GraceOne week na din ang nakalilipas, mas lalong masaya ang Pigfriends. Yeah, we used to call our friendship Pigfriends.. Ako nakaisip niyan. Kami ang 'Dapor' haha. Nakakatuwa lang isipin na may mababait din pala akong makikilala dito. Akala ko kase noong una wala ako makakasundo dahil puro liberated ang tao dito. Masyado pala kong naging judgmental. Sorry Lord!
Tuesday ngayon at 8:00 am ang pasok ko. Wala pa namang masyadong ginawa last week dahil mostly halos 'Introduce yourself' lang ang nangyare. Pero kahapon may pina-activity na samin yung Prof namin sa History. And I think meron na naman ngayon na magiging activity.
"Kuya! Alis na ko." Sigaw ko kay Kuya na nasa kusina. Nasa sala kase ako at inaayos ang gamit ko. Hindi na ko hinahatid ni Kuya dahil tinuro na niya sakin kung pano mag taxi. Malapit lapit lang din naman pero kailangan mo pa din sumakay.
Tiningnan ko si Kuya na nakasandal sa pinto papuntang kusina at nakatitig sakin. Sinukbit ko naman ang bag ko at ngumiti sa kanya. Tumango lang siya at bumalik na ulit sa kusina.
Kahit kelan talaga ang sungit. Sabagay, ganyan na yan sayo dati pa diba? Bat nagtataka ka pa. Pero kase, ang close close namin dati. Nakakagulat lang bat bigla siya nagbago nung mga panahong iyon. Hmm nevermind na nga Grace. Ayan ka na naman eh.
"Manong bayad ho."
Abot ko sa bayad pagkababa ko ng taxi. Nandito ako ngayon sa tapat ng gate ng school at nagsimula ng tahakin ang daan papasok.Sa hallway maririnig mo ang ingay ng mga estudiyanteng babae na naghihiyawan? Bakit kaya? May mga kumpulan akong nakita sa gilid ng corridor na siyang dadaanan ko. Di ko maiwasang hindi makitingin.
"Waaaaah! Ang gwapo niya! Is it real na dito na sya mag-aaral?"
"Sana dito na siya mag-aral para lagi ko siyang makikita."
"Ang pogi niya talaga! Nakaka-inlove!"
Sa dami ng estudyante hindi ko na nakita pa ang itsura ng sinasabi nilang gwapo. Likod lang nakita ko pero di ko rin sure kung siya nga yung sinasabe nila.
Teka? Bat ko ba pinakikielaman yung mga yon. Tsk. Makapunta na lang sa room at baka ma late pa ko.
"Hi bestfriend!" Bati sakin ni Mandy. Himala, wala pa si Tris samantalang siya lagi ang nauuna saming apat. Asan kaya yong babae na yon.
"Hello bestfriend!" Bati ko pagkababa ko ng bag ko sa upuan ko. "Asan si Tris? Himala ata mukhang malelate siya ngayon." Sabe ko.
"Oo nga eh. Hindi ko din alam sa babae na yon. Wala naman text." Sagot ni Mandy. Wala pa din si Eli pero dumating din siya after 10 minutes. 7:45 pa lang naman so medyo mahaba haba pa ang oras.
"Nakagawa ba kayo ng assignment sa Humanities?" Tanong ni Eli.
Ay shocks! Oo nga noh. Bat nawala sa isip ko kagabe yon. Kaya pala parang may kulang. Sabe na eh.
"Di ako nakagawa. Nakalimutan ko. First subject pa naman natin ngayon yon. Patay ako neto." Sabi ko sabay taklob ng mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Terror pa naman ang prof namin don na babae. Matandang dalaga daw kase. Sana makalimutan niya.
"Wooooh! Buti na lang wala pa si Ma'am!" Napaangat ang tingin namin ng makita namin si Tris na hingal na hingal.
"San ka naman galing? Bat late ka ata ngayon?" Pagtataray ni Eli sa kanya.
"Sorry Madam! May nadaanan lang. Kapagod grabe." Hingal na sabe ni Tris at naupo na sa upuan niya.
"San ka galing Tris?" Tanong ko.
YOU ARE READING
That thing called 'DARE'
Romance"Gagraduate ako, at pagbalik ko sa lugar na 'to sisiguraduhin kong magugulat sila dahil nakuha ko na ang pangarap ko. Lalong lalo na SIYA." Isang masamang panaginip para kay Grace ang mga narinig niyang salita galing sa pamilya ng pinakamamahal niya...