KEN"Grace kamusta ka jan?" Bati ko agad sa kapatid ko. Namimiss ko na agad siya. Nakikita ko kase lagi sa mukha niya ang Mama na hindi na niya naaalala pa dahil bata pa lang siya noon.
"Okay lang ako kuya dito. May mga bago na kong kaibigan. Tsaka mababait sila sakin. Kayo ni Papa kamusta? Miss ko na kayo." Bigla na lang lumungkot ang boses niya.
"Okay lang kami dito. Wag ka na nga malungkot jan. Alagaan mo sarili mo jan ha. Alam kong masunget pa din sayo yang Kuya mo. Pagtyagaan mo na lang." Sabi ko sa kanya.
Hanggang ngayon kase ganyan pa din si Kuya after ng aksidente. Bigla na lang nagbago lahat. Pakikitungo na sakin mas lalo na kay Grace na nuo'y ayaw na ayaw niyang kausapin. Buti nga ngayon kinakausap kausap na daw siya eh. Sana bumalik na siya sa dati talaga.
"Uh. Sige na kuya pasok na ko ha! Ingat kayo ni Papa. I love you." Paalam ni Grace. Mukhang masaya nga siya ngayon sa mga kaibigan niya. Good to know naman kung ganon.
"Sige. Yung bilin ko ha. I love you so much. Kayo ni Kuya. Ingat kayo."
Pagkatapos ng tawag pinuntahan ko saglit si Papa sa kwarto niya.
"Pa...." Bungad ko pagbukas ko ng pinto. Nakita ko namang nakasandal siya sa wheelchair niya at nakatingin sa bintana. "Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko.
Hindi siya nagsalita. Tiningnan lang niya ko. Malungkot na naman si Papa. Simula ng umalis si Grace naging malungkutin na siya. Kay Grace kase niya naaalala ang mukha ni Mama. Halos carbon copy sila kase ng Mama.
"Papa, wag ka na malungkot. Pag malakas kana luluwas tayo ng Maynila para mabisita si Grace at Kuya Knowell." Pag aalo ko sa kanya.
"Ikaw na bahala sa mga kapatid mo Kennedy. Lalong lalo na kay Grace." Hindi parin lumilingon si Papa sakin.
"Pa, ano ba yang sinasabe mo?"
"Pag nawala ako, alagaan mo silang mabuti. Alam kong gitna ka sa magkakapatid pero alam ko ding mas maaalagaan mo si Grace." Pagtutuloy ni Papa.
Eto na naman kami. Ayokong ayokong nagsasalita si Papa ng ganyan. Hindi pa siya kukuhanin samin. Ayokong maiyak kahit alam kong mahina na din si Papa pero kailangan parin niyang magpagaling. Gagraduate pa si Grace.
"Pa, sige na po magpahinga ka na muna sa kama, maghahain lang ako ng tanghalian natin." Pagkasabi ko'y hinawakan ko na ang wheelchair niya at itinulak papunta sa kama niya. Iniayos ko muna si Papa sa kama at saka ko kinumutan.
"Pa, kailangan ka pa ni Grace. Alam mong pangarap niyang makagraduate ng andon ka diba? Magpapalakas ka pa Papa." Sabi ko lang kay Papa at hinalikan ko siya sa noo.
Bakit ganito pakiramdam ko? Feeling ko onti na lang na panahon ang itatagal niya dito. Hindi pwede. Kailangang gumaling si Papa dahil kailangan siya ni Grace. Pangarap ni Grace yon at alam kong malaki ang mababago pag nangyaring mawala si Papa. Hindi hindi ko magugustuhan ang kalalabasan ng mangyayare. Gagawin ko ang lahat gumaling lang si Papa at magtagal. Lord, sana nadidinig niyo po ako. Sana... Gumaling si Papa at magtagal pa siya dito..
***
Grace
"Grace, nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong ni Tris.
Sa lahat ng pwede niyang itanong sakin yan pa. Pero wala naman na siyang epekto sakin eh so sige. Share ko na.
"Yup."
"Ilan?" Mandy
"Isa." Sabi ko lang.
"Ano nangyare?" Eli.
YOU ARE READING
That thing called 'DARE'
Romance"Gagraduate ako, at pagbalik ko sa lugar na 'to sisiguraduhin kong magugulat sila dahil nakuha ko na ang pangarap ko. Lalong lalo na SIYA." Isang masamang panaginip para kay Grace ang mga narinig niyang salita galing sa pamilya ng pinakamamahal niya...