Telling it to Xris w/ a ghost?!

158 5 3
                                    

"At last! Nagsalita ka din. I appreciate that you made me excused but I have to leave now."

Nagwalk out sya at nang maisara nya ang pinto naalala nya ang bagay na dapat nilang pag-usapan ni Dheu. Bumalik sya at kitang-kita nya kung gano kalapad ang ngisi nito. Bumalik sya sa sofa.

"So ang pag-uusapan natin ay tungkol sa marriage?"

"Alam mo na pala eh."

"Payag ka dun?"

"I can't disobey my lolo."

Payag ito sya sa lagay nito. "Good. Payag din ako."

"When you want the wedding is?"

"Ikaw na ang bahala."

"Good. Then we agreed to be a couple from now on, Aaliyah."

"I'm not sure we can be the perfect image. Pero gaya ng sabi mo, we're couples now." Para ito sa pamilya nya. Mag-aasawa sya ng maaga para sa pamilya nya. Very good! Good talaga.

"Oh, bakit na naman ba? Kahapon magkausap lang tayo matapos mo akong ipalakadkad sa mga chimoys mo, andito ka naman?" nakabusangot na ani Yah kay Dheu na nakatayo sa corridor sa tapat ng room nya.

Inihagis nito ang isang cellphone sa kanya. Kamuntik nyang hindi nasalo yun.

"Wow ha! Basurahan na pala ako ngayon ng cellphone?" kinalikot ni Yah yun, touch screen. Hindi nya alam kung anong unit ang cellphone pero Apple ang brand. Mahal ah. "Hinahagis mo na lang to ng ganun? Di ba sensitive ang mga TS?"

"I can buy new," bale-walang anito. Parang ayos lang na durugin nya ang cp nito kunwari.

Mataas talaga ang ere ni Dheu. "At bakit mo to ipinasalo sakin?"

"Save your digits there."

"Textmate tayo ganun?"

"Gaga. Asa ka."

Nanlaki ang malaki na nyang mata. Ginaga sya nito? How dare him! "Aba't!"

"Ayokong nag-aaksaya ako ng oras sa tuwing hahanapin kita. Kuha mo?"

"Kuha ko!" Kinukuha nito ang number nya para pag gusto nitong pestehin ang araw nya ititext lang nito. Pumindot-pindot sya sa keypad. Nilagyan nya ng pangalan ang contact name. Ngumisi sya sa inilagay na pangalan. Inihagis din nya dito ang cellphone nyang Cherry Mobile Q20. Poor sya kaya walang kokontra.

"Aanhin ko to?" tumikwas ang kilay nito.

"Kakainin. Gunggong. Ano pa ba?" Bawi-bawi din pag may time.

He glared at her. "Kontrabida ka."

Tinaas nya ang noo at proud na nagsalita. "Since I was a fetus," at humalakhak.

"Freak, crazy girl," ismid nito pagkuwan ay tumipa din sa keypad ng cp nya. Nagkasulian sila after. "Bahala ka na mag-save nyan." Tinalikuran na sya nito matapos sabihin yun.

"Hmmm... kaya pala. So totoo ang trending issue sa school ngayon," ani Xris na biglang um-appear.

"Oh? Andyan ka pala."

"Kanina pa. Cute nyo tignan ha. Contrast kayo sa lahat ng bagay sa unang tingin palang." Sumandal ito sa bakod ng corridor.

"Hah?"

"Matangkad sya, ikaw pandak. Ni di ka umabot sa shoulder nya."

"Walangya ka, Xris."

"Maputi sya, ikaw morena. Gatas at kape lang."

"Wala kang kwenta."

"Matalino sya, ikaw average."

"Sarap mong katayin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon