyatin ka na sana namin sa kwarto mo kung di ka lang bumaba!"
.Ang nagsalitang iyon ay si Jin pinsan ko.
.Pasalampak na umupo ako sa sofa at tiningnan ang anim na lalaking "bisita" ko daw sabi ni papa. Malala na ako. Pati mga pinsan at kaibigan ko ay nakalimutan ko na.
."Naligaw kayo"
."Bakit? Hindi ba ito ang bahay nyo?" Sagot ni Kim na pinsan ko din. Kapatid sya ni Jin.
."Hindi na ba kami welcome dito?"- said John Henrey. His my team mate. Noong basketball player pa ako sa university na pinapasukan ko.
."Oo nga, ngayon na nga lang kami dumalaw dito pupunahin mo pa? Hanggang kailan mo ba ibuburo ang sarili mo dito ha?"- said Sef
."OO NGA!!"-sabay na sigaw ng dalawa pang hindi nakakapag comment na sina Rem at Jon.
."Andami nyong satsat alam nyo yon?" Pagalit kong sabi sa kanila. Pero ang totoo masaya ako na nakita ko na ulit tong mga kaibigan kong to. Mukhang kailangan ko na din sila dahil nabablangko na ang isip ko kaiisip ng mga bagay bagay!
."Wooooh we miss you too pare!"-Johnrey (short for John Henrey)
."Bakit kayo nandito? Wala bang pasok?"
."Brad incase na hindi mo alam dahil halata namang hindi ka tumitingin sa kalendaryo,bakasyon na ngayon"-Rem
."Yeah hindi nga ako tumitingin"
."Sungit mo pinsan ah,problem?- Jin
."wala naman"
."Gagraduate na kami, ikaw ba kailan mo balak mag aral ulit?"- Jon
."This incoming school year" walang gana kong sagot. Alam kong kanina pa sila nagtataka dahil sa ikinikilos ko. Alam kasi nila na parang si papa ang ugali ko,makulit at bibo.Parang si papa at lolo pero mas malma sila.
."Cool, ahm PJ makikibakasyon sana kami dito sa inyo"-Jon
."Nakausap na namin ang lolo mo"-Kim
."At pumayag sya!"- said Sef
."Bat pa kayo nagpapaalam eh pumayag na pala yung may ari? At sa dami ng vacation house nyo dito nyo pa naisipan? Ok sige payag ako,in one condition"
."SHOOT"-silang anim
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Tutulong kayong anim sa farming"
.
Nagkatinginan muna silang anim bago alanganing ngumiti sa akin. Sabay sabay din nilang ibinulong ang salitang "DEAL" dahilan para ikatawa ko.
.Haha deal.
***************To be continued.