Chapter 4

2 0 0
                                    

Pj's Pov

Tawa ako ng tawa habang pinapanood si Johnrey na takot na takot lapitan ang baka na pakakainin nya. Hindi naman kasi nananakit ang baka pero kung makapag react sya ay parang lukunukin na sya ng buo.

.

"Eeeeehh!Kim tulungan mo ako dito dali! Tawa ka lang ng tawa jan nahihirapan na ako dito! Ikaw magpakain dito kay Hetty."-Johnrey

.

Lalo kaming napatawa ng binigyan nya pa ng pangalan ang halatang gutom ng baka. Lumapit ako sa kanya at inagaw ang sakong naglalaman ng mga damong pakain para sa mga baka at sinimulan itong pakainin.

.

"Astig ka talaga pareng Johnrey,yung pagkakatili mo kanina da best! World record hahaha"-Kim

.

"Hmp i hate u.Di mo ko tinulungan"-Johnrey
.

"I hate u too blee"-Kim

.

Mga baliw .

.

"Oi Pj pagkatapos mo jan manguha naman tayo ng mangga o ng kahit na anong prutas dito. "-Rem

.

"Oo nga enjoy yun"-Seb

.

"Ok"

.

Pagkatapos kong pakainin sina 'hetty and friends' ay nag ikot ikot na kami para maghanap ng prutas. Tawa kami ng tawa dahil palaging papaya at saging lang ang nakikita naming prutas.

.

"May kasama kasi tayong unggoy kaya pulos saging ang nakukuha natin "-Johnrey

.

Nagkatawanan nanaman kami ng itinuro nya si Kim na kain ng kain ng hinog na saging. Inirapan lang nya kami at nagpatuloy na sa paglalakad.

.

"Ui Indian mango yun diba"-Jon

.

.Napatingin kaming lahat sa direksyon na itinuturo nya.

.

"Oo nga !Sugod!"-Rem

.

Pipigilan ko palamang sila pero mabilis na nakatakbo na sila papunta don. Hindi kami pwedeng lumapit doon dahil ang puno ng indian mango na iyon ay nakatapat sa bahay nina Thonee o tamang sabihing nakatapat sa bintana ng kwarto nya.

.

Mahirap na baka makita pa nya kami

.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Iniiwasan ko pa namang mapagawi sa lugar na ito perodahil sa lubos na makukulit ang mga kasama ko ay napapunta parin kami dito.

.

"Oh sinong aakyat?"-Jim

.

"Ako na ang umakyat sa papaya kanina so out of the list na ko "-Jon

.

"Ako din umakyat na kanina"-Rem

.

"Me too"-Kim

.

"Me three"-Johnrey

.

"Oh kayong dalawa bato bato pick"-Seb

BTS#1= (Jimin) LIEWhere stories live. Discover now