Alex

114 3 1
                                    


-----

Maaga akong nagising ngayon. 3 linggo na ang nakalilipas ng dumating ako dito pero ngayon lang ako sinipag lumabas. Balak ko talagang mag jogging saglit habang di pa sumisilip ang araw. 5:00 am palang at siguro naman wala pang masyadong tao sa labas. Meron man pero onti lang.

Lumabas na ko ng kwarto. Naka shorts lang ako na pang jogging tsaka sando na dinoblehan ko ng jacket na green.

"Hello Manila!"
Sambit ko pagkalabas ko ng gate. Ang sarap ng hamog na nararamdaman ko. Nag stretching muna ako, after 3 minutes at saka ako nagsimulang tumakbo.

Nakarating ako sa Park. May mga tao pero gaya ng inaasahan ko, kaunti lang. Nagjojogging din sila gaya ko. Naka ilang ikot din ako at saka ko napagpasyahang maupo. Uminom muna ko ng tubig.

Medyo maliwanag na din ang kalangitan pero napagpasyahan kong dumito muna. Ayoko naman kase sa bahay, mabuburyong lang ako. At since pasukan na bukas.. EXCITED AKO. Oo, kase naman nung nag enroll kami last week ang daming mga foreigner na estudyante. At sa tingin ko duduguin ilong ko don. Tourism pa din ang kinuha ko. At hindi naman din kami nagtagal din don sa University. Nakuha ko din ang schedule ko.

May pang umaga ako pero sa awa ng Diyos. HALOS LAHAT. Huhu. Di pa po ako sanay gumising ng maaga. Sana di ako malate bukas.

May nagdatingang mga bata sa Park para maglaro. Alas sais na din yon at mukhang mag aalas siyete na. Sakto namang pagkatayo ko biglang may sumigaw.

"Taho! Taho kayo diyan! Ate bili na kayo!" Sigaw ni Manong. Ibinaba niya ang bitbit niya kaya't tumakbo ako papunta sa lugar niya.

"Manong isa nga po."
Sabi ko. Tinitigan lang ako saglit ni manong at nagsimula ng kumuha ng cup at naglagay ng mga ingredients.

"Bago ka dito Iha?"
Tanong niya. Nasa edad 40's na siguro si manong.

"Opo."
Sagot ko lang.

"Kaya pala eh. Ngayon lang kita nakita dito sa Park. Eto na iha." Pagsabi niya'y inabot niya sakin yung taho.

"Salamat ho."
Pagkasabi ko ay aalis na sana ako pero nagsalita ulit si Manong.

"Anong pangalan mo iha?"
Sabe niya.

Ngumiti naman ako. Nakangiti din siya. Parang interesadong interesado sya sakin ganon? Ang gaan din ng loob ko sa kanya.

"Grace ho. Kayo po?"
Tanong ko naman.

"Tatay Ben na lang itawag mo sa akin. Ano buong pangalan mo?" Tanong niya ulit.

Di naman na ko nagdalawang isip na sabihin pa kay Tatay Ben.

"Nathalia Grace Enriquez po."
Pagkasabi ko ay napangiti siya. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa kanya.

"Ah sige ho Tatay Ben, una na po ako ha. Ingat po kayo." Sabi ko.

"Sige Nathalia iha, ingat ka din."
Nagulat naman ako ng tawagin niya ko sa ganoong pangalan dahil hindi ako nasanay na may ibang natawag sakin ng ganon, di ko alam pero natuwa na din ako. May naalala lang ako. Siya lang ang nagsabing pwedeng tumawag sakin non. Hays. Namimiss na kita..

------
*

Andito na ko sa bahay at wala akong magawa. Nanood lang ako ng TV. Wala si Kuya Knowell, may bibilhin daw siya eh.

Mag aalas sais na ng hapon ng marinig kong bumukas ang gate. Narinig ko na din ang kotse ni Kuya kaya malamang andiyan na siya. Hinintay ko na lang siyang makapasok dito sa bahay. Tinatamad talaga ko.

"Aw! Aw!"

Bigla akong napasigaw dahil may tumalon sa harap kong aso. Chow chow. Ang cuuuuute. Balbunin!

That thing called 'DARE'Where stories live. Discover now