The Fucking Promise!

140 4 0
                                    

Bago umuwi ay dumaan muna sya sa pansiterya sa bayan para bumili ng pansit pampasalubong sa dalawa nyang kapatid at ina. Paborito nina Alex at Andro ang pansit. Ang kinukuha naman nyang pansit ay yung sinasahugan ng kikiam at fishballs at manok na din. Yun kasi ang gusto ni Mildred, ina nya.

"Pabili pong isang bilao," aniya saka nag-abot ng bayad. Matapos makuha ang order ay sumakay sya ng tricycle pauwing bahay. Pagpasok nya ay sumalubong ang nag-aaway na si Alex at Andro.

"Akin yan! Ano ba, Alex!"

"Ako ang nakakita nito, Andro."

"Ako ang bumili nyan! Namisplace ko lang."

"Eh ano ngayon? Ako nakahanap."

"Hindi magandang katwiran yan, Alexis Menduarez."

"A-Ate!" gulat na gulat ito.

"Ate!" tumakbo sa dalaga si Andro. "Ate, si Alex ayaw ibigay ang chess board ko!" sumbong nito.

"Alex..." aniyang maawtoridad na tinig.

Napanguso ito at isinauli nito sa kakambal ang chess board. "Heto na."

"Alex..." aniya na naman.

"Sorry, Andro," hingi nito ng patawad.

"Anong sasabihin, Andro?" baling nya sa isa.

"Okay lang yun, Alex. Pwede mo namang hiramin to kung kelan mo gusto," nakangiti nitong sabi na ikinatuwa ni Alex.

"Kung ganyan kayo parati eh di walang gulo di ba?" masayang niyakap nya ang magkambal.

"Ate, ano yan? Pansit?" nakatingin sa bitbit nyang bilao si Alex.

"Naman! O tirahin nyo na dun sa kusina."

"Yeheeey!" diwang ng kambal.

"Hep hep hep!" pahabol nya. "Asan si mama?" dapat kanina pa nya nakita ang ginang o di kaya'y narinig man lang ang tinig nito na sinasaway ang kambal.

"Hmm... nasa likod-bahay po sya."

"May kausap po syang matanda."

"Matanda?" nagtatakang aniya. Wala naman syang kilalang matandang kakilala si Mildred sa pagkakatanda nya.

Ibinaba nya sa monoblock ang bag at dumako sa likod-bahay. Doon, nakita nya ang ina at isang matanda nga na nag-uusap habang nakaupo sa naroong bench na gawang kahoy.

Walang nakakapansin sa kanya at naisipan nyang makinig sa usapan. Hindi naman nya gustong makiusyoso subalit napakaseryoso ng usapan ng mga ito. Gusto nyang malaman kung tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawa. Baka mamaya binablackmail na pala ang ina nya ay di pa nya alam. Kukutusan nya ang matanda kahit pa lolo na nya ito kung tutuusin.

"Pero hindi ko pwedeng pilitin ang anak ko, Mr. Cromsvelle."

Cromsvelle?! Tama ba ang narinig nya? Mula sa dilim ay nanatili syang nakatayo at nakikinig. Wag mong sabihing kamag-anak ni Dheu ang lolo? Lagot! Baka sinabi ni Dheu ang nangyari kanina dito at ngayon ginigipit nito si Mildred! Hindi ito maaari. Anong gagawin nya!?

"Pag-isipan mong mabuti, Mildred. Kausapin mo ang anak mo tungkol dito para malaman natin kung ano ba ang desisyon nya."

"Mr. Cromsvelle, hindi ko pwedeng ipagsapalaran ang nag-iisang anak kong babae. Nasa wastong edad nga sya pero wala akong karapatang pangunahan sya. Ayokong nakikita si Aaliyah na nasasaktan at nahihirapan."

Nakatungo lang sya at tikom ang kamao. Anong ibig sabihin ni Mildred at ng matanda? Ito ba ang ikinababahala ni Xris na ugali ni Dheu? Nireresbakan ba sya ng lalaki?

The Gangster's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon