GracePagkalapag ng eroplano ay dumiretso agad ako sa waiting area. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang naglalakad dahil sa ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming tao. Halos lahat nagmamadali. Tama nga si Papa, ibang iba ang magiging buhay ko rito. Nakita ko naman agad si Kuya na nakataas ang kamay niya. Para siguro madali ko siyang makita. Matagal na rin siyang hindi nakakauwe ng probinsya kaya't masasabi kong malaki ang pinagbago niya. Mas lalong naging big brother ang dating niya. Sabagay eldest naman siya saming magkakapatid.
"Kuya!"
Sigaw ko at lumapit agad ako sa kanya. Kinuha naman niya agad ang maleta ko. Oo maleta dahil dinala ko na lahat ng gamit ko dahil ayoko ng bumalik pa don."Wala ka pa din pinagbago. Ang liit mo pa din."
Walang emosyong sabi niya.Hindi ko sya close pero masasabi kong makulit sya at sweet. Mas close ko kase ang isang kuya ko.
"Tsk. Mang asar pa.. Gutom na ko. San tayo kakain?"
Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya."Di mo manlang ba ko kakamustahin? Tagal kaya nating hindi nagkita."
Sabi niya at inilagay ang bagahe ko sa backseat."Bakit? Miss moko noh? Uy! Si Kuya namimiss din pala ko!" Pang aasar ko.
Binuksan naman niya ang passenger seat para makasakay ako. Di manlang ako pinansin. Pero sabagay. Ayaw lang siguro umamin ni Kuya. Haha
"Kamusta ang Bacolod?"
Tanong niya ulit. Bago ko pumasok sa kotse ay sinagot ko muna siya."Okay naman. Walang nagbago. OA mo kuya ah, parang 5 months ka lang di nakapunta don ee."
Sabi ko at sumandal sa kotse niya. Siya naman hawak hawak parin sa pinto at nakapatong ang siko niya don.5'9 ang height ng kuya ko samantalang ako 5'4 lang kaya nakatingala ako sa kanya.
"So... Okay ka na ba?"
This time nakita ko sa mata niyang may halong pag aalala. Nagtaka naman ako kung bakit niya natanong yon kaya naka nganga ako sa kanya."Nevermind. Lets go."
Sabi niya at iniwan akong nakatanga. Naramdaman ko naman na nasa loob na siya ng kotse dahil narinig ko ang pagsara ng kabilang pinto kaya pumasok na din ako sa loob.Habang nagdadrive siya tahimik lang kami kaya pinasya kong manahimik nalang din. Kumain lang kami saglit sa Mcdo at umuwe na din sa inuupahan niyang bahay.
*
"Yung pintuan na green, doon ang kwarto mo. Magpahinga ka muna, tatawagin na lang kita mamayang dinner."
Sabi ni kuya at nagtungo pa sa isa pang pintuan."Thanks kuya!"
Sigaw ko na lang at alam kong narinig niya yun dahil isasara pa lang niya ang pinto ng kwarto non.Pagpasok ko sa kwarto ko maliit lang siya. Pang isang tao lang talaga ang bed. May side table sa gilid at may bintana. Sa paanan naman ng bed ay may malaking cabinet. May pintuan pa sa gilid at sa tingin ko ay cr iyon.
Inayos ko na lang ang gamit ko at inilagay sa cabinet yon. Wala kong magawa kaya nahiga muna ko. Nakatulala lang ako sa kisame ng tumunog ang cellphone ko.
Kuya Ken Pogi
Calling....."Hello kuya."
Bungad ko."Andyan ka na ba sa bahay ni kuya?"
Tanong niya."Andito na ko kuya kanina pang 1pm. Nagpapahinga na lang ako."
"Good. Sige, magpahinga ka lang jan ha. I will look for University na malapit jan. Ieenroll na lang kita. Mag-uusap na lang kami ni Kuya Knowell mo."
YOU ARE READING
That thing called 'DARE'
Romance"Gagraduate ako, at pagbalik ko sa lugar na 'to sisiguraduhin kong magugulat sila dahil nakuha ko na ang pangarap ko. Lalong lalo na SIYA." Isang masamang panaginip para kay Grace ang mga narinig niyang salita galing sa pamilya ng pinakamamahal niya...