Chapter 5

33 4 3
                                    

Nasa classroom na kaming lahat na nasa star section. Dahil daw may isang 'BIG' announcement daw na ibibigay yung adviser namin.

"Okay class, from now on, may nago kayong kaklase. Top 1 din siya sa school nila. Transferee siya dito. His name is Sebastian Allen Domingo. Please, be hospitable."

"Hello!" sabi nung iba kong classmates.

"Ang gwapo mo, fafa Sebastian!" Ano daw? Fafa? Yuck! Ang laswa!

"Sebastian, I'd like you to meet the top 1 of this school and of the class.. Her name is Sonny Munroe." sabi ni ma'am at sinenyasan ako na tumayo.

"It's nice to meet you." sabi ko sa kanya with my sweetest smile.

"Nice to meet you too." sinabi niya naman with a shy smile.

"Mr. Domingo, I'd like you to sit beside Ms. Munroe. Mr. Martinez, please transfer beside Mr. Rodriguez."

Eh? Ma'am naman! Ang saya-saya ko na nga sa seating arrangement eh! Iibahin pa! Kainis! Ganito kasi seating arrangement namin:

Dominic : Ako : Tricia

Babaguhin pa! Dun pa sa tabi ni freak! Sana hindi siya mahawa.

"Okay ma'am.: sabi ni Sebastian at nagsimula na lumakad.

"Ma'am, bakit naman po?" sabi ni Dominic.

"Why Mr. Martinez? Is there any problem? Do you have a 'special kind' of relationship with Ms. Munroe?" sabi ni ma'am. Minsan, gusto ko ring batukan si ma'am.. Kaya lang.. wag na pala!

"Ugh, Fine!" sabi ni Dominic na mukhang sobrang nainis dun sa sinabi ni ma'am at umupo na sa vacant seat sa tabi ni freak.

"I'm sorry if nainis ko yung friend mo. If you don't want me sitting here, I can ask her to transfer my seat." biglang sabi ni Sebastian. Wow! Ang bait niya ha.. Actually, sige! Pero.. Sobrang bait niya talaga! I can't just be mean sa kanya and since first day niya toh sa school namin..

"Ah, okay lang!" sabi ko sa kanya. "So, top 1 ka right? Ngayong nandito ka sa school na toh, you're now one of the competitors.." with my evil grin.

"Ah, don't worry, ayoko ng maging 'aggressive' sa studies ko..." ang bait niya talaga.. Ibig sabihin, kami paring dalawa ni Cliff ang magka-away... (~.~)

"Can I ask you something?" sabi niya with a friendly smile.

"Yeah!" Sure! Ikaw pa! Sa bait mong yan! Tanong mo lang lahat!

"Boyfriend mo ba yung si.. Dominic? Ang sama kasi ng tingin sa akin eh." sabay turo niya kay Dominic.

Tinignan ko naman si Dominic and ang sama nga ng tingin niya. NAKAKATAKOT!

"Ah, mabait yan.. And di ko siya boyfriend! Ano ka ba?!" sabi ko and nag-giggle siya ng onti.

"Ahhh.."

OMG! He's so cute! Gwapo na, cute pa! Mukha siyang yung pinsan kong ginamit na endorser ng isang diaper company. At hindi lang yun! Mukha siyang isang.. HOLLYWOOD ACTOR!

"Sonny, okay ka lang?" sabi niya na parang nagtataka siguro kung bakit ako nakatitig sa kanya.

"Ah.. May dumi ka kasi sa mukha. Ayan oh.." sabay pisil sa cheeks niya.

********

"Sige, bye Sebastian!" sabi ko with matching kaway ng hand.

"Bye Sonny." then sakay dun sa sasakyan niya and nag-drive na siya away.

"Sino yun, Sonny?" sabi nilang tatlo sa akin.

Nakatingin lang ako sa sasakyan ni Sebastian habang papalayo na siya sa akin.

"Yun si Sebastian. Isa siyang transferee student. Sabi din ni ma'am Grace, top 1 din daw yun sa school nila." sabi ni Tricia nung napansin niyang hindi ako sasagot.

"Uuuyyy.. Sonny.. Bago ba yan? Ha..?" -Hershey

"Infairness Sonny ah, ang gagwapo ng mga nabibingwit mo ha.." sabay tusok sa tagiliran ko si Melissa.

"Ano yung ibig sabihin ng 'namingwit'? Di naman siya mangingisda ah!" -Victoria

"Hay naku... Victoria talaga.." -Melissa

"Uy, Sonny!"

"H-ha?" sabi ko habang nakangiti parin dun sa direction na pinuntahan ni Sebastian.

"Hmmm.. Ang Baby Labs ba namin.. Na-i-inlove..? Hmm?" sabi ni Melissa with a 'tell-me-what-happened-look'

"Uy Hinde ah.. He's just my friend." totoo naman! Friend ko lang siya.

"Talaga?" ngayon silang apat gave me a 'weh-talaga?-di-nga?' look.

"Asuss.. Kayo talagang tatlo.. Plus one! Ang babaliw niyo talaga!" sabi ko then ta-try ko na sana silang kilittin kaya lang bigla silang tumakbo papalayo. Tin-ry ko naman silang habulin, kaya lang... I'm not sporty.. Ang dali ko agad napagod.

"Kasi naman kayo..!" Tinry kong pilitin yung sarili ko na tumakbo, kaya lang...

Ouch! Biglang sumakit yung tuhod ko! Aray.. ang sakit.. Mahuhulog na ata ako.. No! Wag! Please Lord! Head first tama ko nito! Sa sahig pa! Nakakahiya!

I'm falling..

The Dreamer's SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon