Him

81 6 0
                                    


Grace



Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito sa calling card na to na bigay ng alien na yon. May meet up kase ang grupo ngayon kaya kailangan ko lahat para makuha ang mga ideas nila. Saturday ngayon at andito kami ni Eli sa Seattle's Best Coffee. Iniintay namin dumating sila Mandy at Tris. Si Alex on the way na din daw.

"Bestfriend ano na? Tawagan mo na kaya." Sambit ni Eli at uminom ng kape niya.

Alas nuebe na ng umaga at mag aalas diyes na din. Naiinis talaga kase ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Intayin ko na lang si Tris. Siya na lang patatawagin ko sa Alien na to." Sabi ko saby lapag ng calling card sa table namin.

"Bat ba kase ang init ng ulo mo kay Zion? Di ka naman inaano ah." Natatawang sabi ni Eli.

"Di ko nga din alam eh. Naiinis ako basta."

"Hay nako. Baka sa iba mapunta yang inis mo ha." Pang aasar ni Eli sakin.

Asa naman! Naiinis lang talaga ko sa kanya. Sa ugali niya.

"Tss. Wag ako Elisha Ruth noh. Asa naman." Sabi ko sabay irap sa hangin.

"Oh ayan na pala si Alex. Hi Alex!" Bati ni Eli ng makalapit si Alex samin.

"Goodmorning beautiful ladies!" Bati naman ni Alex sabay upo sa gilid ko pero may pagitan na isang bangko sa gitna namin.

"Asan na sila? Yung Zion?" Tanong ni Alex. Eh kung siya na lang kaya ipakausap ko.

"Ah.. Alex, pwede bang ikaw na lang tumawag kay Zion?" Pakiusap ko

"Bakit naman? Ikaw kaya Leader." Sabi ni Alex

Ay nakoo! Si Tris na lang pag-asa ko.

"Naiinis kase siya don sa Zion na yon. Baka daw kung ano masabe niya pag binastos siya katulad nung ginawa non nung first meeting." Paliwang ni Eli

Napaisip naman tong si Alex.

"Sabagay, Amazona ka pa naman." Huh! Ako daw Amazona?!

"Oy hindi ah. Bait ko kaya." Depensa ko.

"Woshooo! Oh ayan na sila Mandy, siya na lang wala." Sambit ni Alex

Naupo sa tabi ni Eli si Mandy at sa tabi naman niya ay si Tris na katapat si Alex.

"Oh? Asan na si Pogi?" Tanong ni Mandy.

"Tanongin niyo si Leader." Pasaway talaga tong si Eli.

"Hala! Tinanggal mo si Fafa Zion sa grupo natin? Bakit Grace? Huhu." Nagkunwaring umiiyak pa tong si Tris. Batukan ko kaya tong babae na to

"Baliw! Di ko pa natatawagan." Sabe ko

"Ahh. Di mo naman agad sinabe. Amina ako tatawag." Kinikilig naman na sabi ni Tris. Ang bilis talaga mag moodchange nito. Parang baliw lang talaga.

Inabot niya ang calling card. Nag dial na siya sa phone niya nung number ng biglang tumunog naman phone ko.

09275356299
Calling.....

Sino naman to?

"Hello?"
Panimula ko.

"Nasan kayo?"
Huh? Sino naman to?

"Sino ka ba?" Tanong ko.

"Asan kayo, free ako today. Nasan ang grupo." Grupo? Bakit kasali ba siya samin?

"Sino ka ba? At saka anong grupo sinasabe mo? Kumpleto na kami dito si Zi---- ZION??"

Sa lakas ng boses ko nagtinginan sila Mandy sakin. Si Tris naman hinarap ang phone niya sakin at ipinakitang hindi niya matawagan si Zion.

That thing called 'DARE'Where stories live. Discover now