George Morris' POV
"George" hininto ko yung ginagawa ko para sumilip sa tumawag sa'kin, "can I come in?" tanong ng isang babae na may katamtamang taas at katawan, lumalam ang mga mata at may maputlang kompleksyon ng balat, nakatayo siya sa may pintuan.
Isang tango ang sagot ko at lumibot muna s'ya sa kwarto atsaka umupo si ate Georgina sa gilid ng kama, itinuon ko ulit ang atensyon sa pagsusulat.
"George." Tawag ulit niya, pero hindi ko siya sinagot. Tanging liwanag lang ng lamp shade ang nagsisilbing ilaw sa kwarto ko.
Napabuga ako ng hangin, lumingon sa gilid, kung siya nakaupo. For the nth time, I'm so sure that my sister is going to tell the same thing again. I'm tired of arguing this with her.
"Ate," I sighed again, "please... not again." Then, she giggled.
"Alam kong tatanggi ka pa rin at hindi na mabibilang sa daliri ng mga kamay at paa ko kung nakailang failed attempts ako," sabi niya, "mikang mas dapat ko pang i-develop ang convincing powers ko." Ngumiti siya. Nang marinig ko ang salitang 'powers' medyo iba ang pagkakaunawa ko.
Ibinalik ko na ulit ang atensyon sa pagsusulat. Mukang hindi ako sesermonan ni ate katulad noon, kakausapin niya ko na mauuwi sa pagtatalo at pag-aaway. Naiintindihan niya na siguro na sadyang matigas ang ulo ko.
"I'm getting married soon," napahinto ako saglit, nagkuyom ang isa kong kamay,nagtagis ang bagang, "malapit na kong umalis sa bahay na 'to."
I want to stop her and to shake her until she wakes! But I can't... Alam kong hindi ko na siya mapipigilan pa, she's my only sister... Pero sabi niya ginagawa niya ang lahat ng 'to para sa'kin.
Para sa kapakanan ko.
"George... This is the last time that I'm going to ask you this." Hindi ako kumibo. "Please...Umalis ka na sa White Knights, lumipat ka na sa---"
"Hindi pwede. Ayoko." At kagaya noon pa man, lagi ko nang pinuputol ang sasabihin ni ate ang tungkol sa bagay na 'yan.
"...I understand..." tiningnan ko ulit si ate, bakas ang kalungkutan sa mga mata, laglag ang balikat. Hindi ko siya masisisi, madami na siyang sinakripisyo na ginawa. Hindi rin naman niya ko masisisi dahil mayroon akong mahalagang dahilan.
Tinitigan ko ang mga mata niya at unti-unti akong dinala nito sa nakalipas.
"Ate!" dinala ako ng mga mata sa nakaraan, nakita ko ang batang George, pumapalahaw sa playground ng munting paaralan. Mag-isa.
"Anong nangyari sa'yo?" biglang dumating si ate Georgina na noo'y nasa edad na labinlima at ako'y walong taong gulang. "May umaway ba sa'yo?" Umiling ang batang si George.
BINABASA MO ANG
The Peculiars' Tale (UNCUT VERSION)
FantascienzaShe can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the future, never wants her power and believes that every event in the universe is already determined...