Chappy 11: Hopeless

58 2 2
                                    

A/N: Waaah!!! Logo making na bukas. Sana manalo ako Lord. Please please please.

•'...'•

---------------------------

Brittle's POV

Palala na ng palala ang sakit ko guys. Mahirap na talaga. Kukunin na ba ako ni Lord? Sana wag muna. Please.

"Huy! Nag dedaydreaming ka nanaman diyan!" panggugulat ni erica saakin habang ako'y nakatingin lang sa bintana.

Bwisit talaga to si Erica, ansakit na nga ng dibdib ko nanggugulat pa. Ihulog ko na siya sa bangin eh! (>_<)

⊙_⊙ oo nga pala yung plano ko para kay Vj. Paano na ba?

Kasi ang kinatatakutan ko ang masaktan ako. Baka sabihin niya na "Sorry pero hindi kita mahal" o pwede naman. "Sorry may mahal na akong iba." ayokong masaktan kasi eh.

Baliw na baliw na ako sakanya.

Halos araw araw ay iniisip ko siya. Hinihintay sa labas ng campus. Para lang makita kita.

Malabo naman kasi na mapansin mo ako. Isang akong multo at ikaw naman ay isang typical na popular guy sa school.

Mahirap ng isang lalaki na kagaya mo. Isang lalaki na mabait, matalino pa! Tapos pogi, palatawa, at madaling kausap.

"Haay...." Brittle, gagraduate na siya! Hindi pa ba ikaw aamin sakanya? Baka magsisi ka sa huli!

Stupid cupid! Bakit ba kasi ako ang tinamaan ng pana mo?! Bakit hindi na lang iba?! Tignan mo nagpapakatanga ako dito para sa lalaking malabo naman na mapansin niya ako!

Nagbalik sa alaala ko kung paano ko hinanap o kung paano ako nag-iistalk sayo nung first year ako nun.

Halos buong araw ko hinalughog ang facebook para lang mahanap ko ang account mo.

Everyday na nag de-daydreaming sakanya.....

Kahit sa pag kain mo, pagihi, pagjumejebs ka din at sa pagtulog mo ay nagdeday dreaming ka sakanya....

Ganyan ako kabaliw sakanya.....

Minsan nga iniisip ko na mag give up na ako sayo kasi WALANG MANGYAYARI SA TIMELINE KO NA MAGING TAYO O MAINLOVE KA SAAKIN.

INSHORT, WALANG MABUBUO SA ATIN.

-------------

"Brittle, napagdisisyunan na namin na lumipat na tayo kay Lola lydia sa canada. Para doon ka na din mapa check-up."

"Ano?!"

"Next week na agad ang flight mo bago pa mahuli ang lahat brittle "

"So natuloy na ang noon na pinaguusapan niyo?! Ma! K-kasi...." paano naman si Vj. Hindi ko siya pwede iwan dito. Hindi ko siya kayang hindi makita ng araw araw.

"Brittle...Kinausap ko na din ang school niyo na doon ka na sa canada mag aaral."

"Umma! Ayoko ma! Ayoko!"

------

-1 week-

Hindi na ako pumasok ng 1 week kaya hindi ko na nasabihan si Erica. Nagpaalam muna ako kay mama na pumunta sa school kasi alam kong may CAT form sila ngayon.

Nakita kong ang tahimik. Nandoon na kasi si Sir audie. Nilagay ko muna doon sa lounge yung mga bagahe ko.

Ng mapansin ako ni sir audie ay lahat din sila napatingin saakin. Nakita ko si erica na nakatingin saakin. Yung parang sinasabi niya na 'Saan ka nanaman nagpunta kang bruha ka?!' .

Sir! I LOVE you Sir! (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon