GraceNagising ako dahil sa alarm ko. Napagpasyahan ko kaseng ipagluto ng umagahan si Kuya Knowell.
"Goodmorning sweetie." Bati ko kay Alex na natutulog pa sa gilid ng kama ko. Nagtungo na ko sa banyo at naligo. Nagbihis na din ako ng pangjogging pero hindi pa ko naka jacket. Lumabas na ko at nagtungo sa kusina. Ipinrepare ko saglit ang lulutuin ko at saka ako nagsuot ng apron.
"I believe in love, i believe in you~ i believe in everything that two of us can do~"
Kumanta na lang ako habang nagluluto. Nadala ako sa meron kagabi eh. Hihi.
"Bat ang aga mo?"
"Ay Knowell panget!"
Sa gulat ko yan ang lumabas sa bibig ko. Bad mouth Grace! Si Kuya Knowell pala yun. Huhu. Ang sama tuloy ng tingin niya."Aga mo Kuya Pogi ah."
Sabi ko. Ngumiti ako sa kanya para mawala galit niya pero mukhang di umepek. Nagtimpla siya ng kape niya. Andito lang siya sa gilid ko dahil nandito ang thermos."Ikaw nga dapat kong tanungin jan eh. Nine pa pasok mo diba?" Naku. Bumalik na naman ata siya sa pagiging cold niya sakin. Patay. Sabi ko Lord wag mo po muna bawiin eh. Pero hindi. Malay mo pabebe lang si Kuya. Haha.
"Magjojogging kase ulit ako. Hehe. Pinagluto lang kita. Baka kase magising ka hanapin mo maganda kong mukha."
Pagkasabe ko bigla siyang tumawa ng malakas pero binawe din niya yon at naging cold ulit siya."Anong nakakatawa?"
Sabi ko at pumamewang sa harap niya."Magluto ka na lang jan."
Walang emosyong sabi niya. Ang sungit talaga. May sumpong na naman yata. Aga aga.Tinalikuran ko na lang siya at kinuha ang mga pancakes na luto na. Pagkalapag ko sa lamesa ay Nagdiretso na lang ako sa kwarto para linisan si Alex dahil ipapasyal ko siya.
As usual nakita ko ulit si Tatay Ben. Bumili ulit ako ng taho. Ng makaupo na ko sa isang bench sa park hinayaan ko muna si Alex maglaro. Ng makita kong nakakalayo na sya nabahala na ko. Agad kong itinapon yung naubos ko ng taho at tumakbo para habulin si Alex.
Napatigil ako sa nakita ko. May natisod si Alex sa kalikutan niya. Huhu! Kawawa naman si Kuya.
"Alex!" Napatingin si Kuya sakin, di ko pinansin dahil nakakahiya. Nilapitan ko na lang si Alex na nasaktan din.
"Kuya Sorry, pasensya na sa alaga ko."
Nakatingin lang sakin si Kuya. Umupo sya kasing pantay namin."Alex okay ka lang ba?"
Tanong ko kay Alex. Para kasi siyang kawawa. Nadaganan siya ng onti ni Kuya kaya alam kong nasaktan siya. Hindi parin tumitigil sa halinghing si Alex. Kawawa naman baby ko."Do I know you?"
Tanong ni Kuya.Huh? English. Pwe! Nosebleed. Nireready ko pa nga lang sa school ang english skills ko sinubukan naman agad ako nitong tisoy na to.
"Huh?" Sabi ko.
Siya naman naka ngiti.
"You're asking me if I'm okay."
Nakangiti paring sabi niya.Huh! Di ko nga siya kilala eh tas tatanungin ko pa siya. Naka drugs ata si Kuya.
Pero wait? Im talking to Alex so--
"Sabe mo, 'Alex okay ka lang?' So I thought its me but I think its your dog. Im sorry by the way." Sabe niya saka ngumiti.
Alex din pala pangalan niya. Nagtagpo ang dalawang Alex. Sabagay, hindi naman rare ang Alex na name eh. Malas lang niya siya ang nakabangga ng Alex ko.
YOU ARE READING
That thing called 'DARE'
Romansa"Gagraduate ako, at pagbalik ko sa lugar na 'to sisiguraduhin kong magugulat sila dahil nakuha ko na ang pangarap ko. Lalong lalo na SIYA." Isang masamang panaginip para kay Grace ang mga narinig niyang salita galing sa pamilya ng pinakamamahal niya...