ZAM

65 4 0
                                    


Grace



"Goodmorning Kuya! Aga mo ah." Bati ko kay Kuya habang nagluluto siya sa kusina. Monday ngayon at alam ko 12pm pa pasok niya. Hmm. Pinagluluto niya siguro ako. Yieeeh.

"Wala lang. Masama na ba gumising ng maaga?" Sarkastikong sagot niya habang nagluluto parin. Naupo na lang ako sa lamesa at hinintay ang niluluto niya.

"Hindi naman. Akala ko lang pinagluto mo ko talaga kaya maaga ka nagising." Pagdadrama ko.

Hindi naman siya kumibo at nilapag na lang ang pagkain sa lamesa. Kumuha na lang ako ng bacon at egg na pinalaman sa sandwich at umalis na din ako sa bahay. Magjojogging ako today eh. 9am pa naman pasok ko..

Habang nag jojogging ako sa loob ng subdivision di ko maiwanag maisip ang mangyayare ngayong araw. Lalo na mamaya. Alas sais trenta na ng umaga at nagsisidatingan na dito sa Park ang mga bata.

"Nakalimutan ko palang isama si Alex ngayon." Bulong ko sa sarili ko.

"Taho! Taho kayo diya---- Iha! Nathalia!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Tatay Ben pala. Nathalia parin tawag niya sakin pero ayos lang. Magaan sa pakiramdam.

Lumapit ako kay Tatay Ben ng masaya.

"Isa ho Tatay Ben." Sabi ko.

"Nako Iha, ang tagal kitang hindi nakita dito ah. Isang linggo ata." Masayang pagbati ni Tatay Ben.

"Busy ho kase sa school kaya ganon. Laging pagod at puyat kaya nadalang na ko magising ng maaga gaya nito." Paliwanag ko.

Kasabay ng pag abot ko ng bayad ang pag abot ni Tatay Ben ng Ice cream.

"Kamusta ka naman Iha. Mukhang stress ka ah." Puna ni Tatay Ben.

Nabasa niya kaya mata ko o isip ko kaya niya nasabi yon?

"Ah.. Hin--"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil pinutol niya iyon.

"Alam mo, sandali lang yan. At konting panahon lang makakasundo mo rin siya basta iopen mo lang ang isip mo.. at puso mo." Naiwan akong tulala dito sa pwesto ni Tatay Ben na kakaalis lang.

Ano naman kaya ibig sabihin non? Ang weird ni Tatay Ben ha. Hindi ko maintindihan. Tsaka what did he mean na siya? Makakasundo? Basta i-open ko lang daw isip ko? At puso? Sino na namn yon? Naku si Tatay Ben talaga.

Pagkatapos ko kumain bumalik ako sa kinauupuan ko at nagsoundtrip. 6:48 am pa lang naman at maaga aga pa. Nakikinig lang ako ng music ng may tumabi sakin. Napaangat naman ako ng tingin at nakita kong si Alex yon.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Bakit? Bawal ba pumunta dito ang taga rito din mismo sa subdivision na to?" Pang aasar niya

Kumunot naman ang noo ko..

"Dito ka nakatira?" Tanong ko.

"Hindi Grace. Park kaya to. San ako kakain dito? Matutulog? Maliligo? Mag--"

Di ko na sya pinatapos sa kalokohan niya at binatukan ko na siya.

"Ouch ha." Reklamo ni Alex habang hinihimas ang parteng binatukan ko.

"Grabe. Ang hina kaya non. Gusto mo lakasan ko para worth it ang pag aray mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Joke lang ikaw talaga Nathalia Grace." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Opo hindi na po." Ilag niya sakin, thinking na babatukan ko ulit siya.

"San ba bahay niyo? Hatid na kita." Alok ni Alex.

That thing called 'DARE'Where stories live. Discover now