The 2 Cromsvelle

131 3 0
                                    

Kinabukasan ay sinadya nya si Dheu sa first subject nito sa umaga. Nang mapuntahan nya ang classroom nito ay wala pa ito kaya nanatili sya sa labas upang hintayin si Dheu at makausap. Hindi naman sya nabigo nang makita nyang paparating na si Dheu kasama si Yu at isa pang lalaki. Sa naalala nya kasali sa music club ang huli.

"Dheu!" ani Yah ngunit binale-wala sya nito. Si Yu lang ang pumansin sa kanya.

"Morning, Aaliyah," si Yu. Nginitian nya ito para di mapahiya.

"Dheu, pwede kang makausap kahit ilang minuto lang?" mahinahong panimula nya. Hanggat maaari ay gusto nya ng maayos na diplomasya. Pero hindi yun mangyayari dahil ang lintek na lalaki ay dinedma lang sya at para lang syang halamang nakadekorasyon na nilagpasan nito.

"Mauna na kami, Aaliyah," sumunod si Yu sa dalawang snob.

Bumilis ang pulso ng bunbunan nya sa galit dito. "Kahit kelan talaga wala kang good morals, Dheu!" bulyaw nya na nakaagaw sa atensyon sa lahat ng taong nakapaligid sa kanila. Pati yung mga nag-aaral sa katapat nilang room ay nabulabog. Ebidensya? Nagsilabasan lang naman ang mga ito para makitsismis.

Ngunit walang epekto yun kay Dheu. Diretso pa rin ang lakad. Wag na kaya itong lumiko para madikit ang makapal nitong mukha sa pader!

Tignan lang nya kung hindi pa ito lumingon. "May kilala ka bang matandang lalaki na may gintong tungkod? Kasi alam mo Cromsvelle din ang apelyido nya. Sayang di ko natanong kung anong first name nya kahapon."

Bingo! Gaya ng inaasahan ni Yah, napahinto ito. Humarap ito sa kanya na may poker face. "Where did you meet him?"

Nagkibit-balikat lang sya. "Sa Venus," saad nyang ikinasama ng titig nito sa kanya. "Anyway, saan ko ba sya pwedeng makita? May gusto lang kasi akong i-discuss sa kanyang maliit na bagay." Kahit nagsasalita sya naririnig nya ang bulong-bulungan sa paligid.

"What? Kinakausap sya ni King?"

"Pinansin sya ni King Dheu? OMG!"

"Gintong baston? At Cromsvelle din ang apelyido? Bakit nya yun itinatanong kay King Dheu?"

Hay mga tsismosa nga naman. Walang pinapalagpas. "Kung ayaw mong sabihin pakisabi sa kanya na kontakin ako kapag free na sya dahil gusto ko syang maka-face to face." Iniwan nya ang mga tsismosa kasama ng walang modong si Dheu. Nabubwisit sya sa kaangasan nitong ewan. Makakarating naman siguro ang mensahe nya sa matandang Cromsvelle. Maghihintay na lang sya ng feedback.

Nabura sa isipan nya ang ginawa kanina nang pumasok sya sa photography class nya. Photo shoot nila ngayon at natural ay silang mga estudyante ang hahawak sa camera!

This was going to be great!

Sabi ni Prof. James na pumili daw sila ng model nila para sa photo shoot. Naalala nyang walang klase sa mga oras na yun si Xris kaya agad nya itong itinext na puntahan sya nito sa visual studio. Hindi rin nagtagal ay sumulpot si Xris at nakadress na. Ito ang gusto ni Yah sa bestfriend nya. Girl scout, laging handa.

"Shall we start the photo shoot?" nakangisi ito, yung ibang model nakanganga dito. Sinong di nganga kung ganito kacute ang model nya? Pure Pilipino pero mukhang Espanyola.

Itinaas nya ang camera nya at pinapwesto si Xris. "Okay, Xris, give me an 'I am so gorgeous, alluring woman' pose."

"As you wish, Yah," kumindat ito pagkatapos ay nangproject na nang nagproject.

"Perfect!" Pinalakpakan nya ito matapos ang ilang shots. Three shots lang ang kelangan nya. "Maria Mercedes ka talaga, Xris."

"Hay naku, Marimar. Wala si Pulgoso kaya wag mo akong kahulan dyan ng compliments," kunwari ay nahihiya pa ang siste.

The Gangster's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon