Aaliyah Menduarez

295 4 2
                                    

Sabi ng iba kung mabait ka pagpapalain ka. Pero ang masasabi ni Yah lapitin ng gulo ang mga mababait. Gaya ngayon, nagpapakabait naman sya pero heto at inaapi na naman sya ng bruhang si Megan.

"Hoy, pangit, linisin mo ang buong kwartong to ha? Gusto ko malinis na malinis to pagbalik ko."

"Pero, Megan, sabi ni Mrs. Ramos tayo ang maglilinis dito sa Music Room," apila ni Yah sa kaklase.

"Hindi ako tanga para dumihan ang kamay at kuko ko, Aaliyah. Subukan mong magsumbong mababangasan kita," pagkatapos ay umalis na ito kasama ang dalawa nitong alipores.

Huminga sya nang malalim. Kelan ba sya tinulungan ni Megan sa paglilinis ng MR sa tuwing sila ang natutoka dito? Wala pa. Palibhasa kasi anak mayaman at pasosyal lagi kaya ayan di alam maglinis. Ang tamad pa. Laging sya mag-isa ang gumagawa ng lahat ng bagay na sila ang mag-partner. Ito namang si Megan umaabuso na dahil gustung-gusto sya nitong kapartner kasi kinakayakaya nito sya. Di naman sya makapalag kasi ayaw nyang magkaroon ng bad records sa school. Dyahe yun sa academic status nya.

So naglinis sya hanggang sa masiguro nyang wala ni isang alikabok ang nakaligtaan para walang mareklamo si Megan na lukaret. Scholar pa naman sya ng bayan nila. Delikado oras na malaman ng sponsor nyang nakikipag-away sya. Patay sya.

"OH, bakit ganyan itsura mo, Yah?" tanong sa kanya ng kaibigang si Xris. "Para kang ginulpi at pinahirapan ng sampong goons."

Magkatabi silang magkaibigan sa ilalim ng puno malapit sa bakod ng unibersidad na pinag-aaralan nya. Dun sila tumatambay sa oras na wala silang ginagawa. Pareho silang kolehiyo at nasa 2nd year na sila. Magkaiba nga lang sila ng kurso. Sya photography and film directing at si Xris ay Performing Arts. Sa Drama Theater ito nakalinya.

"Wala. Naglinis kasi ako ng MR."

Nanlaki ang mata ni Xris. "Mag-isa mo?" Tumango sya sa kausap. "Susme! Katumbas yun ng tatlong classrooms ah! Kinaya mo?!"

"Hahaha! Ako pa? Oo naman."

"Wala ka bang kasama na inatasang maglinis dun?"

"Meron."

"Hulaan ko. Si bruhang Megan na naman no?"

Tumango sya ulit. Napahawak ito sa noo. "Sabi ko na nga ba eh! Ang maarteng babae na yun na naman ang dahilan ng itsura mong yan! Look! Para kang grade one sa gulo ng ayos mo."

Sa narinig tumayo sya at inayos ang nagusot na damit at nagulong buhok. "Oh, di na," she said when she was done.

Umiling-iling lang si Xris sa kanya. "Ewan ko ba sayo, Yah, kung bakit lapitin ka ng gulo at bully samantalang mabait ka naman."

Nagkibit-balikat din sya sa kaibigan bago naupo ulit. "Malay ko din. Siguro dahil di ko sila pinapatulan."

"Korek! Yah, patulan mo naman sila para di ka nagaganyan!" pang-eenganyo nitong sinagot nya ng iling.

"Ayoko. Isa pa ano naman ang mapapala ko oras na pumalag ako? Mas malaki pa ang damage pag pumalag ako kesa magtiis."

"Hay!" ginulo ni Xris ang buhok nito sa stress sa kaibigan. "Yah, ewan ko sayo! Masyado kang mabait. Di ka naman ganyan dati ah!?"

Tama... hindi sya ganito dati. Hindi sya nagpapaapi, nagpapautos agad-agad, at di lumalaban. Ang dating Aaliyah Menduarez ay palaban at di madaling maintimedate sa kahit sinuman, maski ang presidente ang kaharap nya. Sya nga ang nakaimpluwensya kay Xris na ngayon ay palaban at dapat may dignidad sa sarili. Pero heto sya ngayon at daig pa ang maamong aso sa bahay na naghihintay sa amo.

Nagbago sya nang mamatay ang ama nya dahil sa car accident. Binangga ng isang truck ang taxing minamaneho ng ama nya isang gabi noong fourth year high school sya. Hindi nakaligtas ang ama nya samantalang ang driver ng truck ay ayos lang.

Simula nang mawala ang ama nya at ang ina nya ang nagtataguyod sa kanilang tatlong magkakapatid ay sinanay nyang mahaba ang pasensya nya at masunurin. Ayaw nya kasing dagdagan pa ang bigat ng dibdib ng ina nya kaya maski mahirap nilunok nya ang pangako sa sariling hinding-hindi sya yuyuko sa taong di dapat igalang. Si Megan ay di dapat igalang kasi di naman kagalang-galang ay natuto nyang yukuan at sumunod sa utos nito.

"Sa paglipas ng panahon palaging may pagbabago, Xris," wika nya.

"Hay... kung di lang kita kilalang pinalalagpas mo lang ang mga ginagawa sayo ni Megan para sa pamilya mo matagal na kitang kinatay."

"Kaya kita kabigan eh," she grinned mischievously.

"Yeh right." Nagkatinginan sila at mayamaya ay nagkatawanan na sila sa kwentuhan nila.

"NAK, pakiabot mo nga yang sibuyas."

Kumuha sya ng sibuyas sa maliit na basket at ibinigay yun sa ina. "Dalawa po ba?"

"Oo. Tama to. Kamusta naman ang pag-aaral mo?" anitong hinihiwa ang sibuyas matapos nitong ipabalat sa kanya.

"Ayos lang, ma. Ganun pa rin. Paulit-ulit kung sino ang teacher namin."

"May nambubully ba sayo dun?" tanong nitong ikinapitlag nya ngunit hindi sya nagpahalata.

"Wala ho. Ganun pa rin naman ang mga kaklase ko. Makukulit ang lahi," pagsisinungaling nya dito. Tumalikod sya at naglagay ng tubig sa basong kinuha sa cupboard saka ininom.

"Hmm... naalala ko makukulit nga sila," aniya at tumawa. Minsan na kasi nitong nakilala ang mga classmates nya.

Nakahinga sya nang maluwag dahil naniwala ito at hindi nagduda pa. "Ah, ma, may ipapagawa pa po ba kayo?"

"Wala na, nak. Pwede mo ng gawin ang nais mong gawin. Ako na ang bahala dito."

"Tawagin nyo lang ako pag kelangan nyo ako." Umakyat sya sa kwarto nya at ginawa na lamang ang kanyang takdang aralin. Hanggang kelan kaya sya magiging ganito? Ang maghirap at kunwari sa lahat ng tao na ayos lang sya kahit lango na ang isipan at kaluluwa nya sa sakit. Napabuntong-hininga sya gaya ng lagi nyang ginagawa pag nag-iisip ng malalim. Ang magagawa nya ngayon ay mag-aral at magtapos para makapagtrabaho nang maiahon nya ang pamilya sa ganitong klase ng buhay. Yung nagtitiis para pakisamahan ang ibang tao para lang sa kasiyahan ng mga ito. Para syang alipin.

The Gangster's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon