The whole week, di ko sila pinapansin. Siyempre kapag tinatawag nila ako or may tatanungin, kakausapin ko. Pero di tulad dati, lagi ko silang kinakausap. Ngayon, talk only if needed. Ang mostly ko nalang kinakausap ay sina Cornic, Andrew, sina Kenneth at Kevin.. Naisip ko kasi na focus muna ako sa studies ko. Parang dati. Ang nakaka-hurt is si Cliff, bihira talaga ako kausapin. Si Sebastian, kinakausap naman ako, pero hindi parang dati.
"Oy ha! Kita tayo sa bahay niyo bukas ha!" sigaw ni Alice.
"Kasama din kami!" sigaw nina Melissa, Victoria, and ni Hershey.
"Basta! Kita-Kits!" sigaw nilang lahat.
"Teka!"
Lumingon kami kay Alice ng bigla siyang sumigaw.
"Bakit?" tanong ko naman.
"Shopping tayo!" sinabi naman niya.
"Oo nga!" sinabi nila.
"Eh ako? Paano?" sinabi ko sa kanila. Kinuwento ko na kasi sa kanila yung nagyari na kidnapping at lahat.
"Don't worry. Di tayo mag-cocommute.." sabi ni Alice sabay kuba ng phone.
"Hello?"
"Be here in one minute or else.."
"Okay bye."
"May kaaway ka ba or--"
"Wala. Basta. Don't worry." binitin niya yung itatanong ko dapat. And feeling ko, di sila magka-sundo nung tinawagan niya.
After namin mag kuwentuhan, may biglang bumusina sa tapat namin. Pagtingin ko, isa siyang limousine.
"Wow ha.." sabi namin nina Cheska at Tricia.
"Ikaw na girl!" sigaw naman nina Alice and my barkads.
"Come on. Let's go shopping!" sigaw ni Alice and sabay kaming lahat sumakay sa Limo niya.
********
CLIFF'S POV
Nasa SM kaming lahat ng boys ng section namin. Nagbalak kasi si Kenneth na mag-gala daw kami. Kaya ayun, nandito kami sa tapat ng SM naglalakad.
Honk. Honk.
Nung lumingon kami, may isang limousine na nagpark sa harap namin.
"Hala! Ki-kidnappin' tayo!" sigaw ni David.
"May na-aalala.." sabi ni Jeremy habang nakangiti.
"Shut up." sabi ko then lumingon ako kay Kenneth. "Did you set this up?"
"Uh.. Look! It's a bird!" sabi niya sabay turo pero di ko siya pinansin.
"It's a plane!" sinabi uli niya pero di ko parin siya pinansin.
"It's a d*ck!" dahil dun sa sinabi niya, natawa kaming lahat.
Napakinggan kong bumukas yung pinto kaya kinabahan ako.
"Hey, How do I look?" tanong ko kay Sebastian. Siya kasi yung bigla kong nakita and nag-papanic na ako.
"You look like you haven't slept good for 5 days." sabi sa akin ni Sebastian. Actually, hindi ako gaano makatulog kasi si Sonny parin ang nasa utak ko.
Lumabas na ng kotse sina Alice and napansin ko na huling lumabas si Sonny. Lumingon siya sa direction ko and ako naman, ang tanga ko talaga, iniwas ko yung tingin ko.
"Ey Sooneeey!" sigaw ni Kenneth sabay appear kay Sonny.
"Yow!" sigaw ni Kevin kayna Sonny.
"Hey" sinabi ni Sebastian.
Napansin ko na halos lahat sila, nakatingin sa akin. Alam ko na sinasabi nila na magsalita ako, pero.. di ko alam kung ano sasabihin ko.
"Uh..--"
"Come on girls!" sigaw ni Sonny tapos pasok sa SM.
"Let's go gays!" sigaw ni Kenneth kaya naman natawa silang lahat. Ako naman, tulala.
"Come on." sabi ni Sebastian kaya naman sumunod lang ako.
Sinamahan namin yung girls mamili ng damit sa MANGO. Ang tagal nga nila mamili eh. Pero si Sonny, may dala agad siyang shopping bag na binigay sa kanya ng isang lalaki na mukhang stylist din niya. Na-aalala ko tuloy nung kaming dalawa pumunta dito sa SM. Ang saya namin nun. Kapag na-aalala ko, gusto kong sapakin yung sarili ko kasi, di ko sinabi ka-agad kay Sonny ng harap-harapan na mahal ko siya. Yung pagka-torpe ko lumabas pagkatapos niya sabihin na..
"HINDI NAMAN TAYO DIBA?!"
Instead of walking away, dapat pala sinabi ko na agad dun sa spot na yun na mahal ko siya. Naiinis ako sa sarili ko ngayon.
"Uy bro!"
"Bro!"
"What?"
"Tinatanong ka ni Sonny, di ka sumasagot." sabi ni Kenneth.
"Ano?" gulat kong nasabi.
"Oo bro. Tinatanong niya kung okay ba yung pinamili niya and ikaw diyan tulala lang." dagdag ni Kevin.
"Kaya ayan, unalis tuloy." -Jeremy
"Seryoso?!" baka naman pinag-tritripan lang ako ng mga toh'.
"Oo nga bro. This time, totoo na toh'. Di kami nagbibiro." seryosong sabi ni Kenneth.
"Ah sh*t! Ang tanga ko talaga!" sinabi ko then sinundan na namin yung girls na papalabas na ng shop.
"Sige guys ha, una na kami!" sigaw ni Alice tapos sumakay sila pabalik sa limousine at nag-drive na sila papalayo sa amin.
Naglakad lang kami and ang topic, tungkol sa akin.
"Bro, ano ba problema sa'yo?!" sabi ni Kenneth habang sinapak ako sa balikat. Mahina lang naman yung sapak, yung mga-pangbarkada.
"Kanina, habang uwian, nag-bye sa'yo si Sonny and ikaw naman, ang tanga, titig lang sa kanya." sa pagkasabi ni Kevin nun, medyo, na-weirdan ako sa mga pinagkikikilos ko.
"Bakit ka ba ganyan?" -Carl
"Dude, di ka ganyan." -Kenneth
"Look, I think.." may na-realize ako..
"Ano? Now you want help?" -Carl
"Yes. I need your help.." hindi lang ako dapat tutulala everytime na kausapin ako ni Sonny. Dapat, di ko na intindihin yung nangyari in the past. Dapat, ang isipin ko, yung ngayon. Kung pano ko siya maliligawan, at kung pano siya magiging sa akin.
"Sabi na nga ba eh!" sigaw ni Kenneth. "Bumalik na rin sa katinuan si pinuno!"
"Shut up." sinabi ko and nagsimula na kaming maglakad.
"Yes sir!" sigaw nila and habang naglalakad kami, nagsimula na kaming magplano. Yung kasing first plan na ginawa ni Kristine, hindi na natuloy kasi nga dahil dun sa.. alam mo na. Kaya ngayon, may bago kaming plan! Kaya dapat lang humanda ka Sonny!
BINABASA MO ANG
The Dreamer's Someone
Teen FictionMaganda? Check. Rich Kid? Check. Matalino? Check. Mabait? Medyo Check. Kung sa tingin niyo, perfect na life niyo pag may ganito kayo, WELL, NAGKAKAMALI KAYO! Correction: Hindi lahat ng buhay ay perpekto pag meron kang lahat nito. My name is Sonn...