Chapter 21

26 1 0
                                    

SONNY'S POV

Lahat kami per year level, nasa gym. 2 days na lang kasi, modelling competition na. And yung mga representative na model per section and year level, nasa pinapunta sa back stage. Ang sa section B, yung section nina Melissa, ang model ay si Hershey. Lahat nung mga model sa year level namin, kilala ko. At isa na dun si.. Andrea. Kaming mga model, nagkuwe-kuwentuhan, except si Andrea. Kasi, kahit anong gawin nilang 'hi' kay Andrea, tinatarayan lang niya. Ang weird nga ng mga pangalan namin eh.

1) Section A - Sonny Munroe (Ako yun!) (^_^)

2) Section B - Hershey Barret (Ang cute kong kabarkada!) (~.~)

3) Section C - Dakota West (Mukha siyang foreigner) ($_$)

4) Section D - Cole Dane Oliver (Chinita!) (CDO)

5) Section E - Jayden Minerva (Panglalaki pangalan niya, pero maganda siya!) (*_*)

6) Section F - Meiko Bean (Haha, mr. Bean! Pero mabait yan!) (+_+)

7) Section G - Andrea Leah mendez (Beach) ('°_°')

So ayan kaming 7. Lahat kami nagtatawanan except si Andrea.

"Haha, tapos biglang lumabas yung uhog niya.. then. Haha.." ang ganda gandang tao, tapos UHOG ang nasa isip..

"Ano ba Jade?!" sigaw ko habang tunatawa.

"Hala! Ayan na si directot!" sabi ni Dakota kaya natawa kaming lahat.

"Okay girls, mag-practice na kayo ng ramp walk niyo." sabi ni directot sa amin. Kaya 'directot' kasi, laging pag dumadaan siya sa harap namin, ang baho. Kaya feeling namin, siya yung umu-utot.

"Walang tao sa labas?" tanong ni CDO.

"Ano ka ba CDO! Meron yan!" sigaw ni Hershey. Actually, okay lang sa kanya na CDO ang tawag sa kanya. Ayaw niya kasi na tawag sa kanya Cole kasi panglalaki yun. Ayaw naman niyang Dane kasi pang aso yun. Ayaw din niya ng Oliver kasi pang-cooking yun and pangalan yun ng asawa ni Pop-eye. Kaya mas-preferred niya yung CDO.

"Hala! Nakahiya!" sigaw uli ni CDO.

"Okay lang yan!" sabi ni directot. "Bilis! Magsimula na kayo!" sigaw uli niya.

"Okay, sino una?" sabi ni Meiko na parang kinakabahan.

"Bakit ba kayo kinakabahan? Eh practice palang naman toh'." biglang sinabi ni Andrea sabay taray sa amin.

"Sige nga, mauna ka." sabi ni Dakota sabay turo dun sa curtain na ang harap ay yung ramp.

Nung una di siya sumagot pero sabi ni directot siya na yung mauna. Alphabetical n lang daw according sa First name.

Pinanood namin si Andrea from back stage and napansin namin ang OA niya kumembot. Yung mga nabonood, napakinggan pa naming nag-BOO.

"Okay, ako na!" sigaw ni CDO.

Simple lang siya naglakad. Parang naglalakad papunta sa canteen. Yung section niya nag "Go CDO!" and siya naman nakangiti lang.

"Nanlamig ako dun ah." sabi niya ng nanginginig.

"Go, Dakota!" binulong ni Dakota sa sarili niya habang papalabas sa ramp. Yung kilos niya, parang pang-model, tulad ko. Model din kaya siya? Habang rumarampa siya, yung mga lalaki sa 3rd year, sumisigaw ng "Ganda!". And dami kasing nag-kakacrush sa kanya na 3rd year. Lalo na yung manliligaw niya na nasa 3rd year din.

"Kaya mo yan Hershey!" sigaw ko sa kanya and ayaw niya.

"Girl, just be yourself." sabi ko then ayun, nag-walk na siya sa ramp. Mukha nga siyang anime kumilos eh. Ang cute. And napakinggan namin na sumisigaw sila ng "Daisuki!" meaning, I love you.

The Dreamer's SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon