Decision-making

130 4 0
                                    

Naihatid na sya nito't lahat-lahat pero wala pa rin sya sa sarili nya. Okupado yun ng usapan nila ng matanda kanina. Nagbihis sya at nang papasok na sana sya ng kusina ay narinig nyang nag-uusap ina nya at ang mga kambal. Huminto sya.

"Mama, sabi "Opo, ma. At may contribution pa kami sa Christmas party namin, di ba?"

"Oo nga po." High school students ang kambal at nasa 7th grade. Kahit pa sabihing public school ang eskwelahan ng mga ito ay may babayarin pa rin naman.

"Andro, Alex, mapapakiusapan ba natin ang teacher nyo na madedelay kayo sa pagbabayad? Kasi midterm exam na naman ng ate nyo this December di ba? Kailangan nya ng pambayad ulit."

"Mama, ilan po ba ang babayaran ni ate ngayon?" ani Andro.

"Kapag midterm hindi bumababa sa 2K ang binabayaran ng Ate Ling nyo."

"Ang laki naman," si Alex. "Triple sa school fees ko."

"Pasensya na talaga, mga anak," malumanay na ani Mildred. "Alam nyo namang ang ate nyo ang inaasahan nating makakapagtapos at makakatulong satin sa hinaharap di ba?"

"Naiintindihan ko, mama."

"Ako din."

"Salamat, mga anak. Ang bait nyo talaga. Proud sa inyo ang ate nyo."

"Kami rin naman po eh. Proud kami sa kanya."

"Ma," tila nag-iisip si Alex. "Huminto muna kaya ako para di kayo nahihirapan sa pagdidilihensya ng pera?"

"Naisip ko din yan, ma," sang-ayon ni Andro.

"Hindi ko nga nagagawan ng agarang remedyo ang pera kapag may bayarin tayo," ani Mildred. Parang sumasang-ayon din ito sa suhestiyon ng kambal.

Hindi nya gustong huminto ang kambal. Ayaw nyang mahuli ang mga ito sa pag-aaral. matatalino ang mga ito, mas matalino pa sa kanya ng tatlong paligo, kaya bakit hihinto ang mga ito?

"Walang hihinto," pumasok na sya sa kusina.

"Ate..."

"Walang hihinto sinuman sa inyong dalawa, Andro, Alex. Hindi ako papayag," sabi nya.

"Pero, ate--"

"No." Napailing sya. "Wag nang humirit, Alex. What I said is final."

"Don't worry, Ling, di naman ako papayag na huminto sila," sabat ng ina.

"Pero kanina sabi nyo..." duda sya.

"Hindi pa kasi ako tapos magsalita umeeksena ka na eh," paliwanag nito.

Napahawak sya sa batok. "Sorry, ma. Akala ko kasi..."

"Haaay, Ling. Sa tingin mo ba gusto ng isang inang lumaking mangmang ang mga anak nya? Kung meron man hindi ako kagaya nila okay?"

She smiled blissly. "Mama, alam kong hindi ka kagaya nila eh."

"Sus!" pagkuwan ay nag-iba ang ekspresyon nito. "Ling, nak, nababagabag ka ba?"

"Hah?"

Napansin din yun ng kambal. "Oo nga, Ate Ling. Parang pagod na pagod ang itsura mo."

"Tsaka parang ang laki ng problema mo."

She faked a laugh, mabuti at nagawa nya yun. Naitago nya ang pagkabagabag at pagkabahala. "Ano ba kayo? Walang bumabagabag sakin. Pagod lang ako dahil sa school. Nag-photo shoot kasi kami at si Xris pa nga ang model ko. Sulit naman ho ang pagod ko kasi nagustuhan ni Prof. James ang pictures na kuha ko," pagdadahilan nya sa mga kausap. "Mama, may ipapagawa ba kayo sakin dito sa kusina?"

The Gangster's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon