chapter 3

13 1 0
                                    

Pj's Pov


Pagkatapos naming maghapunan ng mga kaibigan ko ay umakyat na agad ako sa kwarto,.Gustuhin ko mang makipag bonding muna sa kanila pero parang sariling sistema na ng utak ko ang umaayaw.
.

Sino ba namang sisipagin kung alam mong ang babaeng iniintay mo ng dalawang taon na ay nagdadalang tao na pala. Buntis sya. Ibig sabihin may asawa na sya. She's only 19 years old! How can it be possible!
.

"Fuck" hindi ko na napigilang mag mura! Paano kung kasama nilang uuwi dito ang lalaking nakabuntis sa kanya. Nagagalit ako,hindi sya tumupad sa usapan namin, nagagalit ako sa nalaman ko pero sa kabila noon ay mahal ko parin sya.
.

*Tok tok*
.

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon,. Nabungadan ko ang  lima kong kaibigan na mga nakangiting aso pa habang may mga buhat na pinggan,baso, pitcher na may yelo at kung anu anong pagkain.
.

"Kailangan nyo?"
.

"Ah wala naman,baka kasi may tinda kang alak dyan,kahit red horse lang"-Kim
.

Bumuntong hininga ako at pinapasok na lamang sila,alam ko namang mag aaya lang mag inuman ang mga to.
.

" Asan si Johnrey?"

Nagkanya kanya na kami ng pwesto sa sahig dahil wala namang lamesa at mga upuan dito sa kwarto ko.
.

"Bumibili ng alak"-Rem
.

" Meron na ah" turo ko sa alak na dala nila
.

"Kulang yan pare,mukhang kailangan mo ng matindihang tulong na magmumula sa alak para naman mailabas mo lahat ng dinadamdam mo."-Jon
.

"Mga baliw"
.

"Pero insan seryoso, pwede mo namang i share amin ang problema mo eh,"-Jim
.

"Wala nga sabi"
.

"Memetey?"-Kim
.

"Ano?"
.

"Wag mong pansinin yan Pj' naadik kasi yan sa panood ng mga video ni vice ganda,ayan nahahawa na"-Jin
.

"Tungkol ba kay Mharhitonee?-Rem
.

P-aano?
.

"Sinabi ni Don Ed"-Rem
.

"SINABI NYA?!!"
.

"Wooh high pitch mo brad ah"-Kim
.

"Oo sinabi nya na dadating na ang long lost love mo so,naisip naming kaya hindi ka mapakali dahil excited ka na at nenenerbyos kang makita sya"
.

"Y-yun lang ba ang sinabi nya?"
.

"Oo"-Rem
.

Yun lang? Ibig sabihin hindi sinabi ni lolo na buntis sya? Hay salamat!
.

Ipinagpatuloy namin ang pag iinuman habang sila ay panay ang "payo" sa akin. Na hindi naman nakakatulong dahil hindi naman talaga iyon ang pinoproblema ko. Medyo marami na rin kaming naiinom kaya naman nararamdaman ko na ang tama ng alak sa katawan ko. Paubos na din ang alak pero hindi parin dumadating si Johnrey.
.

Sasabihin ko ba sa kanila? Pero kasi nahihiya ako. Baka kung anong isipin nila tungkol kay Thonee. Pero kung hindi ko sasabihin,hindi nila ako matutulungan.

Isa pa ay nakilala naman nila si Thonee. Naging magkakaibigan kaming walo pero mas malapit sya sa akin. Alam nilang may pagtingin ako kay Thonee.  Kahit hindi ko sabihin sa kanila ay alam kong nararamdaman nila iyon. Wala namang masama kung malaman nilang buntis si Thonee dahil naging kaibigan din naman nila sya.
.
.
.

BTS#1= (Jimin) LIEWhere stories live. Discover now