The Gangster's Wife

564 7 2
                                    

First of all hindi ako mahilig maglagay ng prolouge. Pero to be formal I'll write one. Haaai...

***

Sa mundo, maraming nagsasabing ang kapalaran mo ay ikaw ang may gawa.

Marami ang naniniwala sa destiny pero para sakin sawa na akong maniwala sa destiny. Marami na akong pinagdaan na hindi ko kinailangang maniwala sa destiny.

Kapag nagpasya ka ang utak mo ang gumagana hindi ang destiny. Oras na mabigo ka o magtagumpay ka ikaw at ikaw ang naghihirap o nakikinabang dito.

Hindi maiiwasang dumepende o maniwala tayo sa destiny subalit ito'y abstrak lamang.

Tayo mismo ang humuhulma sa ating kapalaran na sya nating mararanasan sa hinaharap. Every decision is worth taking for even if its effect is sufferings or happiness. Take it and you'll know sooner or later what will be your next adventure.

Ako, bilang si Yah, ay hindi maintindihan kung ano ba talaga ang buhay... Nakaranas ng maraming panlalait at pang-aalipin pero ininda ko yun lahat. Destiny? Gaya ng sabi ko nasa satin kung ano ang buhay natin sa susunod na mga araw.

Tulad ko, nagdesisyon ako at hindi ko alam kung ano ang kakahinatnan ng buhay ko sa hinaharap bilang parte ng buhay ni Dheu.

Ang kinaiinisan kong nilalang na sa kalaunan ay syang naging asawa ko.

Nagising na lang ako isang araw na isa ng Gangster's Wife...

Magulo ang mundong napuntahan ko at kaakibat niyon ang pilegro. Hanggang kailan mananatili ang pasensya ko at pagiging matapang?

Until when I can stay in Dheu's protective arms?

The Gangster's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon