The King

192 2 0
                                    

"ALAM mo, friend, hindi ka naman galit nyan?" panay ang ilag ni Xris sa mga bola ng basketball na inihahagis ni Yah dito.

"Basta umilag ka! Pag di ka umilag mabubukulan ka!" nangigigil sya sa pagbato ng bola. Sinunudsunod nya yun. Thanks God Xris had a fast reflexes because if she hadn't she would end up having big hard skin in her forehead or body.

"Hay... Bakit hindi kay Megan mo ibato lahat ng bola?" kumanan ito.

"Grrr! Naiinis ako!"

Kumaliwa si Xris. Sige lang sya sa pagbato. "Yah, ilabas mo lang yang inis mo. Kanino ka naiinis kasi?"

Ihinagis nya ang isa pang bola na naiwasan lang nito. "Sa sarili ko! Sa buhay ko! At higit sa lahat sa bruhang Megan na yun!"

Galit na galit na naman sya dahil sa kagagawan ni Megan. As usual sya na naman ang pinaglinis nito sa theater stage! Aba! Ang luwang niyon at halos makuba na sya sa pagkuskus sa stage! Bakit ba naman kasi paborito syang utusan ng mga teacher. Ayan tuloy, oo lang sya ng oo at ito ang napapala nya.

"Yah, relax," bale-walang sabi ni Xris sa kanya. Tumambling ito para iwasan ang tira nya. Lahat ng bolang itira nya ay nagkalat sa gym! Syempre lilinisin nya ang gym pagkatapos nyang magkalat.

"Pano ako magrirelax kung walang araw na inuutusan akong maglinis at lahat yun ay si Megan ang may pakana!" Di naman sya nagpepresenta na maglinis. Ipinapasubo lang sya ni Megan. Sa tuwing may teacher na magpapalinis magtataas ng kamay si Megan at magpepresenta tapos idadamay sya nito. Hanggang sa huli ay sya lang talaga ang maglilinis.

"Bilhan kita ng armalite?" patuloy ito sa pagtalon, pagpunta sa kanan at kaliwa at pagdapa.

"Aanhin ko yun!? Pambaril ko sa sarili ko? Hindi ako tanga para magpakamatay, Xris!"

"Syonga! Pampatay mo sa bruhang si Megan! Tara tambangan natin mamayang alas-dose at i-RIP na natin sya nang tuluyan!"

"Gustuhin ko man hindi maaari!" ibinuhos na nya lahat ng lakas nyang natira sa pinakahuling bolang inihagis. Naiwasan yun ni Xris, ulit. Kaso may ibang taong natamaan ng bola.

"Araaay!" sigaw ng lalaking natamaan sa side ng ulo nito.

Para syang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang makitang nasaktan ng sobra ito. Sa lakas ba naman ng pwersa ng hagis nya siguradong kung hindi bukol ay pagkabingi ang aabutin ng lalaki.

"Oh my God!" bulalas ni Xris. "Lagot, Yah!"

Maski sya nataranta din. "Sorry, kuya! Di ko sinasadya!" nagmamadali nya itong dinaluhan. Hindi na sya nakalapit masyado nang makita nya ang matalim nitong mata. Kung nakakamatay lang ang masamang titig kanina pa sya inaagnas sa flooring ng gym.

"Jugule?!" singhal nito na di nya maintindihan.

"Ha?" litong aniya.

Bumulong si Xris sa tenga nya. "Do you wanna die daw."

Nanlaki ang mata nya. "Anong die?! Hoy, tsinito," baling nya sa lalaki. "Di ako takot mamatay pero hindi ikaw si Kamatayan to get my life!"

"I can kill you whenever and whatever I want. Watch your mouth, ugly girl."

"Abat! Ugly pala ha?! Lika dito para malaman mo kung ano talaga ang ugly!" umuusok ang ilong nya sa galit.

"Yah! Stop. Calm down," hinawakan sya ni Xris sa baywang mula sa likuran.

"Let me go, Xris! I'll skin his face with my bare hands!" nagpupumiglas sya sa gapos nito.

"Friend, you don't know him?"

"Oh, so your friend know me?" wika ng lalaking seryoso pa din. Di makabasag salamin ang kaseryosohan nito.

"A little bit," ani Xris.

The Gangster's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon